webnovel

Chapter 171

Redakteur: LiberReverieGroup

Talagang isang matalinong tao si Lady Yu. Si Ginoong Wu at siya ay ginabayan mismo ni Ginoong Wolong. Si Ginoong Wolong ay isang tao na namuhay bilang ermitanyo, nababalitang higit 100 taon na. Kumalat sa malayo at malawak ang impluwensiya niya, mula sa mga royal at maharlika ng mataas na katayuan hanggang sa alipin at mangangalakal ng mababang katayuan. Ang lalaking ito ay may malawak na pinag-aralan; tumatanggap siya ng disipolo kahit ano man ang kanilang katayuan. Tapos ay ibinigay niya ang iba't-ibang kaalaman sa kanila batay sa kanilang mga katangian. Ang mga estudyante niya ang binubuo ng kilalang iskolar, maharlika, kumandante ng digmaan, maliksing mamamatay tao, at kahit na mayayamang mangangalakal...

Maraming disipolo si Ginoong Wolong, ang ilan sa kanila ay mabuti at ang ilan ay masama. Ilan sa mga disipolo niya ay kasama si Cheng Wenjing, ang kasalukuyang punong ministro ng Tang, na lagpas 70 taon gulang. Idagdag pa, si Yue Shaocong, ang traydor na hinayaan ang mga taga Quanrong sa Xia, ay nasa ilalim niya din. Ang batang mga pinuno ng nangunguna sa daigdig na Da Tong rebel guild, si Wu Daoya at Zhong Yu, ay nagsilbi din sa ilalim niya. Lalo na, ang ikaapat na batang amo ng pamilya Zhuge, si Zhuge Yue, ay isa din sa disipolo niya. Ang kanyang pangalan ay nanatili sa isip ni Chu Qiao.

Aatake na si Zhao Che. Nandito din ba siya? Bahagyang napabuntong-hininga si Chu Qiao, inisang lagukan ang mangkok ng gamot. Isang delikadong lugar ang labanan. Walang mata ang sandata. Hindi, sana hindi, naisip ni Chu Qiao sa sarili niya.

Nadama ni Chu Qiao na muli siyang sumigla mula sa pagkakaidlip niya kaninang hapon. Dahil ilang araw siyang nakulong sa bahay, gusto niyang lumabas. Nakasuot siya ng asul na koton na damit. Mayroong bulaklak ng magnolia na nakaburda sa kanyang kapa, kung saan ay mahigpit na nakadikit sa kanyang balat. Bumuo sila ng hugis ng lampara, pinapakita ang payat niyang katawan. Naglagay ng ipit sa buhok ang mga tagasilbi sa kanya, kasama ang ilang kulay scarlet na aksesorya. Ang pang-ipit ng buhok na jade ay may pagka-asul ang kulay. Ang hanay ng palawit ay nililipad-lipad, dumadampi sa kanyang maputing tainga. Minsan lang magsuot si Chu Qiao ng ganoong pangbabaeng kasuotan. Matagal siyang tumingin sa salamin para hangaan ang kanyang bagong itsura, nakakaramdam ng bahid ng kasayahan sa loob niya.

Marahas ang hangin sa labas. Gusto siyang sundan ng mga tagasilbi ngunit tinanggihan niya ang kanilang intensyon. May hawak siyang maliit na lampara, hugis tupa, at naglakad mag-isa.

Panahon ng taglamig sa Yan Bei. Mayroong kagandahan sa kapanglawan, sa porma ng manipis na nyebe na bumabagsak. Malamig ang panahon; maswerte na maraming patong ng kasuotan ang sinuot niya na may mantong nakapatong. Ang gasuklay na buwan ay nakasabit sa kalangitan. Kinulayan ng liwanag ng buwan ang lupa ng maputlang puti. Ang tanging naamoy niya lang nitong nakaraang mga araw na hindi siya lumabas ng bahay ay ang amoy ng gamot at usok, na nagbigay sa kanya ng sakit ng ulo. Nang tumapak siya sa labas, pakiramdam niya ay lumakas siya; tila bahagyang gumaling ang kanyang sakit. Maganda ang liwanag ng buwan. Tulad ng sinag ng kandila na tumatagos sa telang nalalagusan ng liwanag, mukha itong mahamog. Umihip ang hangin sa mga puno, gumagawa ng kaluskos na tunog. Marahang naglakad si Chu Qiao. Tumayo siya sa baba ng bintana ng silid-aralan ni Yan Xun at tumingin sa malayo. Kakabalik lang ni Yan Xun mula sa kampo ng militar. Hindi pa siya nakakatulog dahil maliwanag pa rin ang silid nito, pinapakita ang anino nito. Mayroong isa pang tao sa silid nito. Mukhang abala sila sa malalim na pag-uusap, pero hindi ito marinig ni Chu Qiao dahil sa malakas na hangin.

