Sa isang kisapmata, nagpalitan ng atake sina Lei Cong at Zhao Feng. Ang kapangyarihan ng bawat isa ang siyang nagpaatras agad sa mga kabataan palayo.
Star Finger!
Hindi umatras si Zhao Feng, sa halip sumugod pa siya sapagkat nakikita naman ng kanyang kaliwang mata ang lahat ng galaw at pagbabago ng Inner Strength pati na rin ang daloy ng dugo ng kalaban.
Boom! Boom! Boom…
Ang star finger ni Zhao Feng ay umabot na sa peak ng ikaapat na lebel, dahil dito, kaya na nitong maglabas ng sampung finger beams sa isang bigla. Iba't ibang guhit ng asul na liwanag ang makikita sa buong paligid, bawat finger attack ay perpekto at naghahangad ng pinsala.
Sa loob lamang nang napakaiksing sandali, magkapantay na ang lakas ni Lei Cong at Zhao Feng. Dahil mas nakatataas ang cultivation ni Lei Cong, kaya niyang gumamit ng mga wide range attack, samantalang si Zhao Feng ay mayroong Spatial Star Finger, na kaya namang tapatan ang mga atake ng isang nasa ikapitong antas.
Kung bilis lamang ang pag-uusapan, mas mabilis talaga si Zhao Feng at higit ang kanyang pang-unawa.
Final Wind breaking the Skies!
Isang napakatinding kapangyarihan ang sumibol mula sa palad ni Lei Cong at nagdala ng isang harang na gawa sa hangin patungo kay Zhao Feng.
"Mysterious Wind Palm!"
Aga na lumitaw sa isip ni Zhao Feng ang palm attack ng babaeng nasa canyon. Dahil sa dami ng laban na kanyang pinagdaanan, ang kanyang palm attack ay higit pang lumalakas. Nagtama ang dalawang palm attack nila, pero ang asul na palm attack ni Zhao Feng ay nilamon ang lahat ng hangin at madali nitong nilusaw ang atake ni Lei Cong.
"Anong klaseng skill iyan…?" Nagulantang si Lei Cong, ang kagagamit niya lamang na skill ay isa sa mga pinakamalakas niya.
Flowing Wind Stance!
Biglang naramdaman ni Zhao Feng na tila ba napakagaan niya kung kaya bumilis siya at mukhang sumasayaw na lamang sa hangin, minsan umaatake siya gamit ang Mysterious Wind Palm at minsan naman ang Star Finger.
Doom…pew…bang…
Ang dalawang anyo ay naghatid sa buong paligid ng malalakas na air waves.
Sampung atake, dalawampung atake, tatlumpung atake…
Lalo pang nahubog ang Inner Strength at skills ni Zhao Feng. Habang nilalabanan ang isang Martial Master, naliyaban nito ang kanyang potensyal. Hindi niya man nahahalata, pero ang kanyang Star Finger ay nasa peak na ng ikaapat na lebel at ang kanyang Metal Wall Technique ay nasa huling yugto na rin ng ikalimang lebel. Ito ang nagpahintulot sa kanya na maging sapat at upang makalaban sa isang Martial Master nang hindi natatalo.
Pagkatapos ng halos isang daang atake, nakaramdam na rin ang dalawa ng pagod. Naramdaman rin ni Zhao Feng na ang kanyang Inner Strength ay lalong dumalisay ngunit may kaakibat ito na mapanganib na pakiramdam.
"Ito…"
Naramdaman nga talaga ni Zhao Feng na tumaas ang kanyang cultivation at dahan-dahang nagsimula itong masira ang huling harang sa pagiging ikapitong antas.
"Dito na natatapos ang ating paglalaban."
Agad na umalis si Zhao Feng sa labanang iyon at bumalik na sa kanyang kahoy na silid. Kahit man si Lei Cong ay hindi kayang makaangat kay Zhao Feng, bukod pa roon, nakaramdam na rin siya ng higit na pagod. Napagtanto niyang ang kanyang cultivation ay hindi pa nalilinang nang maayos.
Mula sa isang kahoy na bahay sa malayo, nanonood si Feng Hanyue.
"Kuya Feng, ano ang hinuha mo tungkol sa laban?" Isang kabataan ang nagtanong.
"Naabot na ni Lei Cong ang ikapitong antas pero wala pa rin siyang kwenta. Si Zhao Feng naman ay isang malaking banta sa akin lalo na kapag narating niya na ang ikapitong antas." Banayad ang ekpresyon ng mukha ni Feng Hanyue.
