webnovel

Ang Pagkawala ni Zhao Feng

Redakteur: LiberReverieGroup

Ilang araw ang nakalipas, ang grupong kinabibilangan nila Huang Yun, Xu Ren, Xiao Sun, Zhao Fenf at Lin Fan ay nakarating na sa bahay ng pamilyang Xing.

Ito ay isang canyon malapit sa hangganan ng Country at hindi sila masyadong nakipaghalubilo sa labas. Hindi ito makikita ng normal na tao, ngunit dahil kinokontrol ng Broken Moon Clan ang bansang ito, walang kahit sino ang makakapagtago sa kanila.

Mula sa isa hanggang dalawang milya ang layo, lima ang nakatayo sa ibabaw ng canyon at nakatingin sa ibaba. Ang buong lugar ay napakatahimik na nakakatakot na ito. Tila ba namatay na ang lahat ng tao dito.

Ang grupo ng lima ay nakaramdam ng kakaibang aura at hindi nangahas na gumalaw nang hindi nag-iisip. Ayon sa mga ulat, sinasabi na ang lugar ay nababalot ng plague at higit sa kalahati dito ang namatay.

Bukod pa rito, ang pinuno ng pamilya na si "Xing Chen" ay namatay sa isang aksidente.

"Zhao Feng, Lin Fan, pumunta kayong dalawa at tignan kung anong nangyayari sa doon sa baba," utos ng pinunong si Huang Yun.

Sa lima, si Huang Yun ang may pinakamataas na cultivation at ang pinuno. Sa daan, inutusan niya si Zhao Feng at Lin Fan na gawin ang mga mapanganib na gawain.

Mababakas ang galit sa mga mata ni Xu Ren nang siya ay tumingin sa direskyon kung saan pumunta si Zhao Feng at Lin Fan. Naghiwalay ang dalawa at tumungo papunta sa lugar sa magkaibang direksyon.

Teng!

Tumalon si Zhao Feng sa pinakamataas na lugar at sinuri ang lugar. Dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang takip sa mata hanggang sa lumabas na ang peak ng kaniyang asul na mata, na tumingin sa buong lugar ng pamilyang Xing.

Shua!

Sa isang saglit, isang 'mapa' ang lumitaw sa kaniyang isip. Ang kaniyang pagkakaintindi sa tanawin ng pamilyang Xing, ang lugar ay mas mabuti kaysa sa mga taong ipinanganak dito.

Sinabi sa ulat na ang plague ay nakakamatay para sa mga nasa ikapitong antas ng Consolidated Realm, ngunit hindi masyado sa mga nasa mas mataas na rito.

Dahil nasa Ascende Realm siya, ang isang normal na plague ay hindi makakaapekto sa kaniya. Samakatuwid, hindi nagdalawang isip si Zhao Feng na pumasok sa loob.

Ipinapakita lang niya kay Huang Yun at Xu Ren na ginagawa niya ang kaniyang trabaho.

Sa loob ng canyon, napakatahimik dito. Minsan, may mga iilang taong nasa ikapitong antas ng Consolidated Realm, ngunit nakahiga na sila sa lupa ay may huling hininga na.

Sinuri sila ni Zhao Feng gamit ang kaniyang kaliwang mata at may nakitang mahinang lilang aura sa kanilang laman na hinihigop ang kanilang buhay.

Habang pumunta siya papasok sa gitna, nakita niya ang isang gusaling ilang ektarya ang laki na may maraming mga buhay na tao sa loob.

Maraming mga nasa ikapitong antas o mas mataas pa at nahagip ng kaliwang mata ni Zhao Feng ang tanging matandang lalaki sa Ascended Realm.

"Kung tama ako, siya ang butler ng pamilyang Xing at ang taong nagpakiusap sa atin."

Di nagtagal, dumating si Lin Fan mula sa ibang direksyon at nagsimulang kausapin ang butler ng pamilyang Xing.

"Ako ang butler ng pamilyang Xing, na may apelyidong Li, ako ay lubos na nagpapasalamat na makita kayo."

Nang malaman ang dahilan ng pagpunta ng dalawa, lumuha sa galak ang matanda. Pagkatapos ay nagsimula na siyang ilarawan ang plague at kung paano namatay ang pinuno ng pamilya.

Nagsimula ang plague kalahating taon na ang lumipas at nakapsok sa canyon nang walang nakakapansin dito. Nababalot na nito ang buong lugar ngayon. Sa mabuting palad, ang buong pamilyang Xing ay nakatira sa isang bakanteng lugar para hindi kumalat ang plague. Ang pagkamatay ni Xing Chen ay nangyari noong nakaraang buwan lang.