Bigla siyang nakaramdam ng kapayapaan sa kanyang puso. Parang itong gumising sa umaga at binuksan ang bintana para makita ang malinis na kapaligiran sa labas. Mainit na suminag sa mukha niya ang sikat ng araw. Sa asul na kalangitan, lumilipad ang puting mga agila, inuunat ang kanilang mga pakpak. Mayroong baso ng mainit na tsaa sa kanyang lamesa, habang ang usok ng tubig ay umaangat mula sa baso, lumilitaw tulad ng isang dragon.

Hindi niya matukoy ang kanyang nadarama para kay Yan Xun sa loob ng mahabang panahon. Sa simula, nang dumating siya sa panahon ito, nakita niya ang pagkawalang-katarungan ng mundong ito mula sa modernong panahon na pananaw. Pagkatapos, siya ay nakaladkad sa mundong ito, nakaramdam ng iba't-ibang emosyon tulad ng kalungkutan, galit, hinanakit, pagtanaw ng utang na loob, at pasasalamat... hindi na niya kayang magpanatili ng walang kinakampihang pananaw at hindi isama ang sarili sa makamundong bagay. Para naman kay Yan Xun, sa simula ay ayaw niya dito. Dahan-dahan itong nagbago sa pasasalamat, pagkaawa, hanggang umasa sa isa't-isa. Habang lumalaki siya, ang nararamdaman nila para sa isa't-isa ay nagbago. Ang mga bagay na hindi nila masabi dati sa isa't-isa ay hindi napapansin na umibabaw, bumubuo ng bago at malakas na pagkakaisa sa pagitan nila. Nakalagpas sa mahihirap na panahon, hindi mabilang na madugong mga laban, at mga sitwasyon ng buhay at kamatayan, ang kanilang pagkakaisa ay mas naging komplikado. Tulad ito ng isang higanteng puno na matatag sa pundasyon nito, ngunit sa pagtingin, ang luntiang mga dahon ay makakapal at hindi niya makita ang loob nito. Siya ay palaging ganito katahimik at matigas ang ulo. Hindi ito nagbago.

Nagbukas ang pinto ng silid. May naglakad palabas mula sa pinto. Mapag-obserbang nakita ni AhJing si Chu Qiao, na nakatayo sa ilalim ng puno ng niyog. Sumigaw siya, ginulat si Yan Xun na tumakbo palabas ng pinto. Nang makita siya, nagbulalas ito, "Bakit nakatayo ka dyan mag-isa? Hindi mo ba alam na may sakit ka?"

Ngumiti si Chu Qiao, hinayaan si Yan Xun na hawakan ang kamay niya. Tumingin ang lalaki sa kanya na may nayayamot na ekspresyon, mahigpit na hinahawakan ang kanyang kamay. "Napakalamig dito. Gaano katagal ka na dito?"

"Kanina lang."

Nang tumapak sila sa loob ng bahay, isang mabangong halimuyak ang bumati sa kanila. Suminghot si Chu Qiao at nagtanong, "Ano iyong mabangong amoy na iyon?"

Nang marinig ni Yan Xun ang kanyang mga sinabi, nagbago ang ekspresyon niya. Madali niyang tinulak palabas si Chu Qiao, kumuha ng tsarera at binuhos ang laman nito sa lalagyan ng insenso. Puting usok ang lumabas sa lalagyan habang padaskol-daskol niyang binuksan ang bintana.

Napasimangot si Chu Qiao at nagtanong, "Yan Xun, anong ginagawa mo?"

Pinahid ni Yan Xun ang mga kamay niya at naglakad palabas. Sa mababang boses, sinabi niya, "Hindi na tayo pwedeng manatili dito. Halika na." Nang matapos niya ang sinabi niya, kinaladkad niya si Chu Qiao sa kanyang silid-aralan.

Ang silid ni Yan Xun ay walang bakas ng usok, na nagpapresko kay Chu Qiao. Naguguluhan pa rin siya habang nakita niya ang tagasilbi, si Lanxiang, inabutan si Yan Xun ng pamunas para punasan ang mukha nito. Nagtanong si Chu Qiao, "Yan Xun, anong problema sa silid?"

"Iyon ang bagong damong-gamot. Nagsindi ako ng kalahating piraso. Naglalaman ito ng bakas ng musk."

