"Master, ang totoong battle points ni Zhao
Feng ay 565, hindi 465! Ngunit bilang konsiderasyon sa ibang mga henyo, nilihim
ko ang 100 battle points…" saad ni First Guard.
"Totoo
ba ito?" Isang ilaw ang lumitaw sa mga mata ni Lord Guanjun nang ilabas niya
ang mabigat na presyur kina First Guard at Ye Linyun.
"Oo!"
Walang
alinlangang sinabi ni First Guard. "Si Brother Zhao Feng ay nakakuha nang
mataas na puntos sa archery at close combat."
Sa
loob ng boses ni First Guard, may kaunting kapaitan. Bilang isang quasi-Holy
martial artiat, ang kanyang mga salita ay may malaking halaga. Alam ni First
Guard na hindi siya aabot sa ganoong lebel kung parehas sila ng antas ni Zhao
Feng.
"Master!
Ang disipulo dito ay nagsabing hindi mo pagsisisihan kung kukuhanin mo si Zhao
Feng bilang iyong disipulo," saan ni Ye Linyun nang nakangiti. Noon pa man ay
malaki na ang tiwala niya kay Zhao Feng at hindi siya nito binigo.
Naalala
ni Lord Guanjun ang kanyang pag-aalinlangan noon na kunin si Zhao Febg bilang
disipulo o hindi. Sa akbila ng lahat, noong oras na iyon, ang talento ni Zhao
Feng ay Half Spiritual Body lamang. Ito ay dahil lamang sa rekomendasyon ni Ye
Linyun na kunin siya.
Mukhang
ang desisyong ito ay hindi mali.
"Hindi
masama si Zhao Feng at ang kanyang galing sa pakikipaglaban ay halos perpekto."
Ang mga salita ni Lord Guanjun ay nagbago kasabay ng kanyang pag
buntong-hininga.
"Sa kasamaang-palad, siya ay Half Spiritual Body lamang na nagtatakda sa kanyang hinaharap na mga tagumpay at hindi niya matutupad ang aking kahilingan…"
Halatang
mahusay ang ginawa ni Zhao Feng ngunit sa tingin ni Lord Guanjun ay hindi siya
magkakamit nang malaking tagumpay sa hinaharap.
Sa
konklusyon ni Lord Guanjun, hindi nagsalita si First Guard, na para bang
sumang-ayon siya. Nais sumagot ni Ye Linyun, ngunit wala siyang masabi.
Tunay
nga.
Mahusay ang ginawa ni Zhao Feng, ngunit walang naka isip na malalampasan niya si Bei Moi.
*************************
Matapos
umalis sa Spiritual Martial Hall, agad na pumunta si Zhao Feng sa Treasury Hall.
Ang
ibang mga disipulong sila Nan Gongfan, Yang Qingshan at Feng Hanyue ay inggit
at selos sa kanya.
Ang
ekspresyon ni Bei Moi ang pinaka malala. Simula pagka-bata niya , siya ang
pinaka prodigy sa mga mata ng mga tao at kahit isa sa kanyang edad ang nakatalo
sa kanya.
Noong
nandoon siya sa nayon, ganoon iyon, at noong lumipat siya sa syudad, ganoon pa
rin iyon. Ngunit simula nang makita niya si Zhao Feng, ang rekord na ito ay
paulit ulit na nasisira.
"Zhao
Feng, hindi ka basta simple. Kung mayroon kang lakas ng loob, pumunta tayo sa
Clan at doon tayo maglaban." Isang pambihirang pulang ilaw ang lumitaw sa
walang ekspresyong mata ni Bei Moi.
Si…
Bei Moi ba ay naghahamon?
Bahagyang
nabigla sina Nan Gongfan at Yang Qingshan. hindi pa nila nakitang maghamon si
Bei Moi, dahil lahat sa kanyang edad ay walang nagawang tumakot sa kanya.
"Sige
ba," agad na sagot ni Zhao Feng na may taimtim na ekspresyon.
Sa
totoo lamang nakaramdam siya nang napaka laking presyur sa pagharap niya sa
super prodigy na si Bei Moi. Ngunit magandang bagay din ito, magagamit niya ito
upang pagningasin ang kanyang potensyal. Sa kanyang battle points, makakukuha
siya nang maraming martial arts, resources, pills at mga armas.
"Ano ang kukunin ko kapalit ng battle points?"
Malalim na pinag-isipan ni Zhao Feng.
Martial
Arts?
