webnovel

Phantom Assassin

Redakteur: LiberReverieGroup

Madilim sa loob ng yungib kaya nagsindi si Marvin ng sulo at inilagay ito sa putik malapit sa altar.

Itinabi niya ang mga bato at nakita ang tunay na anyo ng altar.

Abandonado na ito dahil iniwan na ng mga high elf ang teritoryong ito noong 2nd era. At syempre napabayaan na ito sa loob ng mahabang panahon.

Kahit na ganoon, gumagana pa rin naman 'to.

Mabait ang ancient elven god, dahil hinayaan niyang mabuhay kahit ang mga hindi naniniwala at ayos lang din sa kanyang makipagtransaksyon sa mga 'to.

Pero mas maingat siya kapag evil god ang kanyang kausap dahil alam niyang maari ka nilang lamunin kapag nakuha na nila ang gusto nila.

High elven ang mga titik na nakaukit sa sahig. Kakaunti lang ang bihasa sa lenggwaheng ito kahit sa mga ordinaryong elves na natitira sa Feinan.

[You found an ancient elven altar]

[Knowledge – Historical remains +1]

[Knowledge - Historical Remains (Ancient Elven Altar)]: Ito ay isang abandonadong altar m ula noong sinauna panahon pa ng mga elves. Dito maari mong makausap ang ancient elven god o sino mang kinatawan niya.

...

Hindi pamilyar sa mga titik na 'to si Marvin pero alam niya kung paano buhayin ang altar.

Mayroong mallit na mangkok ng tubig na gawa sa luwad at may larawan ng mga mababangis na halimaw ang nasa gitna ng altar.

Sabi nila ang mga halimaw na 'to raw ang katawang-lupa ng mga elven god. Mukha lang daw silang mababangis at nakakatakot pero mabubuti raw ang mga ito.

Inilabas niya ang daliri ng lich at inilagay sa mangkok ng tubig.

Matapos ang limang segundo, nagliyab ang mga sulo na nakapalibot sa altar.

Pshhh!

Ang pagliyab ng anim na god flames ay nangangahulugang buhay na ang altar.

'Napansin nga talaga ng old god ang daliri ng lich dahil sa divinity nito. Kung hindi man siya mismo ang pupunta, siguradong magpapadala siya ng avatar niya.'

Napangiti si Marvin.

Kung wala sa kanya ang daliri ng lich, kakailanganin niyang makahanap ng ibang paraan para buhayin ang altar. Baka maubos pa ang mga gem niya.

Buti na lang wala siyang gagastusin sa ngayon. Lalo pa't at mahirap makakita ng ganito sa Feinan's world.

Dahan-dahang umangat ang isang bola ng apoy mula sa gitna ng altar at unti-unting naging mukha ng isang panget na lalaki.

"Anong kailangan mo? Numan offspring?"

Numan?

Nagulat si Marvin dahil akala niya isa lang siyang ordinaryong human. Kaya siguro mayroong tandang pananong sa kanyang race status. Pero hindi niya inakalang ninuno niya ang mga numan.

Kilala sila bilang mga born caster. GUmawa sila ng sarili nilang bansa noong third era. Hindi nagtagal, itinaboy sila patungo sa void dahil sa sobrang lakas ng mga'to.

Sa madaling salita, pinanganak na mga sorcerer ang mga numan. Hindi sila mga tunay na mamamayan ng Feinan, mga taga labas sila.

Pero hindi ito ang taang panahon para isipin 'yon. Kaya agad na humiling si Marvin sa face of flames.

Natahimik ang face of flames matapos marinig ang hinihingi ni Marvin at sinabing, "Naglalaman ng malakas na kapangyarihan ang severed finger na'to ng lich na si Ange-Marie, kaya tama lang ang hinihingi mong kapalit."

"Umatras ka ng tatlong hakbang at makukuha mo ang iyong kahilingan."

Sumunod si Marvin at umatras, nasa labas na siya ngayon ng altar.

Flap!

Nawala ang mukha sa gitna ng altar, lumutang at biglang nilamon ng apoy ang mangkok at nawala kasama ng apoy ang daliri ng lich.

Eto ang patas na transaksyon ni Marvin at ng elven god.

Hindi naman kasi niya magagamit ang daliri ng lich sa ngayon kaya minabuti niyang ipalit ito sa isang bagay na kapaki-pakinabang.

Sa isang iglap, dalawang anino, isang maliit at isang matangkad, ang makikita sa apoy.

Kasabay nito, may dalawang bola ng liwanag ang lumipad at napunta sa mga kilay ni Marvin.

Hindi iniwasan ni Marvin ang bola ng liwanag at hinayaang pumasok ito sa kanyang katawan dahil alam niyang maganda ang reputasyon ng mga elven god.

Ang unang bola ng liwanag ay ang basbas ng elven old god.

[Fertile Blessing]: Dexterity +1

Kapaki-pakinabang 'to kahit na maliit na bagay 'to. Dahil kung tutuusin, mahalaga ang attribute point na 'to.

Umabot na ng 19 ang dexterity ni Marvin, at aabot na ito ng 20 kapag nakipaglaban siya habang gamit ang titolong [Chaotic Battlefield Expert].

Maabot na niya ang dexterity threshold kapag umabot na siya ng 20 na puntos at ibig sabihin nito makukuha na niya ang specialty na [Wall Climb].

Sa pagmumuni-muni ni Marvin, naisip niyang kapaki-pakinabang talaga ang specialty na [Wall Climb]. At kung gamitin na niya agad ito ngayon, palalakasin nito ang kanyang fighting strength kahit pa may kundisyon ang pag-gamit nito.

Para naman sa ikalawang bola ng ilaw, isa itong loyalty mark.

