webnovel

Scarlet Moon Demonic Cave (1)

Redakteur: LiberReverieGroup

Sa kanilang lima, tanging si Zhao Feng lamang ang may kaalaman tungkol sa arrays at kinilala bilang "genius array" sa Clan.

Sa oras na ito, ang apat ay lumingon sa kanya. Maging ang pinunong si Huang Yun, na sinubukang patayin si Zhao Feng noon, ay masiglang ngumiti.

"Kung tatawag ako ng tulong mula sa Clan, hindi ako makakukuha nang magandang bagay mula sa Inheritance na ito."

May sariling plano si Huang Yun. Ang tanging magagawa niya lamang ngayon ay ipasira kay Zhan Feng ang array upang makapasok sa lugar. Matatapos niya ang misyon at makakukuha siya ng gantimpala mula sa Inheritance.

Sa 30% na kayamanan na ipinangako niya kay Zhao Feng, hindi ito totoo. Malamig na tumawa si Huang Yun sa kanyang puso; ang kanyang orihinal na plano ay patayin si Zhao Feng. Kung mapapatay niya ito sa lupain ng Inheritance, ito ay pagpatay ng 2 ibon gamit ang isang bato!

Tumayo si Zhao Feng sa tapat ng burol at sinuri niga ito gamit ang kanyang mga mata.

"Brother Zhao, narinig ko na tinatawag kang henyo sa array sa ating Clan. Kaya mo bang sirain ang array na ito?" Nakangiti si Huang Yun habang magalang itong sinabi.

Umaasang tumingin sila Xu Ren kag Zhao Feng.

"Tumigil ka sa paglapit sa akin!"

Ang malamig na boses ni Zhao Feng ay tila patpat na bumasag sa kulay pula at berdeng mukha ni Huang Yun. Gayunpaman, para sa mga hindi tukoy na gantimpala, hindi siya maaring magalit.

"Brother Huang, sinisira na ni Zhao Feng ang array ngayon. Hindi natin siya dapat guluhin."

Tumingin si Xu Ren sa nakapokus na itsura ni Zhao Feng at hinila niya sa gilid si Huang Yun.

Sobrang galit at nag-aalab na ang puso ni Huang Yun, ngunit wala siyang magawa.

May mapanuksing ekspresyon si Zhao Feng at hindi siya naniniwala sa 30% na pangako ni Huang Yun.

Sa mapag kubling array sa kanyang harapan, hindi niya mapigilang ngumiti. Sa usapang arrays, si Zhao Feng ay mas magaling sa mga baguhan, ngunit malaki pa ang pagitan niya upang makasabay sa matatandang array masters.

If Zhao Feng was to set up a few arrays, he would be nowhere near as fast as the older array masters.

However, if it was just pure 'destruction', Zhao Feng had complete confidence!

His mysterious left eye could copy arrays from the Clan such as the Energy Gathering Array in the Thousand Leaf Pond. Even the flaws in the Hollow Buildings' array had been found out by Zhao Feng, which allowed him to get a High class Mortal skill.

Kung pag aaralan ni Zhao Feng ang ilang arrays, siya ay mabilis na mapa-palapit sa mga matatandang array masters.

Gayunpaman, kung ito ay purong pagwasak lamang, may kumpyansa si Zhao Feng na magahawa niya ito.

Ang kanyang misteryosong kaliwang mata ay kayang kumopya ng arrays mula sa Clan gaya ng Energy Gathering Array sa Thousand Leaf Pond. Maging ang mga kamalian sa Hollow Buildings' array ay nakita ni Zhao Feng, na nagbigay sa kanya ng pagkakataon na makuha ang High class Mortal skill.

Ngunit nagpanggap siya na ito ay hindi madali.

"Ang array na ito ay ilang daang taon na. Hindi talaga ito simple."

Hindi nagtangka na huminga pa sila Huang Yun, sa takot na maiistorbo nila si Zhao Feng.

Matapos ang mahabang oras, kinuha ni Zhao Feng ang kanyang Golden Stairs Bow at pumana nang ilang palaso.

Beng~ Sou- Sou-

Ang matulis na palaso na mayroong makapangyarihang True Force ay direktang tumama sa array.

Gayunpaman, matapos maglaho ng mga palaso, walang nagbago sa array.

"Brother Zhao, sigurado ka bang kaya mo ito?" Pagpipilit sa kanya ni Huang Yun.

Hindi sumagot si Zhao Feng at tumayo siya sa parehong pwesto.

Matapos ang ilang sandali, nagsimulang magbago ang burol.

