Pagkatapos umalis ni Ashes dalawang araw ang nakalipas, hindi inaasahang babalik si Maggie sa Border Town at nagpakitang muli sa harapan ng lahat.
Pagtapos siya tanungin sa kung ano ang mga rason sa kanyang pagbalik, tinanggap siya ng buong puso at nagkaroon ng bagong miyembro ang Witch Union.
Ang bagay na nagpalambot ng kanyang damdamin ay ang welcome banquet na ginawa sa bakuran ng hardin ng kastilyo. Sa banquet na ito, mayrong isang mahabang iron shelf na puno ng iba't-ibang klase ng karne na maaring kunin para ihawin. Madami ding mga spices; mayrong asin, mantika, paminta, sili, at barbecue sauce na ginawa ni Roland—ang pinakuluang forest-produced mushrooms at manok kasama ng sopas, pagtapos nilagyan ng asin, asukal, at wheat flour, na maaring gamitin kapalit ng MSG. Hindi tumigil kumain si Maggie hanggang sa mapuno ang kanyang tiyan.
Kinahapunan, sinubukan ni Roland ang kanyang abilidad.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com