[Loyalty Mark]: magiging tapat sa'yo ang dalawang tagasunod mo habangbuhay.

"Master! Ako si Kyle Amber, nanunumpa ng katapatan sa'yo!"

"Master! Ako si Simone Agate, nanunumpa ng katapatan sa'yo!"

Dalawang elf, isang matangkad at isang maliit ang lumabas mula sa altar at nanumpa ng katapatan kay Marvin.

Amber at Agate: Hindi magaling magpangalan ang mga elven god. Kahit na sabihin mong mahilig kayo sa mga gem, hindi dapat iyon ang pinapangalan sa inyong mga anak

Humahagikgik si Marvin habang tinitingnan ang lakas ng kanyang dalawang alalay.

Saktong-sakto sa pangangailangan ni Marvin ang mga 'to. Binigyan siya ng ancient elven god ng dalawang malalakas na 2nd rank na phantom assassin bilang mga taga-sunod.

Halos parehong-pareho ang attribute ng dalawa. Ang pinagkaiba lang, lalaki si Kyle na mas malakas ng kaunti. Si Simone naman ay babae na mas mataas ang charisma. Habang tama lang sa isang 2nd rank elven phantom assassin ang iba pa nilang attributes at may kasama pa 'tong ibang skills..

Naramdaman ni Marvin na mas ligtas na siya ngayong mayroon na siyang kasamang dalawang 2nd rank experts.

[Thief lvl 7 - Phantom Assassin lvl 3] ang mga level nila at mayroon silang [Assassinate], ang pinakamalakas na skill ng mga nasa 2nd rank. Nakakamangha din ang taas ng perception nila, nasa kanila na lahat ng kailangan ni Marvin.

Ang kaso nga lang, hindi talaga tunay na mga elves ang dalawang 'to. Ginawa lang sila ng elven ancient god. Kaya kahit na mayroong silang intellegence, hindi sila lalakas kahit na makipaglaban.

Pero sa ngayon, sapat na ang mga 'to.

'Panahon na para pagbayarin si Miller sa pagpatay niya sa tatay ko at sa pagsakop ng lupain ko.'

'Buhay para sa buhay!'

Pinagbantay ni Marvin si Kyle ng gabing 'yon at natulog ng mahimbing sa loob ng kweba. Umalis ang tatlo sa Deathly Silent Hills kinaumagahan.

Nakabalik sila sa River Shore City pagtapos ng tatlong araw.

...

Sa loob ng isang kwarto sa Black Horn Inn.

Napabuntong-hininga na lang si Anna sa pag-aalala dahil walang tao sa kanilang kwarto.

Kagabi siya nakabalik ng River Shore City kasama ang 20 na mga gwardya.

Nakasuot sila ng damit ng magsasaka. Hiwa-hiwalay na pumasok sa siyudad at sa iba't ibang inn sa paligid nanatili.

Nag-iwan si Marvin ng sapat na pera para rito.

May sulat na iniwan sa mesa si Marvin para sa kanya. Karamihan ng nakasulat ay para siguraduhin kay Anna na babalik siya agad.

Pero hindi pa rin mapakali si Anna.

Nabalitaan niya ang pagbagsak ng Acheron Gang sa kamay ng isang taong tinatawag na dual wielding mask.

Hindi tanaga si Anna, kahit na nagulat siya sa panibagong lakas at tapang ni Marvin, alam niyang si Marvin ang dual wielding mask na tinutukoy nila.

'Delikado ang ginawa niya. Master Marvin, napakapusok mo?'

Alalang-alala si Anna. Hindi niya alam kung ano ang binabalak ni Marvin pero may kutob siyang mapanganib ang kung ano mang ginagawa nito.

Gustuhin man niyang makatulong, wala siyang magagawa ngayon kundi maghintay ng balita mula kay Marvin.

Hindi talaga siya mapakali.

"Tok! Tok! Tok!"

May kumatok sa pinto.

Siguro si Andre 'yon. Siya ang kapitan ng mga gwardya, matapat na matapat pero mapusok din.

Napabuntong-hininga uli si Anna saka binuksan ang pinto.

Mayroon tatlong taong nakatayo sa labas.

Master Marvin?!"

Nagulat si Anna.

"Sino sila…?"

Tinitigan ni Anna ang dalawang malakas na adventurer sa likod ni Marvin.

"Ah, mga katulong." Ngumiti si MArvin at nagtanong, "Si Andre at ang iba pa?"

"Nandyan lang sila sa tabi-tabi, nagalit silang lahat nang mabalitaang may nagtangka sa buhay mo."

Sagot ni Anna.

"Buti naman." Tumango si Marvin, "Paghandain mo sila. Sabihin mo mag-grupo sila at pumunta sa silangang bahagi ng public square sa rich district paglubog ng araw. "

"Sa rich district?" natulala si Anna.

"Oo, ililigpit natin ngayon gabi ang tunay na mastermind."

"Pero may kailangan muna akong gawin. Mag-ingat kayo, siguraduhin mong walang makaka-alam na si la ang mga gwardya ng White River Valley." Bulong ni Marvin.

Marami pang katanungan si Anna, pero nang maranig niya ang mga utos ni Marvin, wala na siyang magagawa kundi sumunod."

"Sige, gagawin ko."

...

Sa labas ng munisipyo, bandang dapit-hapon, isang bundat na opisyal na pauwi na ang nakasakay sa karwahe.

Ang hindi niya alam, may tatlong rouge ang nagtatago at binabantayan siya.

Tumigil ang karwahe sa rich district. Bumaba ang matabang lalaki at dumeretso sa kanyang opisina sa kanyang bahay.

May mga papeles siyang kailangan itapon.

Pero naramdaman niyang may mali pag-apak na pag-apak niya sa kanyang opisina.

Nächstes Kapitel