"Gabi non at mag-isang lumabas ang pinuno ng pamilya at narinig ang tunog ng paglalaban sa mga puno. Nang makarating siya, ang pinuno ng pamilya ay patay na…" Ikinuwento ni Butler Li ang buong pangyayari.

Sa huli, lumuhod siya at nagmakaawa: "Nagmamakaawa ako sa inyong dalawa ng tumulong sa paghahanap ng pinagmumulan ng plague at hanapin ang taong ito!"

Nag-isip nang malalim si Zhao Feng matapos marinig ito. Kung titignan ito, tila ang pagkamatay ng pinuno ng pamilya ay kasabay ng pagkalat ng plague.

Ang tao sa likod nito ay siguradong makapangyarihan at maaaring mula sa ibang bansa dahil nagawa niyang ikalat ang plague at pumatay ng isang taong nasa 2nd Sky of the Ascended Realm.

Bakit papatayin ng taong ito ang pinuno ng pamilya at gagambalain ang pamilyang Xing? Agad na naisip ni Zhao Feng ang salitang: Paghihiganti!

Hindi nagtagal…

Si Huang Yun at ang dalawa pa ay nakarating na sa gitna ng lugar, nagsabi sila Zhao Feng at Lin Fan sa kanila ng impormasyon tungkol sa kanilang pagmamasid.

"Pumunta tayo sa mga puno kung saan naganap ang laban."

Nagliwanag ang mga mata ni Huang Yun. Ang mga punoang pinanggalingan ng dalawa at ang mga marka ng labanan ay hindi pa rin nawala, ibig sabihin ay sindaya itong iwan.

Habang nakatayo sa pinaglabanan, may naramdamang kakaiba si Zhao Feng. Kaya agad niyang sinuri ang kapaligiran gamit ang kaniyang kaliwang mata, ngunit hindi siya nagsalita.

Nagliwanag ang mga mata ni Huang Yun at madaling inanalisa: "Mula sa mga marka, tila ang cultivation ng pumatay ay kapareho ng sa pinuno ng pamilya – peak 2nd Sky of the Ascended Realm."

"Si Brother Huang Yun ay tama."

Agad na sumang-ayon si Xu Ren at Xiao Sun. Sa daan, sumsang-ayon sila kahit anong sabihin ni Huang Yun.

Nagpaalam si Huang Yun kung maaari bang makita ang bangkay ng pinuno ng pamilya. Ngunit ang bangkay ay nakalibing na kalahating buwan na ang kalipas at ang dalawang young master ay tutol dito.

Walang ekspresyong tumingin si Xu Ren sa kanila at ginipit sila gamit ang kaniyang 2nd Sky aura. Ang dalawang young master ay nasa ikawalo at ikasiyam na antas ng Consolidated Realm lang, kaya paano sila lalaban?

Di nagtagal, si Zhao Feng at ang iba pa ay nakakita ng nabubulok na katawan ng pinuno ng pamilya. May iilang mga baling buto sa balikat at dibdib nito pati na rin ang iilang mga marka.

Hindi sila nakakita ng kahit anong mali sa katawan. Ang mukha ay hindi na maayos. Tanging ang mga mata ni Zhao Feng lang ang nagliwanag, ngunit hindi siya nagsalita. Kahit na nagsalita siya, hindi naman makikinig ang iba.

Sa parehong araw, sinundan ng lima ang iba pang ebidensya ngunit wala naman itong naitulong.

Mananatili tayo rito ngayong gabi. Zhao Feng at Lin fan, kayong dalawa ang responsable sa pagbabantay ngayong gabi," utos ni Huang Yun.

Siya ang pinuno at kailangang makinig ng lahat sa kaniya. Ang pinuno ay may kapangyarihan pang hatiin ang pabuya.

Nagkatinginan si Zhao Feng at Lin Fan at nagdesisyong magbantay sa labas.

"Brother Zhao, may nakita ka bang ebidensya?" tanong ni Lin Fan.

"Wala."

Sumagot si Zhao Feng nang may ngiti ngunit naramdaman ni Lin Fan na may nakita naman talaga siya. Sa apat, ang may asul na buhok na ito lang ang hindi madaling basahin.

Shua!

Isang itim na anino ang lumabas sa gilid ng kaniyan mga mata.

"Sinong nandyan?"

Sumigaw si Lin Fan at ginising si Huang Yun, Xiao Sun, Xu Ren pati na ang dalawang young master at butler.

"May nakita kaming itim na anino papunta sa direksyong iyon!" agad na sinabi ni Lin Fan.

Itim na anino?

Nagliwanag ang mga mata ni Huang Yun nang marinig ito. Kung mahuhuli nila ang pumatay, mayroon silang karagdagang pabuya.

"Dali! Sundan niyo!"