"Musk?" hindi magaling si Chu Qiao sa larangan ng damong-gamot. Nakasimangot siyang nagtanong, "Anong problema sa musk?"

Napangiti ang tagasilbi at may tawang sinabi, "Binibini, hindi pwedeng maamoy ng babae ang amoy ng musk. Hinahadlangan nito ang pagbubuntis. Syempre, kakabahan ang Kamahalan."

Nang natapos ni Lanxiang ang kanyang sinasabi, lubos na namula si Chu Qiao. Ang iba pang tagasilbi ay natawa din. Hindi galit si Yan Xun. Nagkunwari siyang walang pakialam ngunit lihim na tinignan ang ekspresyon ni Chu Qiao mula sa gilid ng mga mata niya.

Natigalgal si Chu Qiao. Matapos ang lahat ay isa siyang babae. Nagsimula siyang mamula, ang kanyang mukha ay nagiging pula katulad ng mga talulot ng bulaklak ng crabapple. Ang liwanag ng kandila ay suminag sa kanyang mapusyaw na asul na damit, pinagmumukha ito na tila dumadaloy ang tubig dito.

Isang mababang tunog ng tawa ang narinig malapit sa kanyang tainga. Ang hininga ng lalaki ay mainit, tulad ng tubig dagat. "AhChu, maganda ngayong gabi."

Masayang tumingin si Chu Qiao. Malaki ang silid. Isang malambot na karpet ang nakalapag sa sahig. Patong ng sedang kurtina ang naghihiwalay sa magkakaibang seksyon ng silid, binibigyan ito ng maringal na pakiramdam. Ang higaan ay nabuburdahan ng lilang seda, na may berdeng balangkas na nakapalibot dito. Mukhang sapat ang init ng kumot para maramdaman ng tao ang init bago pa man kumutan ang sarili nito. Inunat ni Yan Xun ang kanyang mga kamay para tulungan siya ng mga tagasilbing palitan ang kanyang damit. Medyo nagulat si Chu Qiao at tumalikod. Tumawa si Yan Xun sa mababang boses nang mas namula ang mukha ng babae.

Idagdag ang mga taon na nabuhay siya sa dalawa niyang buhay, hindi na siya bata pa. Siya ay nakaranas na ng sapat na karanasan ng parehong mga insidente. Sa maraming taon na nakasama si Yan Xun, hindi sila eksaktong mahigpit na umayon sa mga tradisyon. Gayumpaman, ngayon, hindi niya alam kung anong gagawin.

Lumabas ng silid ang mga tagasilbi. Ang patong ng mga kurtina ay naibaba. Lumapit ang mainit na hininga ni Yan Xun mula sa likod niya. May pagaw na boses, may tawa niyang sinabi, "Lumaki na ang AhChu ko. Alam niya kung paano maging mahiyain."

Ang pang-araw-araw niyang mahusay at epektibong pananalita ay inabandona siya. Iniyakap ni Yan Xun ang kanyang mga bisig sa may tiyan ni Chu Qiao. Ang labi nito ay bahagyang nakadiin sa tainga niya. Bahagya itong bumuntong-hininga at sinabi, "Isang araw kitang hindi nakita."

Medyo takot si Chu Qiao. Sa isang iglap, hindi niya alam kung anong isasagot. Natataranta niyang sinabi, "Mag-uumpisa na ba ang digmaan sa silangang bahagi? Kamusta ang mga paghahanda mo?"

"Hay..." walang magawang napabuntong-hininga si Yan Xun. "AhChu, kailangan mo ba talagang sirain yung kondisyon ng ganoon? Hindi mo nakukuha ang mga inensyon ko, ano?"

Ang buhangin sa palayok ng nagsasabi ng oras ay bawat butil na mabagal na dumadaloy pababa, gumagawa ng patigil-tigil na tunog. Ang hangin sa labas ay tahimik na umihip. Paminsan-misan, ang nyebeng naipon sa bubong ay bumabagsak sa lupa, dahilan para lumipad-lipad sa ere ang manipis na nyebe. Tahimik siyang hinagkan ni Yan Xun, ang samyo ng katawan nito ay nagtatagal sa hangin. May mainit at nakapapawing boses, nagtanong ito, "Naubo ka ba ngayon?"

Umiling si Chu Qiao. "Mas okay na siya ngayon."

"Mabuti naman. Ininom mo ba sa tamang oras ang gamot mo?"

"Oo, napakapait niya. Ang hirap masikmura."

"Syempre. Anong gamot ang hindi mapait? Palihim mo ba itong itinapon?" sagot ni Yan Xun.