Sa pagkakataong iyon, ang aura na nagmumula sa kanya ay malapit na sa isang peak seventh rank. Halata namang umunlad at lalo pa siyang lumakas simula noong misyon.
********************
Sa loob ng ikasampung kahoy na silid…
Magkasalubong ang paa ni Zhao Feng habang nakaupo at pinapadaloy ang kanyang Inner Strength. Dahil sa labanang naganap, ang kanyang potensyal ay nagliyab. Sa pagkakataon ring iyon, naramdaman niya ang higit na paglakas ng kanyang Inner Strength habang dumadaloy ito sa kanyang katawan. Parehas ang kantidad at kalidad nito ay nagsisitaasan nang napakabilis.
Noong gabing iyon, nailabas na rin ni Zhao Feng ang kanyang Inner Strength sa katawan at natipon ito. Dahil may karanasan na siya sa pagpapalabas ng Inner Strength niya gamit ang Star Finger, naabot niya na rin sa wakas ang ikapitong antas.
"Gumana nga!"
Binuksan ni Zhao Feng ang kanyang palad at huminga nang malalim. Isang berdeng liwanag ang nagpakita at agad na bumalik sa loob ng kanyang katawan. Noon rin, alam niyang sa isang sabi lang ng kanyang isip, kaya niya nang magpasabog gamit ang kanyang Inner Strength at magpatilapon ng mga Martial Artists. Doon niya lang rin napagtanto kung gaano kalakas ang maging kabilang sa ikapitong antas. Isang araw lamang ang kinailangan ni Zhao Feng para malipon ang lahat ng kanyang kapangyarihan, kasama na rin rito ang pagtalo kay Lei Cong.
Kung gagamitin niya ang Star Finger, ang kanyang kapangyarihan ay higit pa sa inaakala. Nang tumaas ang kanyang cultivation, naabot rin ng kanyang Metal Wall Technique ang peak fifth rank.
Ang Metal Wall Technique ay nahahati sa pitong lebel, at ang ikaanim ay kayang makabuo ng harang sa pamamagitan ng Inner Strength, na kahit ang mga nasa ikapito at ikawalong antas ay nahihirapang gawin. Ayon sa nakasulat, kung mararating ng isang tao ang ikapitong lebel, ang katawan nito ay magiging perpekto.
Kung iisipin ngayon, akala ni Zhao Feng ay may mali, sapagkat sa lebel na iyon, hihigit na ito sa kapasidad ng isang tao pwera lamang kung may pagitan pa rin na umiiral sa ikaanim at ikapitong lebel. Nagningning ang mga mata ni Zhao Feng nang biglang maalala ang lolo ni Zhao Yufei, ang lalaking iisa lamang ang braso.
Noong nagpalitan sila, maaaring may binago ang matanda tungkol sa Metal Wall Technique, katulad kung paano siya nagtago ng ilang impormasyon. Pero hindi niya na rin inisip ang mga ganitong problema dahil sa wakas nasa ikapitong antas na siya at pwede na siyang mamili ng kanyang pabuya.
"Holy martial art! Mukhang ito talaga ang gusto ng tadhana para sa akin…" Sinusubukang pigilan ni Zhao Feng ang kanyang tuwa.
Ngayon ang araw kung saan kailangan niya nang sagutin ang Third Guard.
********************
Ang gusali sa gitna ng kapatagan…
"Napagdesisyunan mong piliin ang Holy Martial Art?" Bahagyang nagulat ang Third Guard habang nakatitig kay Zhao Feng.
Hindi niya lubos maisip na maaabot ni Zhao Feng ang ikapitong antas at makapasok sa antas ng mga Martial Masters sa loob lamang ng napakaiksing panahon.
"Oo." Halatang desidido na talaga ang tono ng pananalita ni Zhao Feng.
"Kung ganoon, sige sundan mo ako." Hindi na nagsalita pa ang Guanjun Corp habang hinahatid si Zhao Feng sa Treasury Hall.
Ang Treasury Hall ay isang banal na lugar sa Guanjun Palace. Palaging may dalawang Martial Masters na nasa ikasiyam na antas ang nagbabantay rito, at upang buksan ang Holy Martial Arts Library, kailangang pumayag ang dalawang Martial Masters na ito.
"Buksan ang Holy Martial Arts Library?" Bahagyang nagulantang ang dalawa.
Sa loob ng Guanjun Palace, dapat lamang na may personal na pagkakaunawaan kay Lord Guanjun.
"Buksan ang Holy Martial Arts Library." Ipinakita ng Third Guard ang isang maitim na pilak at gintong token.