Ang kaniyang anyo ay naging berde ang sinundan kaagad ang anino. Ni hindi nga nakita ni Xiao Sun at Lin Fan kung paano gumalaw si Huang Yun. Isa siya sa mga elite inner disciple sa 2nd Sky.

Sa pangunguna ni Huang Yun, agad na sumunod ang iba pa. Di nagtagal, nakita ni Huang Yun ang itim na anino sa kaniyang harap, na mas mabagal lang sa kaniya nang sobrang kaunti.

"Saan ka pupunta!?" sigaw ni Huang Yun nang mapalaganap ang kaniyang napakapulang true force, na nakapagpalapit nang nakapagpalapit sa kaniya.

"Zezezezeze…"

Ang itim na anino ay tumawa nang kakaiba ay nawala sa mga puno kung saan namatay ang pamilya. Mababakas ang pag-aalala sa mukha ni Huang Yun nang tumigil siya sa mga puno at hindi kaagad na pumasok.

DI nagtagal ay dumating na ang iba at hindi rin nangahas na pumasok nang hindi nag-iisip.

"Lin Fan at Zhao Feng, pumasok kayo bilang mga tagamanman. Susunod kami bilang mga suporta," walang ekspresyong iniutos ni Huang Yun.

Ruamagasa ang galit ni Lin Fan, ginagamit sila ni Huang Yun bilang mga pain?

"Pupunta ba kayo o hindi? Mangangahas ba kayong hindi sundin ang utos ng pinuno!?" sigaw ni Xu Ren sa kabilang banda, habang tumawang tila nanloloko si Xiao Sun.

Ang grupo ng lima ay walang magawa.

"Ano kaya kung hayaan niyo akong mauna?" walang ekspresyon na sinabi ni Zhao Feng.

Nang marinig ito, napatigil ang lahat.

Napagtanto ng lahat na dinala lang sila ng itim na anino roon para sa plano nito. Dagdag pa rito, ang pinuno ng pamilya ay namatay dito.

"Kung patuloy tayong magdadalawang isip, makakatakas na ang pumatay," ngumiti si Zhao Feng.

Inilipad ng hangin ang kaniyang asul na buhok at isama pa ang kaniyang isang mata, mukha siyang lubos na misteryoso.

"Sige."

Nagkatinginan si Huang Yun at Xu Ren at tumango.

May gustong sabihin si Lin Fan, ngunit hindi na itinuloy nang makita ang ngiti ni Zhao Feng.

Shua!

Naging isang tahimik na anino si Zhao Feng na tumalon sa mga puno.

"Hmm!? Ang mga movement skill ng batang 'yon ay medyo magaling."

Mababakas ang gulat sa mukha ni Huang Yun nang siya ay sumunod.

Pinangunahan ni Zhao Feng ang daan, habang ang apat na iba pa ay nanatili sa partikular na distansya sa likod niya.

Lahat sa kanila ay nakaabot na sa Ascended Realm at may mabuting paningin. Ngunit sa gabi, hindi ito kasing buti ng sa umaga.

"Naroon ito!" biglang nakita ni Zhao Feng ang itim na anino at agad na sinundan ito.

"Huwag mo itong patatakasin!" Nakita rin ni Huang Yun ang anyo at nagalak.

Shua!

Naramdaman ng lahat na mas bumilis si Zhao Feng at tila naging kasama ng gabi.

"Brother Zhao!"

"Brother Zhao, nasaan ka?"

Sumigaw ang apat, ngunit walang sumagot sa gitna ng gabi.

Tila ba si Zhao Feng ay nilamon ng dilim.

"Hindi kaya katapusan na ni Zhao Feng?" nag-aalala at natutuwa sa Xu Ren.

Naghanap sa malapit ang apat nang matagal, ngunit hindi makikita si Zhao Feng kahit saan.

"Dahil ito sa inyong mga tanga na takot mamatay! Si Brother Zhao ay 14 taong gulang lang at una niyo siyang pinapunta!"

Galit na sinabi ni Lin Fan, ngunit naramdaman niyang may kakaiba sa pagkawala ni Zhao Feng.

"Leader Huang, ang lugar na ito ay masyadong kakaiba. Mas mabuting umatras muna tayo at bumalik na lang sa umaga," mungkahi ni Xiao Sun.

Parehong si Huang Yun at Xu Ren ay tumango nang marinig ito.

"Hahahaha…gusto niyong tumakas? Huwag niyong isipin 'yan!" Isang kakaibang tawa ang umalimngawngaw sa mga puno.

Boom~

Ang buong kagubatan ay gumalaw na tila may lindol.

Hindi maganda ito!

Biglang namutla ang apat.

Nächstes Kapitel