Naramdaman
ni Zhao Feng na hindi na niya kailangan ng anuman dahil mayroon na siyang Metal
Wall Technique at Returning Breath Technique. Ang isa ay Holy Martial Art at
ang isa naman ay malapit na sa Holy Martial Art. Ang iba, gaya ng Lightlg
Floating Ferry at Smoking Transparent Step ay maaring umabot sa Holy martial
arts kung isasama ang Flowing Wind Stance.
Mukhang
ang kanyang pinaka mababang skill ay Star Finger.
"Ang
Star Finger ay peak martial art at maaring mauri sa half-Holy Martial art. Sa
pag gamit nito kasama ang Tornado Stance, maari nitong higitan ang normal
galf-Holy Martial arts. Kung pag sasanayan ko ito sa ikapitong lebel, maari
nitong matalo ang Holy Martial Arts sapagkat mahirap sanayin ang Holy Martial
arts sa mataas na lebel." Pagsusuri ni Zhao Feng.
Napagdesisyonan
niyang kukuha siya nang offensive skill. Gamit ang kanyang battle points, maari
lamang siyang kumuha nang half-Holy Martial arts at hindi Holy Martoal Arts.
Dahil dito, napag desisyonan ni Zhao Feng na hindi kumuha ng martial arts.
Ang
kanyang pokus ay nasa pills at resources.
Sa
kanyang skills, Silver Wall Technique ang may pinaka mataas na lebel at ito ang
pundasyon niya sa siyam na antas ng Martial Path. Naalala ni Zhao Feng ang
piang-usapan nina Lord Guanjun at Ye Linyun.
"Kung
sa gayon, dapat kong ibuhos lahat sa aming body strengthening technique," napag
desisyunan ni Zhao Feng kasabay nang paglitaw ng ilaw sa kanyang mga mata.
Agad
siyang pumunta sa Thousand Medicine Pavilion sa loob ng Treasury Hall. Ang
kanyang pakay ay ang mga resources na makatutulong sa kanyang body
strengthening technique.
"Chilling
Snow Body Pill, gamit ang malaking bilang ng lamig upang mapalakas ang katawan
at isa ito sa pinaka magandang pills sa siyam na antas ng Martial Path. Ito ay
dapat gamitin nang maingat para sa mga nasa ika-walong antas pababa.
"Burning
Sun Bone Pill, gamit ang napaka init na apoy upang sunuging ang mga buto at ito
ay isa sa mga pinaka magandang body strengthening pills. Ito ay may mas
magandang epekto kung gagamitin kasama nang Chilling Snkw Body Pill…"
"Golden Body Strengthening Powder, ang hari ng
mga body strenghening resources, ito ay napaka bangis at makapangyarihan na pulbos,
ito ay mayroong limampung porsyento na tumalo sa cultivator na nasa ika-walong
antas!"
Hindi
nagtagal, natagpuan na ni Zhao Feng ang tatlong pinaka magandang peak tier
pills.
Ang
Chilling Snow Body ay nagkakahalaga ng isang daan at dalawampung battle points.
Ang Burning Sun Bone Pill ay nagkakahalaga ng isang daan at labing siyam na
battle points. Ang Golden Body Strengthening Powder ay nagkakahalaga ng isang
daan at animnapu't pitong battle points.
Ang
tatlo lamang iyon ay nagkakahalaga na ng apat na daang battle points.
Kailangang
malaman na ang peak ranked martial art ay nagkakahalaga lamang ng sampung
puntos at ang half-Holy martial art ay nagkakahalaga lang ng limampu.
Sa
mga natira niyang battle points, bumili si Zhao Feng nang ilang mababang klase
ng body strengthening resources. Kahit na ganoon, ang mga resources na ito ay
mas maganda pa sa body strengthening powder na binili niya sa Medicine Pavilion.
*******************
Sa
araw ding iyon…
Ginamit
ni Zhao Feng ang lahat ng kanyang battle points. Ang battle points ay napalitan
nang halos kalahati ng stock nang pinaka mahalagang body strengthening
resources.
Sa
Guanjun Palace, hindi lahat ay nakakuha ng battle points at kahit nakakuha
sila, may hangganan kung gaano lamang karami ang maari mong ipapalit. Ngunit
bilang disipulo ni Lord Guanjun, maari siyang kumuha ng mga bagay na kaparehong
halaga ng kanyang battle points.
Halimbawa,
kung may ibang may gusto sa Chilling Snow Body Pill, kailangan nila ng isang
daan at pitumpung battle points, ngunit kailangan lamang niya ng isang daan at
dalawampu. At kahit na mayroon na silang sapat na battle points, maaring wala
sila sa katayuan upang ipapalit ito.
