Ang pagliyab ng apoy ay naganap na rin sa wakas!
Nagsisimula na ang pagkontrol sa antas ng pagliyab…
Sa pagkakataong iyon, lubos na kinakabahan at maligalig si Zhao Feng. Pero dahil sa kanyang kaliwang mata, agad rin naman siyang kumalma.
Ang kaliwang mata ay nagbibigay sa kanya ng katiyakan, kaangkupan at kontrol. Kung gayon, kahit napakahirap kontrolin ng apoy, hindi makagagawa ng mali si Zhao Feng pwera lang kung mali ang pagkakaintindi niya.
Mabagal na lumipas ang oras.
Isang oras, dalawang oras, tatlong oras…
Hindi ito ang unang beses na gumawa si Zhao Feng ng pills, pero ito ang pinakamatagal. Ang mga pills na ginawa niya rati sa Grass-Wood Division ay lahat mabababang uri at may gamit lamang sa mortal na mundo at hindi rito. Ang Marrow Cleansing Pill na ginagawa niya sa kasalukuyan ay isang Spiritual Pill at ang pinakamahirap gawin sa lahat ng nagawa niya.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com