webnovel

Chapter 59

Redakteur: LiberReverieGroup

"Tulungan mo siya sa kabayo. Tara na!" Malamig na sabi ni Chu Qiao paalis sa kanyang kabayo. Ang apat na lalaki ay matuling sumusunod sa kanya. Napag tanto niya na hindi lang sila ang tao naroon. Sa masukal na kagubatan na pinalilibutan ng nyebe ay naririnig niya ang mga yapak nito. Nararamdaman niyan may lami sa pangyayari. Ang karwahe na kabayo ay nakahiwalay sa gilid malapit sa daan daang matitipunong gwardya. Kapag nag kasagupaan sila ay hindi makikinabang ang nasa panig nila Chu Qiao. Ang sulosyon lang ay mag kunwari silang walang alam at sususperasin nila ito ng pag atake.

Dahi sa inaasahan maririnig mo ang mga yanig ng mga kabayo at hinampas ito, "Bilisa niyo!" Sabi niya rito. Ang limang tao ay nag uunahang makatakas.

Sa pangyayari, may biglang pumana sa direksyon ng mga kabayo. At ang pag pana ay tumama sa tina target niyang apat na lalaki at nahulog ito sa kani kanilang kabayo.

"Hindi ka parin titigil?" Masamang tinig ang narinig ni Chu Qiao sa tabi niya. Puting kabayo ang kumakabig sa kanya at ang nangangabayo ay isang lalaking naka pula. Ang mukaha nito ay parang sa babae. Maamo ang mukha pero may ka demonyuhan kasama. Nakahawak ito sa tali ng kabayo at ang isang kaamy ay may pamaypay. Nakisabayan siya sa pangangabayo kay Chu Qiao nang naka ngiti.

Galit na galit na sinipa ni Chu Qiao ang tiyan ng kabayo. Humalinghing ang kabayo sa sakit ngunit hindi parin na hulog ang lalaki.

Tinirigan lang siya ng lalaki at nag salita na may ngiti, "kay tapang na babae. Okay lang. Sabagay hindi mo naman gusto at wag natin abalahin ang isa't isa."

Pag tapos nito mag salita ay tumalon siya sa kabayo ni Chu Qiao sa isang galaw lang. Nilagay niya ang kamay nito sa bewang ng dalaga at nilagay ang ulo malapit sa tainnga at bumuga. Marahan ang pag salita, "Napaka bango at ang kutis. Meron palang magaganda rito sa Hong Chuan. Napaka ignorant ko naman."

Pumiksi Si Chu Qiao at sinubakang ibangga siya sa kabayo. Tumawa lang ang lalaki at niyakap lang siyanito ng mahigpit. Dumila ito at dinilaan ang taingga niya at dumagdag, "Napaka kutis at mabango mo. Nakakahanga ang ganda talaga."

Nanlamig si Chu Qiao sa kanyang likod. At napansin niya na napapalibutan na siya. Napuno siya ng galit at nag tagis ang kanyang kamao at sinuko niya ang balikat ng lalaki. Lumiko ang kaniyang katawan para mag padulas sa ibaba ng likod ng kabayo. Yumakap ang binti niya sa tiyan ng kabayo at hinablot niya ng malakas ang paa ng lalaki. Minaliit ng lalaki ang kakayahan niya kaya hindi siya na kaiwas. Dahil sa pag hila ay nahulog ang lalaki sa kabayo at lumagapak sa manyebeng lupa. Tumaas ang dalaga ulit sa kabayo niya at ginamit ang tuhod sa likod ng isang lalaki sanhi ng pag kakita ng bituin sa pag salpok.

Parang galit na galit na tigre si Chu Qiao at nag umpisa ng isakatuparan ang Wing Chun Martial art at pinaulanan ng suntok ang ulo ng lalaki sa mabilis na paraan. Nakakamangha ang bilis nitong umatake. Ang iba ay Napatingin at namangaha sahinawang pag upo sa likod ng lalaki.

"Ah! Tanga ka, bilisan mo at sagipin mo ang Prince!"

Sa mga naririnig ni Chu Qiao ss babae ay nag tigil ang puso niya. Nag paisip siya, Prince?

Ang malakas tonog na parang kulog ay galing sa yapak ng mga kabayong dumadagundong na nag sanhi na pag ka bitak bitak ng nyebe sa paligid. Dumating sa pangyayari si Zhao Che kasama ang mga tropa galing sa Xiao Qi Camp. Gayunpaman bago sila makakurap sa nangyayari ay nag panic na sila at na multa ang mga mukha.

Napasi mangot si Zhao Che T sumigaw habang na sa tuktok ng kabayo, "Chu Qiao! Anong ginagawa mo?"

Itinigil ni Chu Qiao ang ginagawa. ang lalaki naman ay may mga sugat at nahihilo nang tumingin. Ang mga mata nito ay namamaga at ang iba ay nag tataka kung nakikita nito ang nasaharapan nito.

Disididomg umalis sa kabayo si Zhao Che at mahahabang humakbang palapit. Yumuko siya sa taong nakahilata sa lapag. At nag salita, "Your highness, hindi ko masyadong napag sabihan ang mga tauhan ko. Patawad kung na saktan kayo." Pagkatapos ng salita hinablot niya si Ch Qiao sa braso at hiniwalay sa lalaki at nilapit siya.

