webnovel

Making a Move!

Redakteur: LiberReverieGroup

Tila kidlat sa bilis ang pagdating ni Constantine. Sadyang hindi mapapantayan ng Crimson Patriarch ang bilis ng isang Night Walker sa gabi.

Sabay lang kumilos ang dalawa, pero nagawang makapunta ni Constantine sa harapan ng Crimson Patriarch para harangan ang dadaanan nito!

"Hindi ka na makakatakas nagyon!" Ngumisi si Constantine.

Tumingin sa langit si Auzin at tumawa, "Marami pa akong natitirang buhay!"

"Saka, hindi mo ko kayang patayin mag-isa!"

"Nasaan ba si Endless Ocean? Tawagin mo. Baka magawa niyong patayin ang buhay na 'to."

"Pero…"

Biglang naging napakasama ng itsura nito!

"Pagbabayarin ko kayo sa gagawin niyo!"

Biglang nagpalita anyo ito.

Naging isa itong mahabang Basilisk na tatlo ang ulo!

Mukhang makinis ang katawan ng Basilisk na ito, wala itong mga kaliskis, pero maikukumpara sag into ang lakas ng depensa nito!

Ito ang pangunahing katawan ng Crimson Patriarch.

Bilang ikalawang anak ng World Ending Twin Snakes, mas mahina siya kumpara sa kanyang nakakatandang kapatid, ang Azure Patriarch. Gayunpaman, napakalakas pa rin nito sa anyong ito.

(TL: Green Sky -> Azure.)

Maraming nilalang ang hindi na nakakagamit ng mga Divine Spell kapag sila'y nagpalit anyo.

Pero naiiba ang Crimson Patriarch.

Kaya niya pa rin gumamit ng Divine Spell kahit na nagpalit anyo ito. Ito ang pinakamalaki niyang lamang.

Tinitigan lang ni Constantine ang napakalaking Basilisk, biglang nawala ang mga kamay nito, at biglang bumunot ng dalawang baril!

"Bang!""Bang!"

Umalingawgaw ang dalawang putok ng baril kasabay ng paglabas ng itim na usok mula sa baril. Dalawang napakabilis na bala ang sumabog sa katawan ng Basilsik.

Sumagitsi naman ito nang magasgasan ang katawan, pero hindi pa rin nalagpasan ng mga bala ang kanyang depensa!

"Walang kwenta sa akin ang mga taktika ng mga Sha!"

"Wala kang pag-asang matalo ako kung wala si Endless Ocean!"

Humagalpak sa tawa ang Crimson Patriarch, nang bigla nitong dumamba patungo kay Constantine.

'Isang Sha clansman pala si Constantine. Kaya pala hindi ko nakita ang armas niya!' Biglang napagtanto ni Marvin.

Ang pinakatanyag na class ng mga Sha ay ang [Battle Gunner]. Kahit na hindi isang Battle Gunner si Constantine dahil mas pinili niyang mag-advance sa Night Walker, maaari pa rin niyang magamit ang armas ng kanyang clan dahil wala namang ipinagbabawal na armas sa mga Night Walker.

Subalit, hindi ganoon kalakas ang mga armas ng Sha. Kung hindi, paumasok na ang Feinan sa panahon ng mga baril.

Hindi lang pangkaraniwan ang mga baril ni Constantine. At siguradong mayroong kakaiba sa mga bala nito, subalit hindi pa rin nito nalagpasan ang depensa ng Crimson Patriarch.

Kaya naman mukhang mahirap talagang mapatay sa isang dwelo ang Crimson Patriarch.

Pero papunta na si Endless Ocean!

Sa tulong ng Great Druid na 'to, siguradong kakayanin nang kalabanin ni Constantine ang Basilsik na ito.

Minanipula ni Marvin ang bolang krystal at pinanuod ang laban mula sa kinaroroonan ni Hathaway.

'Naging isang Basilisk ang isa sa kanila, kaya siguradong isang Goshawk ang pangalawa!'

Alam ni Marvin ang lahat ng tungkol sa paraan ng pagtakas ng Crimson Patriarch. At kulang ang salitang tuso para mailarawan ito.

Ginagamit niya ang Basilisk na ito para makuha ang atensyon ng lahat.

Maryoon pa siyang dalawang doppleganger, at kapag nakatakas ang isa dito, kayang-kaya nitong makabalik paglipas ng ilang oras.

Hindi na hahayaan ni Marvin na mangyari ito.

"Hathaway! Sa langit!"

Sigaw niya sa bolang krystal.

"Sige."

Sa tuktok ng bangin, agad na iniba ni Hathaway ang direksyon ng kanyang True Sight at itinuon ito sa kalangitan.

At katulad ng inaasahan, may isang Goshawk na lumilipad pa-kanluran. Katamtaman lang ang bilis ng paglipad nito na tila.

"Kayo na hong bahala sa Goshawk na ito," Bulong ni Hathaway.

"Ako nang bahal." Sagot ng isang boses.

