webnovel

Flesh Removal

Redakteur: LiberReverieGroup

Hindi pa tapos ang laban.

Buhay pa si White at nasa loob pa ng sikmura ng forest boa ang Holy Grail. Hindi pa pwedeng umalis si Marvin.

Plano niyang dispatyahin pareho si White at ang guardian nito ng sabay.

Pero higit pa sa inaakalani Marvin ang abilidad ni White.

Hindi naman lahat ng wizard at wala nang ibang alam kundi mag-aral ng mga spell. Kitang-kita naman na umabot na si White sa level na mayroong itong kakayahang makipaglaban.

Pambihirang abilidad ang ipinamalas nito sa pagharap sa forest boa. Kung hindi dahil sa Ray of Frost nito, maaaring patay na siya ngayon.

Balak talaga san ani Marvin na patayin ang wizard habang kinakalaban nito ang boa. Nang sa gayon, madali na lang niyang mapapatay ang guardian.

Pero nawalan ng ulirat ang boa nang tamaan ito, kaya napilitan si Marvin na gumawa ng ibang paraan.

Kaya inuna na niya ang guardian.

Isa laban sa isa na lang ngayon.

Nagatago sa anino ng isang pine tree si Marvin. Habang minamanmanan si White gamit ang mga butas ng ilang dahon.

Umatras ang kalaban niya pero hindi pa ito umaalis.

Iniisip pa rin nito ang Holy Grail na nasa tiyan ng malaking forest boa. Basta makuha nito ang Holy Grail, wala nang pag-asa pang manalo si Marvin.

'Gusto niya kong palabasin kaya dinadaan niya ko sa panunuya?' Isip ni Marvin.

Tuso rin si White. Hindi siya nawalang ng pag-asa o pinanghinaan ng loob dahil sa pagkamatay ng guardian. Agad rin siyang naging kalmado.

Pinanuod lang nito ang forest boang paikot-ikot, handing patayin ito ano mang oras.

Kahit na mabagsik ang forest boa, halimaw lang ito. Maraming pamamaraan si White para tapusin ito.

Kaya hindi niya pa pinapatay ito ay dahil natatakot siyang bigla siyang tambangan ni Marvin ano mang oras.

Labanan ito ng isipan.

Paubos na ang mga detection spell ni White, kaya hindi na niya ito isinugal. Paano kung nasa taas na naman pala ng puno si Marvin ?

Masasayang lang ang kanyang magic power.

'Punyetang forest zone 'to!' Ika ni White sa kanyang sarili.

Masyadong malaki ang lamang ng ranger sa loob ng kagubata, lalong-lalo na ang isang taong may karanasan tulad ni Marvin.

Hindi tulad ng mga wizard at guardian, maari siyang kumilos-kilos na para bang wala lang sa kanya ito.

Paglipas ng sampung minute, biglang tumigil sa pag-ikot ang forest boa. Nakawala sa frost ang dila nito.

Humilata lang ito sa lapag, at dahan-dahang namimilipit.

'Aatake ulit?' Tinitigan ni Marvin ang ahas.

Hindi na nagdalawang-isip si White.

Agad itong lumapit at tumigil sa malawak na espasyo!

Sa ganitong lugar, kahit na gustuhin man ni Marvin na umatake ng palihim, mapapansin niya ito kaagad.

Tinutok nito ang kanyang magic staff sa forest boa. Nagsimula na itong magbigkas ng mga spell ng malakas!

Kakaiba ang kanyang magic staff; nakahulma ang dulo nito sa hugis ng simbolo ng Unicorn family.

'1st circle spell?!' Kinilabutan si Marvin!

Hindi naman ganoon kahaba ang casting time ng isang 1st circle spell!

Ang magic staff na 'yon!

May kakabit na spell ang magic staff.