Natigilan si Chu Qiao. Tumingin siya sa mga sugo ng Tang Prince nito nag sisi iyakan sa gild at parang nawalan. To lang ba ang nag iisang anak ng Tang Emperor, Li Ce? Malibog na tao at ng Prince kung anong gusto ay makukuha?

Nawaaln na siyang maisip. Naisip ni Chu Qiao na nasa malaki siyang problema, malaking gulo.

Maraming bagay na pinag aalahan siya. Patayin ang Prince ng Tang Empire? Nakiki pag sabwatan para sirain ang relasyon ng dalawang imperyo? Hindi pagsunod sa utos ng mga nakakataas? Kahit anong kaso na gagawin siyang nagkasala ay sapat para iutos na patayin siya. Kahit kailan ay hindi siya nagpadalos-dalos dati sa puntong hindi niya inisip ang maaaring kahinatnan noon. Anong nangyaring mali? Bakit umakto siya na parang nasaniban siya?

Hindi siya nagtangkang tumingin kay Zhao Che. Ang usapan ng ilang babae sa kabilang parte ay malakas na para sirain ang bubong ng tolda. Tumayo siya sa likod ni Zhao Che at iniisip kung anong mga nangyari. Subalit, hindi siya makahanap ng kahit anong dahilan para ipagtanggol ang sarili. Umaasa nalang siya na hindi maaapektuhan ng insidenteng ito si Yan Xun, o kaya ay kukunin niya ang sisi sa sarili niya.

"Tapos na ba ang ilan sa inyo?" isang malamig at malalim na boses ang biglang narinig. Natigilan ang ilang mga babae. Nakasuot ng baluti si Zhao Che mula ulo hanggang paa. Ang kanyang tingin ay matigas at matalas siyang tumingin sa ilan sa kanila, malinaw na sinasabi, "Kung tapos na kayo, alis na!"

"Ikaw!" isang babae na nakasuot ng dilaw ang tumiro kay Zhao Che at nagsalita. Ngunit pinigilan siya ng isa pang babae na medyo mas matanda sa kanya. "Xiao E, huwag kang maging lapastangan sa Seventh Royal Highness."

"Sister Fu..."

"Dahil abala ang kamahalan, hindi na kami makikigulo. Subalit, hindi namin ito papalagpasin kaagad. Nagpadala na kami ng mensahero sa Zhen Huang para mapag-usapan ang bagay na ito. Para naman sa babaeng ito," nagtagal ang mata ng babae kay Chu Qiao. "Dahil ayaw siyang ibigay ng kamahalan, wala kaming magagawa tungkol doon. Paalam." Pagkatapos, tumalikod na siya at iniwan ang tolda. Sumunod din ang ibang babae na nangungutya.

Tahimik na tumayo si Zhao Che sa tolda. Tumingin siya sa kurtinang ginagalaw ng hangin at nanatiling tahimik sa mahabang sandali.

Tumayo sa likod niya si Chu Qiao na hindi makita ang kanyang ekspresyon ngunit kayang maisip kung gaano siya ka galit. Para kay Zhao Che, ang pinaka ayos na solusyon ay patayin ang rebeldeng babaeng ito dito mismo kaysa ibigay siya sa korte. Subalit, tumanggi siyang ibigay siya sa imperyo ng Tang. Bakit ganoon? Nangako sa sarili si Chu Qiao na kung susuntukin siya sa oras na iyon ay hindi siya papalag.

Bigla, gumalaw ang likod ni Zhao Che. Para bang pinipigilan niya kung anong gusto niyang sabihin. Tumutulo ang pawis sa noo ni Chu Qiao at ang kanyang palad ay basang-basa. Anong balak niyang gawin? Tinatangka ba niyang gamitin ang oportyunidad na ito para makipag-alitan? Laging tinatangka ng Emperor na humanap ng mali kay Yan Xun at isa itong perpektong oprtyunidad para iligpit siya. siya ba ang magiging dahilan para mangyari iyon? Napaka malas ba niya para gumawa ng napakalaking gulo gayong kakapasok pa lang niya sa Xiao Qi Camp? Kinuyom niya ang mga kamao at wala sa isip na pinakiramdaman ang patalim sa kanyang hita.

Tumalikod si Zhao Che na may ibang itsura sa kanyang mukha. Tumingin siya kay Chu Qiao na may kalakasan sa kanyang mga mata. Bigla, bumuka ang kanyang bibig tapos....

"Hahahahaha!" isang sumasabog na tawa ang umalingawngaw mula sa kanyang bibig. Biglang pumasok si Deputy Commander Cheng at ang ibang pang humahawak sa Xiao Qi Camp na nakikitawa din.

Inilagay ni Zhao Che ang kamay sa balikat ng babae. Binigyan niya ito ng thumbsup at nagsalita, "Magaling! Magandang gawa!"

Anong nangyayari? Panandaliang natigilan si Chu Qiao, ang mga mata ay nanlalaki.