"Sa konsiyensa ko." Itinaas ni Chu Qiao ang tatlong daliri niya at sinabi, "Inunom ko pati ang natira."

"Anong problema?" nagtaas ng kilay si Yan Xun. "Wala bang hangin dito?"

"Nag-aalala ako. Malapit nang sumabog ang digmaan sa silangang bahagi. Lagi akong may sakit. Paano kita matutulungan?"

Isang mainit na pakiramdam ang nabuo sa loob ni Yan Xun. Sumagi ang labi niya sa leeg ni Chu Qiao. Mahina niyang saad, "Basta't gumaling ka, tinutulungan mo na ako."

Nakasuot ng manipis na kasuotan si Yan Xun. Halos maramdaman na ni Chu Qiao ang tabas ng kalamnan nito. Sumandal si Chu Qiao sa yakap nito, ihinilig ang kanyang ulo. Nagsimulang mabagal na uminit ang katawan niya. Bumulong siya, "Gusto ko na mas makatulong ako."

"Nakakatulong ka na," mainit na sagot ni Yan Xun. "Nitong mga taon, buong puso mo akong sinundan. Hindi mo inisip ang sarili mo. Kasalukuyan, tumatag na ang Yan Bei. Dapat magplano ka para sa sarili mo."

"Para sa sarili ko?" naintriga si Chu Qiao. Isa nga talaga itong bagong tanong. Sa loob-loob, alam niya na hindi siya kasing lakas ng kung anong ipinakikita niya sa labas. Nasanay siya na umasa sa iba, nasanay na sumunod ng utos, at nasanay na magtrabaho ukol sa isang layunin. Mabalik sa modernong panahon, ganito iyon. Matapos niyang sundan si Yan Xun, nanatiling pareho. Hindi niya alam kung paano magplano para sa kanyang sarili. Para sa sarili niya? Sa sarili niya? Anong magagawa niya?

"Oo." Mababa ang boses ni Yan Xun. May kaunting tawa, nagpatuloy siya, "Kapag lumaki na ang babae, kailangan niyang magplano para sa sarili niya. Halimbawa, maghanap ng magandang lalaki para pakasalan, palakihin ang kanyang anak at payapang masayang mamuhay..."

Bahagya siyang pinagsabihan ni Chu Qiao at sumagot, "Saan ako makakahanap ng magandang lalaki sa magulong mundong ito?"

"Tama ka," saad ni Yan Xun na may tawa. "Pwede mong makilala ang tao, pero hindi ang katangian niya. Mahabang panahon ang kailangan para lubusang makilala ang isang tao. Kapag nagkamali ka ng paghusga, hindi ba't inaantala mo ang habang-buhay mong kasiyahan?"

Tumalikod si Chu Qiao at may tawang sumagot, "Kung gayon, ano sa tingin mo ang kailangan kong gawin?"

"Mukhang kailangan kong kumuha ng kawalan." Bahagyang napatawa si Yan Xun. Nakasingkit ang kanyang mga mata, ginagawa itong manipis at mahaba. Maliit na ngumiti ang kanyang labi.

Tinignan siya ni Chu Qiao mula sa gilid ng mga mata nito. "Mukhang pinipilit kang mawalan!"

"Hindi naman." Mainit na umalingawngaw ang boses ni Yan Xun sa silid. "Gayonpaman, medyo kaunting kawalan pa rin iyon." Nang makita niya ang ekspresyon ng babae na nagsimulang magbago, mahigpit niya itong niyakap habang tumatawa siya. "Ang ibang royal ay maraming asawa at kerida, ngunit kailangan kong maging matapat. Hindi ba't nakuha ko ang pinaka maiksing pisi?"

Suminghal si Chu Qiao at nagtanong, "Eh di kumuha ka ng mga kerida. Walang pumipigil sayo."

Mahigpit siyang hinagkan ni Yan Xun. Humilig sa tainga niya, nagpahayag ito, "Wala akong lakas o kagustuhan na magdusa ka."

Maliwanag na umiilaw ang pulang kandila sa silid, iniilawan ito. nakaramdam ng panghihina si Chu Qiao sa katawan niya. Dinagdag ni Yan Xun sa mainit na boses, "AhChu, pakasalan mo ako."

Mainit ang pakiramdam ng katawan niya. Nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata niya. Ang paglalakbay na ito ay naging mahirap. Naiisip ang mga pangyayari sa royal na lugar ng pangangaso walong taon ang nakakalipas, bigla niyang napagtanto na mahabang panahon na ang lumipas.

Nächstes Kapitel