webnovel

Sacrifice

Redakteur: LiberReverieGroup

Napakabilis ni Jessica, dahil ginamit niya ang isang Legend flying skill!

Tiningnan ni Marvin ang maliit na anino na sumugod sa malaking Black Dragon at nanatiling tahimik.

Marahil ang mga may liwanag lang ng isang Fate Sorceress, ang mga anak ng plane, ang maaaring makagawa ng ganito?

Ang mas nakakatawa pa rito, natakot sa maliit na nilalang na ito ang Black Dragon!

Biglang binuka ni Clarke ang kanyang mga pakpak at pinagaspas ito sa direksyon ni Jessica.

May malakas na hangin na lumabas dahil dito!

Sa lakas nito ay umabot pa sa pinaroroonan ni Marvin ang hangin, namuo ang isang tila ipo-ipo na tumama isang kilometro ang layo mula kay Marvin.

Mabuti na lang at mahusay siya at nagawa niyang hindi tangayin ng hangin gamit ang iba' ibang skill ng mga Night Walker.

Isa itong nakakatakot na eksena. Nagawa nitong pahirapan si Marvin kahit na hindi naman siya ang tunay na pinupunterya nito.

Dito makikita kung gaano kalakas ang hangin na kinakaharap ni Jessica!

Pero nakita ni Marvin na hindi man lang naantala ng hangin na iyon ang paglipad ng Fate Sorceress.

Saglit lang itong tumigil kasabay ng kulay asul na liwanag na lumabas sa kanyang katawan!

Null Wind Element Boundary.

Ito ang matinding kalaban ng mga Wizard na nagsanay sa mga Wind-type na magic!

Pitong kulay ang lumiwanag sa paligid ni Jessica kasabay nang pagguhit ng ngiti sa kanyang mukha.

Pero para kay Clarke ang ngiti na ito ay tila ngiti ng isang Demon!

Fate power!

Ang babaeng ito ay tila isang bulalakaw, direkta itong sumalpok sa ulo ng Black Dragon!

Nagpasuray-suray naman ang Black Dragon at nawalan ito ng balanse, nahulo ito na una ang ulo sa lupa!

May mga "wuwu" na maririnig mula dito.

Hindi mabilang ang mga Dark Race na nadurog nang mabagsakan ng Black Dragon!

Tila isang god si Jessica na balot pa rin ng pitong kulay ng liwanag. Ang ginawa nito ay tila atake ng isang Monk at hindi ng isang Sorcerer!

Aminado si Marvin na bukod kay Inheim, hindi pa siya nakakakita ng Monk na kayang paglaruan ang gaya ng Black Dragon na si Clarke!

Pero nakita niya si Jessica na hawakan ang leeg ng Dragon at ihagis ito!

Talagang hindi mahahalata sa kanyang itsura ang kanyang tunay na kapangyarihan, hindi nababagay para sa isang melee fighter ang kanyang pangangatawan.

Puno na ng mga tao ang city wall.

Kahit na hindi nila nakikita si Jessica, nakikita nila ang liwanag na mayroong pitong kulay na nagmumula sa katawan nito.

Nagliwanag sa buong Rocku Mountain ito. Ang babaeng ito na walang kapantay ang unti-unting sinusugpo ang kaguluhang bumalot sa Rocky Mountain.

Siya ang nagdala ng kaayusan sa lugar na ito, hindi niya hinayaang manggulo ang sino man.

Kahit pa ang kalaban niya ngayon ay anak ng isang god!

Tinatalo lang ng liwanag na may pitong kulay ang Black Dragon. Tuwang-tuwa ang lahat ng tao sa Hope City habang nanatiling tahimik sa gilid ang mga Dark Race!

Gulat na gulat ang mga ito.

Ganito ba talaga kalakas ang mga tao sa lupa?

Ang Black Dragon na si Clarke na tinitingala sa Underdark… ay tinatalo lang ng isang mahinhin na babae? Hindi ito kapani-paniwala.

Palakas nang palakas ang galit na pag-atungal ni Clarke. Kilala siya bilang ang Black Dragon na walang nakakatalo, pero ngayon ay binubugbog lang siya ng isang maliit na babaeng tao.

Nagdulot ito ng kahihiyan kay Clarke, pero wala na siyang ibang magagawa.

Sa kanilang nakaraang laban, natikman na niya kung gaano talaga kalakas ang Fate Sorceress.

Kung ipagpapatuloy niya ang pakikipaglaban dito, siguradong matatalo siya nito.

Sadyang hindi na makamundo ang lakas ng Fate Sorceress na ito.