"Li Ce, ang batang ito, ay dapat matagal nang naturuan ng leksyon."

"Prinsipe ng imperyo ng Tang? Kung umasta siya parang babae, nakasuot ng pula at berde buong araw. Nasusuka ako tuwing nakikita ko siya."

"Napaka problemado. Dapat ay may kumitil sa kayabangan niya."

"Bata, mabuting gawain. Kung may manggugulo man sayo, kami ang kauna-unahang susuporta sayo!"

Hindi nakapagsalita si Chu Qiao. Pagkatapos ng mahabang sandali, magaan siyang bumulong, "Kamahalan, hindi natin pwedeng hayaan nalang ang isyung ito. Kahit na hindi mahahatuan ang walang alam, binugbog ko ang prinsipe ng Tang. Isa pa, dumating siya para ipagdiwang ang kaarawan ng Emperor. Kahit na hindi makakatulong, hindi ba dapat akong humingi ng tawad sa kanya?"

"Binugbog mo siya?" itinaas ni Zhao Che ang kanyang kilay at tumingin sa mga tauhan niya at nagtanong, "Sinong nakakita noon? Nakita niyo ba lahat iyon?"

Lahat ay sabay-sabay na sumagot, "Wala kaming nakitang kahit ano."

Natigilan si Chu Qiao. Naguguluhan siyang tumingin kay Zhao Che.

Napabuntong-hininga si Zhao Che at sinabi, "Ngayon na naisip ko iyon, napaka tanga mo. Kung gusto mo siyang bugbugin, dapat ginawa mo nang walang tao."

"Tama!" lumapit si Big Beard Dong at sumingit, "kinausap na kami ng kamahalan tungkol dito. Nang papunta palang ang taong iyon, hahanap kami ng oportyunidad para isako siya at bugbugin para ilabas ang aming galit. Sisiguruhin namin na dadating siya sa Zhen Huang na may namamagang mukha. Subalit, hindi namin inaasahan na mas mabilis ka pa samin. Matagal na kaming dumating at pinanood kang bugbugin siya mula sa malayo ngunit hindi namin ipinakita ang sarili namin."

Tumingin si Chu Qiao sa mga lalaki na mga nakangiti. Naiyak siya ngunit walang luha ang tumulo.

"Wag kang mag-alala." Tinapik siya ni Zhao Che sa balikat na may katapatan. "Kahit na hindi natin nakita ang isat-isa sa nakaraan, dahil nasa ilalim ka ng pangangalaga ko ngayon, hindi kita papabayaan."

Nang dumating ang gabi, natahimik ang buong base. Ang tanging tunog na maririnig ay mula sa silangang parte na parang isang sizhu. Isa itong hindi pangkaraniwang tanawin, kung ikokonsidera na isa itong base ng militar. Nabanggit dati ni Deputy Commander Cheng na karaniwan itong ginagawa ng prinsipe ng Tang—na hindi siya makakatulog hanggang walang kanta. Ngayon, pagkatapos ng nangyari, mas naging taimtim ang tunog. Isa itong simbolo ng pagkawala ng kabataan ng katulong sa palasyo.

Umupo sa manyebeng burol si Chu Qiao, na pinaglalaruan ang kanyang mahabang espada. Sa malawak na manyebeng kapatagan, hindi mabilang na makinang na liwanag ang makikita sa kalangitan. Ang maliwanag ng sinag ng buwan ay sumalamin sa lupa. Katahimikan ang bumalot sa kampo, paminsan-minsan na hinihinto ng mga gwardyang pumapatrolya. Ang katotohanan na hindi isang lugar ng labanan ito ay ginawang mas mahinahon.

Magaan na napabuntong-hininga si Chu Qiao. "Walang espesyal tungkol sa maliliwanag na ilaw."

Isang malutong na tunog ang biglang narinig. Tumungo si Chu Qiao at tumingin sa mahalagang espada na hindi nailabas sa lalagyan nito nang mapagtantong doon nanggaling ang tunog. Bahagya siyang napasimangot at inilabas ito. Kakaiba ang pagkakagawa ng esapda. May apat na dangkal ang haba nito. Mayroon itong greenish-white na katawan na nasasamahan ng malabong madilim na pulang ukit. Sa unang tingin, maiisip ng isa na ang mga ukit na iyon ay dugo na hindi pa natutuyo.

"Napaka gandang espada!" isang singhap ng puri ang narinig mula sa likuran.

Lumingon si Chu Qiao para makita si Zhao Che na paakyat na manyebeng burol. Nakasuot siya ng itim na roba. Lumapit ito sa kanya at umupo sa tabi niya. "Anong pangalan niyan?" tanong nito.

Pansamantalang natigilan si Chu Qiao. Iniling niya ang ulo at sumagot, "hindi ko alam."

"Paanong hindi mo alam ang pangalan ng espada mo?"

"Hindi akin ang espadang ito."

Napatango si Zhao Che at hindi na nagtanong pa. May hawak siyang lalagyan sa kanyang kanang kamay. Pataas niyang inanggulo ang kanyang ulo at uminom mula dito, tapos ay inabot kay Chu Qiao.

Nächstes Kapitel