Agad namang napanatag ang loob ni Marvin.

"Bang!" Umalingawngaw ang isang malakas na ingay.

Si Inheim na nakaupo lang sa loob ng isang kubo, ay biglang tumayo.

Sinipa niya ang lupa, at nayanig ito habang lumipad naman na parang isang bala ang kanyang katawan!

Lumusot ang kanyang katawan sa kubo at direktang napunta sa kalangitan ang hinuli ang Goshawk.

Gulat na gulat naman ang Goshawk.

"Legend…. Monk…."

"Pucha!"

Ang Crimson Patriach na nag-anyong Goshawk ay hindi na nakagalaw ngayong ginamitan na siya ni Iheim ng kanyang Quivering Palm!

"Shhh!"

Matapos ang pagyanig, agad na nabasag ang katawan ng Goshawk.

Bumagsak ang mga piraso ng bato, ballot ng dugo ang ilan sa mga ito.

Walang emosyon namang tiningnan ni Iheim ang lupa. Saka ito mabilis na bumaba at muling pumasok sa isang bahay kubo at muling umupo.

Hindi pa ito ang tunay niya lakas!

Mayroon ring pagkakaiba sa pagitan ng mga Legend. Nalampasan na ni Inheim sina Constantine, Endless Ocean, Hathawat, at ang Shadow Thief.

Sadyang walang laban sa kanya ang doppleganger ng Crimson Patriarch!

Isang palad lang ang ginamit para patayin ito. Napakalakas. Isa itong tunay na makapangyarihang nilalang.

Subalit, hindi pa rin sa Crimson Patriarch nakatuon ang kanyang atensyon, dahil hihintay pa rin nito ang pagdating ng Shadow Prince.

Ito ang tanging rason ng kanyang pagpunta sa White River Valley.

Nakahinga na ng maluwag si Marvin.

Sa mga Legend na nandoon, si Inheim ang pinakaseryoso sa lahat. Malaking bagay ang naitulong ni Hathaway at Owl para kumbinsihin ito.

Kung hindi dumating ang tatlo pang Legend, mayroong inihandang plano si Marvin kapag sila'y naging desperado na, Sinigurado niyang hindi makakatakas ang doppleganger ng Crimson Patriarch. Mayroon pa namang mga lumang scroll ang matandang blacksmith na hindi pa nagagamit. At sagana pa naman sa mga kagamitan ang mga Night Walker.

Pero ngayong mayroong tatlong Legend na nadagdag, lalo na si Iheim na nagawang patayin ang doppleganger gamit lang ang isang kamay, mas naramdaman ni Marvin na ligtas sila.

Isang istratehiya talaga nila na paghiwa-hiwalayin ang mga doppleganger ng Crimson Patriarrch. Dahil mas malakas ito kapag sama-sama sila.

Kapag naman magkakahiwalay, nababawasan ng 1/5 ang kanilang lakas.

Sa ganitong paraan, magiging mas madali para kina Constantine at iba pa ang pagharap dito.

Perpekto ang naging plano nila.

"Nabawasan na naman siya ng isang buhay, isa na lang ang natitira!"

"Kaharap na ni Constantine ang Basilisk, at patay na ang Goshawk, ang Great Fish na lang ang natitira!"

Hindi na hinintay pa ni Hathaway si Marvin at agad na inilipat ang True Sight sa rumaragasang tubig ng White River!

Sa ibaba ng White River, makikita ang isang Great Fish na mabilis na lumalangoy patungong River Shore City!

Nang mamatay ang doppleganger sa kamay ni Inhem, nagkaroon rin ng rekasyon ang dalawa pang Crimson Patriarch!

Nagsisimula na siyang matakot!

Si Legend Monk Inheim. Ito ang taong walang takot na pumatay sa avatar ng Shadow Prince.

Sino baa ng ginalit niya?!

Sa maliit na bayan ng White River Valley, narito pala ang Demon Hunter na si Constantine, si Endless Ocean, at ang Shadow Thief na si Owl. Hindi pa pala dito natatapos ang lahat dahil nandito rin pala ang isang Legend Monk?!

Anong nangyayari?

Kaya nang makapatay ng isang god ng grupong ito!

Nagmadaling tumakas ang Crimson Patriarch na nag-anyong Great Fish.

Alam niyang wala nang pag-asa ang kanyang pangunahing katawan na kaharap si Constantine at Endless Ocean.

Kapag nahanap rin nila ang doppleganger na ito…

Tapos na siya!

Hindi na siya nangahas na gumamit pa ng kahit anong Teleportation.

Hindi masukat ang perception ng Legend Monk. Kapag naramdaman siya nito, siguradong tapos siya.

Pero mayroon pang pag-asa.

Nasa Basilisk ang atensyon nila at kahit na napansin ang lumilipad na Gishawk, wala naman sigurong makakapansin sa Great Fish, hindi ba?

Pero hindi na rin siya nagpakakampante.