Isang anino ang biglang lumabas mula sa bibig ni Clarke.

Tiningnan ni Jessica ang anino ang nag-iba ang mukha nito. Gusto man niyang sugurin muli ito pero naririnig niya ang boses ni Ding.

"Tumabi ka! Pababa na ang projection ng Black Dragon God!"

"Hindi sapat ang lakas mo bilang Fate Sorceress!"

Walang awing sinipa ni Jessica ang Black Dragon. Sa isang iglap, tumalsik ito ng 400 metro.

Kaawa-awang tingnan ang Black Dragon pagkatapos ng kanilang laban. Pero may isang malabong anino ang bumagsak mula sa kalangitan.

"Walang kwentang tao, ang lakas nang loob mong saktan ang anak ko."

"Pwe!"

Lumipad muli si Jessica at tinitigan ang anini. "May alam ka bang ibang sabihin?"

"Walang kwentang tao ganyan, walang kwentang tao ganito, baka nakakalimutan mong dinurog ng walang kwentang tao na ito ang projection mo kanina?"

Nagalit ang anino, "Walang hiya ka…"

Pero hindi na pinatapos ni Jessica ang sasabihin nito. "Maganda ang pakiramdam ko ngayon kaya palulusutin kita ngayon. Pero maganda rin naman na talunin ka at lutuin ang karne ng isang Dragon kapag masama ang timpla ko!"

Pagkatapos sabihin ito, ang nagliliwanag na si Jessica at si Ding ay agad na bumalik sa Hope City.

Tulad ng sinabi ni Ding, kulang pa ang lakas niya bilang Fate Sorceress. Mahirap ang pagpatay sa isang Black Dragon, lalo pa kung sasabayan ito ng projection ng Black Dragon God.

Pero nagdalawang-isip si Clark at ang Black Dragon God dahil sa mga ipinakita ni Jessica. Nagkainginan ang dalawa at hindi na naisip ng mga ito na habulin si Jessica.

At si Marvin naman ay nakatayo lang sa ibaba ng pader ng Hope City at tahimik na itinatabi ang [Weeping Sky].

Hindi naman niya lagging makukuha ang gusto niya.

Gayunpaman, marami pa ring ibang pagkakataon. Mangyayari at mangyayari rin naman ang pagtalo ni Jessica sa Dragon na iyon. Kailangan nya lang maghintay hanggang sa mas lumakas pa si Jessica at pag nangyari iyon, malaki na ang pagkakataon na makuha ni Marvin ang ulo ng Dragon na ito.

Sa Lion Town, nagkatawang-tao si Black Dragon Clarke. Isang kaakit-akit na babaeng may malaking dibdib.

Sa mukha nito ay mayroong mga sugat.

Lahat ng ito ay dahil kay Jessica.

"Ama…" Ginamit niya ang lenggwahe ng mga Ancient God para kausapin ang anino, "Mas malakas pa kesa sa inaakala natin ang Fate Sorceress. Kung hindi pa natin siya mapapatay, hindi tayo makakabalik sa Rocky Moutain!"

Saglit na nanahimik ang anino, tila hindi nito pinapansin ang pagsasalita ni Clarke gamit ang lenggwahe ng mga Ancient God. Saka ito nagsalita gamit ang pangkaraniwang lenggwage, "Hindi sapat ang projection ko para patayin siya, kailangan mo i-summon ang aking avatar!"

"Pero nahaharangan ng Universe Magic Pool ang lahat," malungkot na sagot ni Clarke, "At ikaw na rin mismo ang nagsabi na magmula nang mawala ng walang kwentang Shadow Prince ang Time Molt, hindi na nakakapasok sa Feinan ang avatar ng mga god."

"Hindi naman kailangan ang buong avatar," nakangising sabi ng anino. "Kailangan mo lang i-summon ang isa sa mga claw."

"Halika na, mag-alay tayo."

"Ikaw si Marvin?"

Sa Hope City, sa loob ng palasyo ng Three Sisters.

Masayang tinititigan ni Jessica si Marvin.

"Robin ang tawag nila sa akin dito." Bahagyang ngumiti si Marvin. Gamit pa rin niya ang kanyang Disguise.

Dahil kilala na ang pangalan ni Marvin, nakakapukaw na ito ng maraming atensyon sa bawat siyudad.

Minsan mas mabuting magtago na lang.

"Hindi na mahalaga kung ikaw si Marvin o si Robin. Nagulat ako na nagawa mong patayin ang Apostle ng Black Dragon God."