'Tamang-tama sa isang maimpluwensyang clan. Mayayaman at dominante.' Isip ni Marvin. Ang spell na gagamitin ni White ay hindi niya kayang gawin mismo. Ina-activate niya lang ang nakakabit na spell sa kanyang magic staff.

Ang pag-chant ng ganito ay parang isang Paladin (Guardian Knight0 na ina-activate ang isang enchanted Divine spell sa kanyang espada.

Hindi na kailangan ni White ng 2nd rank na strength para gumamit ng 2nd circle spell!

Di nagtagal may lumabas na kulay dugong ray shot mula sa dulo ng magic staff ni White. Nabalot nito ang buong forest boa!

2nd circle spell [Flesh Removal]!

Walang awa ang spell na 'to. Sapilitan nitong tinatanggal ang laman ng isang hayop. Kahit na isang malakas na halimaw ay mamamatay kapag tinamaan ng spell na ito.

Isa lang hamak na 1st rank na halimaw ang forest boa. Hindi nito kakayanin ang ganitong uri ng spell.

Kalaunan, sa ilalim ng scarlet mist, nagsimulang matanggal ang laman ng malaking forest boa.

Para bang nabulok ito at makikita na lang ang kalansay nito.

Nagpumiglas pa ng kaunti ang forest boa bago ito tuluyang mamatay.

Pinanuod lang ni White ang ahas. Nang may ginintuang liwanag ang kuminang sa harap niya.

Para itong maliit na batingaw, nakasabit sa bangkay ng forest boa.

Ang Holy Grail!

Kumislap ang mga mata ni White.

Pero hindi pa rin siya kumilos. Alam niyang nagtatago lang sa paligid si Marvin. Siguradong di na makakapagpigil ang kalaban niya ngayong kita na ang Holy Grail!

Basta lumabas si Marvin, agad siyang didipatyahin ng spell ni White!

Kapag tumama ang kanyang spell, tapos na ang laban.

'Mga wizard ang pinakamakapangyarihang class sa mundong ito. Patapon lang ang mga ranger.'

Nagmanman sa kanyang paligid si White.

Hindi siya nakaramdam na kaba. Nasa harapan na niya ang Holy Grail. Kailangan na lang niyang maging pasesiyoso.

Isa pa, alam niyang nagpakawal ng malakas na enerhiya ang Flesh Removal. Hindi naman mawawala ang enerhiyang iyon kahit mamatay na ang forest boa.

Kailanagang munang maghintay ng limang minuto bago makalapit ng ligtas sa bangkay ng forest boa. Kung hindi, tatanggalin ng natitirang magic power ang laman ng lalapit.

Gusto ni White makitang subukan nakawin ni Marvin ang Holy Grail sa loob ng limang minutong 'yon.

Kung mangyari ito, magiging masaklap ang pagkamatay nito.

'Hindi pwedeng lumipad ang isip ko. Parang teritoryo ng mga ranger ang kagubatan.'

'Kailangan ako ang manalo!'

Huminga ng malalim si White, saka niya ikinalat ang paningin.

Nang biglang may aninong lumitaw sa kanyang harapan!

Lumabas na si Marvin!

Sinumulan na ni Marvin ang pagkilos niya.

Nakatali pa rin ang wishful rope sakanyang baywang, na agad umiikli para mabilis siyang hilahin pabalik, kaya tila lumilipad si Marvin mula silangan pa-kanluran.

Sa gitna ng malawak na espasyo, nakaratay ang bangkay ng forest boa.

Ngumisi si White at tinutukan si Marvin ng magic staff.

Pero bilga itong nagulat.

'Teka lang… May kakaiba!'

Masyado siyang malayo!

Masyadong mataas si Marvin, hindi siya matamaan ng spell ni White!

'Anong nangyayari? Nagpakita lang ba talaga siya? Wala ba talaga siyang balak kunin ang Holy Grail?' Naguguluhan si White.

Sa taas ng lipad ni Marvin, mukhang malayong maabot niya ang Holy Grail.