Utos ni Lord Guanjun!
Agad namang yumuko ang dalawang Martial Masters na nasa ikasiyam na antas. Ang pilak at gintong token na iyon ay kumakatawan mismo kay Lord Guanjun. Higit pa roon, ang Third Guard ay isa sa top three ng Guanjun Corps, at siya muna ang nangangalaga sa Sky Guards Battalion dahil wala si Lord Guanjun para magmeditate sa liblib na lugar.
Makikita agad ang kanyang estado nang ilabas niya ang token. Agad naman silang pinangunahan ng dalawang Martial Masters sa daan patungo sa isang madilim na pilak na gusali. Ang buong estruktura ay walang mga bintana at nag-iisang itim na pinto lamang na may butas sa gitna ang mayroon ito.
Naglakad ang Third Guard patungo sa pinto
Weng~
Ang purong itim na pinto na ito ay dahan-dahang nagbukas at ipinakita ang nasa loob nito.
"Maaari ka lamang makapili ng iisang Holy martial art." Ipinasok lamang ng Third Guard si Zhao Feng at saka muling isinara ang pinto.
Sa loob ng madilim na kwarto, may mga nagningning na jade slips, halos dalawampu Illusion Wind Technique, Blood God Palm, Heavenly Demonic Claw, Sky Domination Hand, Silver Wall Technique…
"Bawat jade slip na iyan ay kumakatawan sa isang Holy Martial Art. Pagkatapos mong makapili kung alin dyan ang gusto mo, pwede ka lamang kumuha ng isa at hiramin ito sa loob ng pitong araw at saka muling ibalik ito dito. Ano man ang matututunan mo o kaya makukua ay nakadepende sa iyong dunong," wika ng Guanjun Corpsman.
Alam ni Zhao Feng na ang mga slips na ito ay tanging buod lamang ng mga skills, ang tunay na skills ay kukunin pa mula sa isang lugar. Hindi ganoon karami ang Holy Martial Arts na nasa kwarto, pero ang lahat ng ito ay kumpleto.
Illusion Wind Technique: Ang anyo ng isang tao ay nagiging hangin at bumubuo ng aparisyon nito o doble. Ang pinakamataas na lebel ay maaaring makagawa ng siyam na aparisyon. Minimum requirements: Ikapitong antas
Blood God Palm: Nilulusaw nito ang laman ng kalaban tungo sa pagiging tubig at mula dito ay makakabuo ng nakamamatay na lason.
Heavenly Demonic Claw: Isang maademonyong kuko na kayang makasira ng metal at pira-pirasuhin ito. Kapag naisanay sa pinakamataas na antas, kaya nitong sumira ng mga infinite items.
Hindi mapigilan ng puso ni Zhao Feng na manginig sa mga deskripsyon nito. Kumpara dito, ang mga martial arts na kanyang natutunan ay parang laro lamang ng mga bata.
Hmmmm?
Isang bigla, nakita ni Zhao Feng ang pangalan ng jade slip na 'Silver Wall Technique'.
"Silver Wall Technique?"
Punong-puno ng saya si Zhao Feng. Ang Metal Wall Technique niya ay sinasabing simpleng bersyon ng Silver Wall Technique.
Silver Wall Technique: Isang body strengthening technique na nakapagpapataaas ng lakas at depensa ng nagsasanay nito. Kapag naihasa sa pinakamataas na antas, ang katawan ay hindi malulusaw kahit sa apoy pa na siyang humihigit pa sa kapasidad ng isang tao.
Habang tinitignan ang deskripsyon nito, magkahawig nga ang Metal Wall Technique at Silver Wall Technique, tanging mas malakas lang ang huli.
Humihigit pa sa limit ng tao? Anong klaseng pag-iisip iyon?
Ayon sa pagkakaalam ni Zhao Feng, kapag naabot ng katawan ang kanyang peak, pwede siyang mapunta ng Holy Martial Path gamit lamang ang lakas ng kanyang katawan. Katulad na lamang ng peak fifth level ng Metal Wall Technique, kahit gamit lamang ang kanyang kalamnan ay maaari na nitong labanan ang mga nasa ikalima at ikaanim na antas.
Ganoon rin ang Silver Wall Technique, ang isang tao ay maaaring gamitin ang kanyang kalamnan para labanan ang iba pang cultivators ng Holy Martial Path.
"Hindi na ako magtataka kung bakit isa itong Holy tier body strengthening technique…" Huminga muna ng malalim si Zhao Feng at saka bumalik sa iba pang mga jade slips.