Wng~~~

Biglang naglaho ang burol sa kanilang harapan at napalitan ito ng kuweba. Sa kuwebang ito ay may dugo, na ang aura ay malamig at madilim.

Ang lahat ay sabik na pumasok.

"Sira na ang Array!"

Huminga nang malalim si Zhao Geng at malamig na nagsalita: "Brother Huang! Bakit hindi ka gumagalaw? Gusto mo ba ulit na isang 1st Sky bang Ascended Realm ang maunang pumasok?"

Namula ang mukha ni Huang Yun at nag-aalinlangan na nagsalita: "Mayroon pa bang mga arrays sa loob?"

"Haha, noong nasa 2nd Sky pa lamang si Xing Chen, sinabi niya na aksidente siyang napunta sa array at may nakuha mula dito. Hindi kaya ay walang tiwala si Brother Huang sa kanyang sarili?" Bahagyang tumawa si Zhao Feng.

Tuso si Huang Yun, ngunit malakas ang kanyang loob tulad ng daga.

"Kung hindi mauunang pumasok si Brother Huang, ako na." Puno ng pag-asa si Xu Ren nang nagsimula siyang kumilos.

"Sandali! Mas mabuting pumunta ako." May kumpyansang ngumiti si Huang Yun at pumasok sa kuweba.

Hindi nakapagsalita sila Xiao Sun. Ang mukha ni Hung Yun ay mabilis na nagbago. Tumawa su Zhao Feng sa kanyang puso, halatang takot si Huang Yun na maunang kuhanin ni Xu Ren ang lahat ng kayamanan at ang cultivation ni Xu Ren ang pinaka malapit sa kanya.

Sa oras ding iyon, hindi ipinag walang-bahala ni Haung Yun si Zhao Feng, ang kabataang ito na nasa 1st Sky ng Ascended Realm ay mas nakakatakot. Sa kabila ng lahat, hindi normal ang taong nakapag cultivate ng Lighting Wind Palm.

Sa unahang bahagi ng kuweba ay maliit at isa-isang tao lamang ang kasya. Matapos maglakad ng sampung yarda, ang daanan ay mas naging malaki.

Napansin ni Zhao Feng ang mga palatandaan na may nag ta-trabaho dito. Nang naglakad pa sila pailalim, ang amoy ng dugo at ang aura nang kalamigan ay mas lalong lumakas. Ang aura na ito ay nagpabilis sa tibok at nagpasaya ng puso ni Huang Yun. Kung hindi siya nagkakamali, ito ang Wicked Inheritance.

Tanging ang kilay lamang ni Zhao Feng ang magkasalubong. Mabilis na tumalon ang kaliwang mata niya kaya naramdaman niyang may mali. Ayon sa kanyang pagsusuri, malaki ang tsansa na ito ng Wicked Inheritance, ngunit may iba pang posibilidad.

Matapos maglakad sa isang daang yarda pa, ang dingding ay halos nag kulay dugo.

"Tingnan niyo ito!"

Sumigaw si Xu Ren habang nakatingin sa harapan. Biglang naging malaki ang kweba at isang kapatagan ang lumitaw. Sa kapatagan, mayroong rebulto na may taas na sampung yarda na nagbigay ng luma at ancient aura.

Ang ulo sa rebulto ay may scarlet moon na nakaukit sa noo nito. Ang dalawang mata nito ay kulay dugo at sa tabi ng ulo nito ay may pakpak ito na sampung talampakan ang haba, na tila kayang bumalot sa langit.

Sa pagharap sa scarlet moon demon, tumalon ang puso ni Zhao Feng.

Habang iniisip niya ang asul niyang buhok at mata, nakaramdam siy ng 'Synchronization'.

Sa presensya pa lamang ng rebulto ay tila gusto nang yumuko ng 5.

"Maari kayang…?"

Tumitig si Xiao Sun sa scarlet moon demon na may takot. Kitang-kita ni Zhao Feng ang malamig na pawis na lumalabas sa katawan ni Xiao Sun.

"Scarlet Moon Demonic Religion!"

Binigkas ni Huang Yun ang bawat salita habang nanginginig ang kanyang boses, ngunit walang nakakaalam kung ito ay dahil sa takot o kasabikan.

Scarlet Moon Demonic Religion!

Lumukso ang tibok ng puso ni Zhao Feng nang pumasok sa kanyang isip ang impormasyon tungkol sa pangalan nito.

Ang Patriarch ng Scarlet Moon Demonic Religion ay kakaiba. Mayroon itong nakuha mula sa ancient inheritence at sinanay siya sa path of Wickedness, kaya siya naging pinaka malakas na tao sa kontinenteng ito.