Matapos
umalis sa Treasury Hall, bumalik si Zhao Feng sa kanyang lugar at nagsimulang
mag cultivate.
Sa
susunod na buwan, nag pokus lamang siya sa Silver Wall Technique.
Sa
unang pitong araw, ginamit niya ang mababang klase ng body strengthening
resources na tugma sa cultivators na nasa ikapitong antas pataas. Ang mga pills
at gamot na kanyang binili ay iba sa kanilang kalikasan.
Halimbawa:
ang Chilling Sniw Body Pill ay para sa lamig, samantalang ang Burning Sun Bone
pill ay para sa apoy at ang Golden Body Strengtheningay paar sa metal.
Kung
gayon, sinigurado niya na ang parehong elemento ay hindi nagagamit matapos ang
isa sapagkat ang kanyang katawan ay magsisimulang lumaban laban sa mga ito.
*******************
Matapos
ang pitong araw…
Ang
Silver Wall Technique ni Zhao Feng ay umabot na sa ikapitong lebel, ngunit
naubos nito ang lahat ng kanyang mababang klase ng resources.
"Matatalo
ko ang karamihan sa cultivator ng ika-pitong antas gamut lamang ng aking
katawan.
Nararamdaman
ni Zhao Feng ang sobrang kalakasan na nagtatago sa loob ng kanyang braso. Bawat
suntok ay maaring makapatay ng kahit sinong nasa ikapitong antas.
Ngayon
ay mayroon na lamang si Zhao Feng nang Chilling Sbow Body Pill, Burning Sun
Bone Pill at Golden Strengthening Powder. Ayon sa kanyang plano, uunahin niyang
gamitin ang Chilling Snow Body Pill.
Matapos
niya itong kainin, isang malamig na aura ang dumaloy sa kanyang katawan. Sa
loob ng tatlong araw at tatlong gabi ang kanyang katawan ay nanigas, ang
panganib ay hindi pangkaraniwan.
"Kaya pala sinabi na kailangang mag-ingat nang ika-walong cultivator sa pag-gamit nito."
Pagtapos
nang tatlong araw at tatlong gabi bago naayos ni Zhao Feng ang sitwasyon. Bago
pa man niya makuha ang buong enerhiya, kinain agad ni Zhao Feng ang Burning Sun
Bone Pill.
Ang dalawa ay yelo at apoy at kahit sobrang sakit nito, ang epekto nito ay mas mabuti. Pinaikot ni Zhao Fen ang kanyang Silver Wall Technique at Returning Breath Technique upang malasap ang magulo nitong enerhiya.
Peh!
Peh!
Ang
kanyang kaliwang mata ay naglabas nang sobrang kainitan na dumaloy sa kanyang
buong katawan. Matapos mangyari iyon sa kanyang misteryosong kaliwang mata, ang
kanyang potensyal at liksi sa pagtanggap ng enerhiya ay tumaas.
Matapos
ang walong araw...
Ang
ice at fire pills ay natanggap na ng kanyang katawan.
Hu!
Bumuntong-hininga
si Zhao Feng kasabay ng kanyang pagtayo. Sa pagkilos niya, naramdaman niya na
ang kanyang mga buto at balat ay naging mas malakas. Ang kanyang katawan ay
pinalakas muna ang labas, at ang loob kung nasaan ang kanyang atay. Habang
lumalakas ang kanyang atay, lalo niyang magagamit ang kanyang Inner Strength.
"Pundasyon ang katawan, kahit na hindi ako nag
pokus sa Retuning Breath Technique, nararamdaman ko na tumaas ang aking
cultivation," naisip ni Zhao Feng.
Sa
oras na ito, ang kanyang cultivation ay umabot na sa peak seveth rank at
kalahating yugto na lamang ang layo niya sa ikawalo. Isa pa, ang kanyng Silver
Wall Technique at nakaabot na sa peak seventh level.
Matapos
umabot ang Silver Wall Technique sa ikapitong level, ang kanyang mga organs ay
lumakas at kung gayon, dumami ang potensyal na kanyang nailabas.
"He!" Sigaw ni Zhao Feng habang pinag sama
niya ang Returning Breath Inner Strength sa kanyang Silver Wall Technique.
Weng~~
Isang
kulay-pilak na ilaw ang biglang lumitaw, na nagbigay nang malalim na aura.
Ang
Silver Air Barrier ay nabuo na!