"Pinaglaruan mo ang nararamdaman ng kapatid ko! Hindi ko ito maaaring palampasin!" Dagdag ni Jessica.

Nagulat si Marvin. "Pinaglaruan?"

"Alam mo ba kung gaano kahalaga ang Golden Blood? Ibinuwis ko ang buhay ko para lang makuha iyon, at wala pa sa kalingkingan ang buhay ni Tess sa halaga ng Golden Blood." Panunuya nito.

"Mabait si Lorie, pero hindi siya tanga. Siguradong may ginawa ka para ibigay niya sayo ang kapiraso ng Golden Blood!"

"Sabihin mo sa akin, ano baa ng dapat na gawin."

Nanatiling tahimik si Marvin.

Kaya pala hinahanap siya ng Boss ng Rocky Mountain at sinasabi mayroon silang dapat pag-usapan. Dahil pala dito!

Pilit siyang ngumiti. "Miss Jessica, baka nagkamali lang kayo sa pag-intindi. Si Lorie mismo ang nag-alok sa akin nito."

Kumibot ang kilay ni Jessica. "Wala akong pakielam, ang pagkuha mo sa Golden Blood ay pananamantala sa kapatid ko."

"Naniniwala akong hindi ganito kababaw ang Great Hero Marvin."

"Diretsuhin mo na ako, ano ba ang gusto mo?" Sagot ni Marvin.

Ngumisi si Jessica habang tinititigan si Marvin. "Ipahiram mo sa akin ang sandata mo."

Suminghal si Marvin.

Ang Dragon Slayer Spear pala ang habol niya!

Talaga namang sa tulong ng Weeping Sky at lakas ni Jessica, pambihira ang maaaring magawa nito. Ilang minuto lang ay mapapatay na niya si Clarke.

Pero kahit wala pa ang spear, nagawa nang bugbugin ni Jessica si Clarke.

Hindi alam ni Marvin kung kailan napansin ni Jessica ang mga kilos niya, pero hindi niya basta-basta ibibigay ang isang kayamanan sa kanya.

"Makapangyarihan ka pero kapag nakita ng buong mundo na hawak moa ng Dragon Slayer Spear, magtutulong-tulong ang mga Dragon para atakihin ang Hope City."

"Isa pa, hindi naman ang Black Dragon na si Clarke ang pinakamalaking problema ng Hope City, hindi ba?"

"Ang Black Dragon God projection iyon, tama?"

Tinitigan ni Marvin si Jessica. "May hangganan ang kapangyarihan mo bilang Fate Sorceress, hindi mo kakayaning harapin sila nang mag-isa."

Suminghal si Jessica at nanatiling tahimik.

Tama ang sinasabi ni Marvin. Kahit pa kapaki-pakinabang ang Dragon Slayer Spear, magdadala lang ng mas malalaking problema ang paggamit nito.

Kung gagamitin niya ang Weeping Sky para patayin ang Black Dragon, hindi magtatagal, maraming mga Ancient Chromatic Dragon ang magsasama-sama para atakihin ang Hope City.

At ayaw niyang mangyari iyon.

"Ang kayamanan na ito ay hindi ko basta-basta lang gagamitin. Pero mabuti na lang at sa ngayon, ako si Robin."

Ngumiti si Marvin, "Kung umatake ang Black Dragon sa Hope City, kikilos ako sa tamang oras at ako na ang tatapos dito."

Bago pa man makasagotsi Jessica, biglang bumukas ang pinto ng silid!

Mabilis na pumasok si Lorie. "Hindi maganda 'to. Nag-aalay sila!"

"Ano?" Biglang napatayo si Jessica.

"Nakita ko sila na marami sila pinapatay na galing sa iba't ibang race, ang iba sa mga 'yon ay galing sa Underdark Race."

"Malakas ang amoy ng dugo. Bibihira lang makita ang ganitong taktika, at sa pag-aalay nila, pwede silang magbukas ng pansamantalang lagusan."

"Kung hindi ako nagkakamali, gusto nilang i-summon ang ….Avatar Claw ng Black Dragon God!"

Biglang namutla si Jessica. "Kailangan nating sirain agad 'yon!"

"Wala nang oras." Alalang-alala si Lorie. "Nag-summon ng [Heavenly Observer] ang Black Dragon God. Binabantayan ngayon nito ang buong Lion Town. Hindi sapat ang lakas ng Fate mo para makapasok."

Kinuyom ni Jessica ang kanyang mga kamao.

Bigla namang mahinahong tumayo si Marvin.

"May alam akong paraan."

Nächstes Kapitel