Ang Patriarch ay bumuo ng relihiyon at walang pwersa ang makapipigil dito. Kahit pa ang pwersa ng Broken Moon Clan at ang super Clans ng West continent ay walang laban dito.

Noong umabot na sa rurok ang relihiyon na ito, kumalat ito sa buong kontinente. Noong panahaong iyon, ang mga nasa True Spirit Realm ay namatay maging ang mga cultivators sa Origin Core Realm ay kailangang lumabas upang makipaglaban sa Scarlet Moon Demonic Religion.

Ngunit walang nakakaalam kung patay na ba ang Patriarch.

May mga nagsasabi na patay na ang Patriarch, ang iba ay nagsabing selyado ito, ang iba naman ay sinasabing ninakaw niya ang ibang katawan at nabuhay muli, nag-aantay sa panahon na muli siyang sisikat.

Sa lahat lahat, ang Scarlet Moon Demonic Religion ay ipinagbabawal na bagay sa kontinente at siya ay publikong kalaban ng mga Clan at mortal emprires.

Sila ay may isang hakbang na lamang upang kontrolin ang buong kontinente, na hindi pa nangyayari sa nakalipas na milyong taon.

....

Sa pagkaalam nila na ang lugar na ito ay may koneksyon sa Scarlet Moon Demonic Religion, nagpigil nang malamig na paghinga, na tila pumasok sila sa pinto ng kamatayan.

"Ito marahil ang matibay na tanggulan ng Scarlet Moon Demonic Religion. Yamang nasira na rin naman ang relihiyon na ito, wala na dapat natira kung hindi ay hindi na maka aalis ng buhay si Xing Chen dito." Huminga nang malamig si Huang Yun at pinilit na kumalma.

Ang lima ay nag diskusyon, ngunit napag desisyunan nila na tumuloy. Sa kabila ng lahat, nakalabas ng ligtas si Xing Chen dito, ibig sabihin ay walang panaganib dito o kung hindi pinatay na si Xing Chen ng mga natirang miyembro ng relihiyon na ito, kahit na ang miyembrong iyon ay may mababang awtoridad lamang.

Sa pagtapak sa lupain, napagtanto nila na may tatlong blood streams na gawa ng tao na at ang nasa gitna ang pinaka malaki.

"Mayroong mga yapak ng paa sa gitnang sapa kaya nangangahulugan ito na nanggaling dito si Xing Chen. Papatayin muna natin siya at tatapusin ang misyon bago natin isipin ang ibang bagay."

Lahat ay sumang-ayon kay Xu Ren at lahat sila ay nagtungo na sa daan sa gitna.

Ang amoy ng dugo ay mas lalong tumapang at habang lumalalim ang kanilang nararating ay mas nagiging malinaw ang masamang nararamdaman nila.

Bahagyang kumirot ang puso si Huang Yun habang kinikilatis niya ang paligid.

Sa wakas ay abot na sila sa dulo ng sapa.

Mayroong bloody wall katabi ang tuyong blood pond.

"Sire… Nakapasok na sila sa array! Paano ito nangyari?"

Umupo si Xing Chen sa tabi ng blood pond at may takot siyang tumingin siya sa lima na. Hindi niya naisip na masisira ng 5 ang array at makapapasok sa matibay na tanggulan ng Scarlet Moon Demonic Religion.

Sire?

May iba pang tao dito?

Tumalon ang puso nila Zhao Feng.

Kung may iba pa talagang tao dito mula sa Scarlet Moon Demonic Religion, walang duda na mamamatay sila. Sa pagsunod sa tinitignan ni Xing Chen, nakapokus ang kanilang atensyon sa Silver Striped Blood Corpse.

Hu~

Ang natitirang likido at sariwang dugo ay biglang umalon at lumukso ang tibok ng puso ni Zhao Feng.

Isang kasindak-sindak na aura ang lumitaw, na halos nagpaluwa ng dugo sa lahat.

Plop! Plop!

Hindi kinaya nina Lin Fan at Xiao Sun ang presyur at sila ay halos nakaluhod na sa lupa.

Sa loob ng katawan ni Zhao Feng, ang asul na dugo ay lumaganap na humarang sa kanyang presyur.

"Mga bata, ang lakas ng loob niyong gambalain ang aking pananahimik! Ngayon, kayo ay magiging blood sacrifice upang tulungan akong gumaling…"

Isang malamig na boses ang nangibabaw sa buong kuweba.

Ang Silver Striped Blood Corpse na may kulay dugong mata ay dahan-dahang bumangon. Mahirap isipin kung paano nabuhay ang isang bangkay. Natakot sila Huang Yun at hindi nila mapigilan ang manginig sa takot.

Nächstes Kapitel