Dahil pambihira ang mga taong kalaban niya, wala rin nakaka-alam kung mayroon pa ba bukod sa mga ito.

Ang mas nakakatakot pa rito, napagtanto ng Crimson Patriarch na hindi pa rin alam niya alam kung sino ang nagplano ng lahat ng ito.

Imposible namang si Constantine!

Dahil hindi naman nito magagawang kumbinsihin ang isang tulad ni Iheim na tulungan siya. At mukhang kasabwat rin nila ang Shadow Thief.

'Hindi kaya….'

'Hindi kaya ang Baron Marvin ng White River Valley?'

'Imposible…' Galit na isip ng Crimson Patriarch.

'Sinasabi nilang isa lang siyang 2nd rank Ranger, paano niya nakumbinsi ang napakaraming Legend na kumilos?'

Tulirong-tuliro siya.

Hindi niya lubos maisip na ang mapangahas na plano ni Marvin, kasabay ng napipintong pagbaba ng Shadow Prince, ay mapupunta sa sitwasyon na ito.

Hindi na maintindihan ng Crimson Patriarch ang nangyayari.

Wala na siyang ibang magagawa kundi gawin ang lahat para makatakas

Nararamdaman na niyang unti-unti nang hindi kinakaya ng kanyang pangunahing katawan ang sunod-sunod na atake ni Endless Ocean at Constantine.

Sa gitna ng kadiliman ng ilalim ng ilog, doon niya lang naramdaman ang ganitong klaseng takot.

Ngayon niya lang naranasang maramdaman ito, ang pakiramdam na may pagbabanta sa kanyang buhay!

'Hintayin niyang makabawi ako. Isa-isa ko kayong babalatan!'

Mabilis na lumangoy ang Great Fish.

Nang biglang bumaba ang temperature ng ilog!

'Hindi maganda 'to!'

Habang iniisip ito ay bigla na lang nanigas ang kanina'y rumaragasang tubig ng White River!

Sa dalampasigan, napakagandang tingnan ni Hathaway suot ang kanyang pulang damit.

"Ikaw na ba o ako?" Tanong ni Hathaway.

Ngumiti ang Shadow Thief at natatawang sinabing, "Ikaw na, takot ako sa tubig."

"Pshh!"

Isang nakakatakot na tunog ang umalingawngaw bago mabasag ang yelo!

Isang kakaibang isda ang sapilitang kumawala sa nanigas na ilog at tumayo sa ibabaw nito!

Nagsimulang tumubo ang dalawang paa mula sa mga kaliskis nito, sa talim ng kuko nito ay tumagos ito sa matigas na ilog.

'Legend Wizard!

Nagsimula nang mawalan ng pag-asa si Auzin nang makita nito si Hathaway!

Sino nga ba ang ginalit niya?!

Ang kalaban niya ay may kasamang, Legend Wizard, Legend Monk, Legend Night Waker, Legend Druid, at Legend Shadow Thief!

Ang ganito grupo, posible ba talagang may ganito kalakas na grupo sa katimugan?

Napakaraming makakapangyarihang nilalang sa Feinan, kaya bakit siya ang pinunterya? Biglang naramdaman ng Crimson Patriarch na may mali!

"Pucha! Dahil wala na rin naman akong pag-asang maka-takas, ibubuhos ko na ang lahat ng lakas ko sayo!"

"Hindi rin naman ako mamamatay. Sa araw na bumalik ang Eorld Ending Twin Snakes sa Feinan, 'yon din ang araw na muli aong isisilang!" Galit na sigaw ni Auzin.

Handan a siyang ibuhos ang lakas sa laban niya kay Hathaway.

Pero sa oras na 'yon, biglang natigilan ang lahat.

Dahil biglang may bulalakaw na bumagsak mula sa kalangitan.

Agad na nawala sina Hathaway at ang Shadow Thief!

Tumakbo naman si Inheim patungo sa lugar kung saan babagsak ang bulalakaw, tumakbo siya na kasing bilis ng isang bala!

Naiwan namang nakatayo at tuliro ang Crimson Patriarch, pakiramdam niya ay nagmukha siyang tanga.

Bakit bigla na lang nila akong hindi pinansin? Pakiramdam niya ay katawa-tawa siya.

Noong oras ring yon, napabuntong hininga na lang si Marvin sa balkonahe ng palasyo.

"Putangina, ang Shadow Prince!" mura ni Marvin.

Sa sumunod na sandal, kinuha niya ang isang scroll at isang potion, saka siya tumalon sa balkonahe.

Sa tulong ng Wishful Rope, ligtas siyang nakalapag sa paanan ng burol!

"Kakailanganin ko palang kumilos," sabi ni Marvin sa kanyang sarili.

Agad siyang nagtungo sa lugar kung nasaan ang doppelganger ng Crimson Patriarch!

"Roar!"

Maririnig ang atungal ng isang Asuran Bear sa buong White River Valley.

Nächstes Kapitel