Nadadaan-daanan niya lang ang bangkay ng forest boa.

Maabot niya lang ito kung nasa 2 o 3 metro ang haba ng kanyang mga kamay.

'Ano binabalak ng taong 'to?'

Hindi maintindihan ni White ang ginagawa ni Marvin.

Habang lumilipa-lipad si Marvin sa ere, di nagtagal bumaba rin ang lipad nito!

Eksato sa kung nasaan ang bangkay ng forest boa. Bagamat mayroon pa ring kumukurap-kurap na pulang ilaw dito.

Ito ang mga natitirang magic power.

Tumawa lang si Marvin at inabot ito gamit ang kanyang kanang kamay. Kasabay nito'y may binigkas siyang kakaibang incantation.

[Vine Metamorphosis]!

Ito ang spell na nakuha niya kay Mad Lich Fidel. Nagamit na rin niya ito sa wakas!

Biglang naging isang baging ang kamay nito. Sa isang iglap tumubo ito at umabot sa 4 na metro ang haba!

Nilagpasan ng baging ang pulang magic power at walang kahirap-hirap na naabot ang Holy Grail.

Humaba pa ang baging ang pumulupot sa Holy Grail bago ito muling bumalik kay Marvin!

"Woosh! Woosh!" Mabilis na hinila si Marvin ng wishful rope patungo sa kabilang dulo.

Patungo ito sa set location.

"Plop."

Lumapag si Marvin sa isang makapal at matibay na sanga.

Agad namang bumalik sa dating anyo ang kanyang kamay na hawak-hawak naman ang Holy Grail. Itinaas ni Marvin ang Holy Grail para ipakita kay White, saka ito ngumiti ng napakalaki.

"Pasensya na. Mauna na muna ako."

Sa mga sumunod na sandali, bigla na itong naglaho papasok sa gubat!

"Putangina!"

Agad namang nagalit si White!

Hindi niya inaasahang mayroong Vine Metamorphosis si Marvin dahil bibihira lang makita ang spell na ito! Hindi ba spell 'yon ng mga northern druids?

Halaman ang mga baging, hindi sila naapektuhan ng Flesh Removal Spell!

Kaya naman madaling nakuha ni Marvin ang Holy Grail.

Namutla ang mukha ni White. Pero mabilis ang naging reaksyon nito. Ginamitan kaagas niya ang kanyang sarili ng Haste. Saka galit na hinabol si Marvin.

Kahit na hindi niya ito maabutan, kailangan pa rin niyang subukan!

'Hindi ako papaya na matalo ng kumag na 'yon!' Sabi ni White sa kanyang sarili na halos hindi na maipinta ang mukha.

Nagmadali siyang tumakbo sa kagubatan, kita niya ang anino ni Marvin sa malayo!

Nagngalit ang kanyang mga ngipin at binilisan pa lalo ang takbo. Nang may mapansin itong kumikislap!

"Teka…"

Hindi na siya nakatigil, tatama na kasi ang kanyang leeg sa kung anong bagay!

Isang manipis na alambreng nakatali sa dalawang puno!

Sa sobrang bilis ay hindi niya na napigilan at direktang tumama ang kanyang leeg!

Nakakatakot na cutting strength ang resulta nito.

Mabuti na lang at lagi siyang may barrier spell nan aka-activate, kung hindi, naputol na ang kanyang ulo!

Dahil sa barrier, bahagyang nasugatan lang ang kanyang leeg!

Namutla si White; dahil ngayon lang niya naranasang kamuntikang mamatay!

Nang biglang may aninong tahimik na bumagsak sa kanyang likuran!

"Sa tingin mo ba, basta-basta ko na lang hahayaan ang taong nagtangka sa buhay ng kapatid ko?" Bulong ni Marvin.

Nabalot ng dugo ang kanyang dagger.

Nächstes Kapitel