webnovel

Ang Disenyo Niya

Redakteur: LiberReverieGroup

"Maaaring talikuran na ako ng lahat pero hindi siya. Hindi ako naniniwalang magagawa niya ito sa akin, hindi ako naniniwala dito…"

Mariing iniiling ni He Lan Yuan ang kanyang ulo. Gayunpaman, kahit gaano pa niya piliting lokohin ang sarili, hindi niya mapigilan na manginig. Ang malaman na ipinagkanulo siya ni Xia Wa ay agad na nakaapekto sa kanyang kalusugan.

"Hindi na mahalaga kung naniniwala ka o hindi; sinasabi ko sa iyo na wala siyang pakialam sa lahat ng ibinigay mo sa kanya, dahil hindi iyon ang mga bagay na gusto niya. Ipinilit mo ang mga ito sa kanya, at hindi mo na siya magagawang kontrolin pang muli."

Hindi na gusto pa ni Xinghe na manatili sa iisang lugar na kasama ito, kaya naman tumalikod na siya para umalis matapos niyang sabihin ang nasa isip niya. Gayunpaman, habang nakakaisang hakbang pa lamang siya, biglang tumawa si He Lan Yuan. Ang mga tawa nito ay punung-puno ng walang tigil na galak. Napaharap si Xinghe dito para tingnan ito ng may pagtataka.

Matapos kumalma ni He Lan Yuan, inalis nito ang ngisi nito para tingnan siya at malinaw na sinabi, "Pero siya ang nagdisenyo ng Project Galaxy."

Nanlaki ang mga mata ni Xinghe sa pagkabigla.

Gamit ang impormasyong nakalap mula kay Shi Jian at sa iba pa, may kaunti nang kaalaman si Xinghe tungkol sa Project Galaxy. Ang proyektong ito ay tumutukoy sa limang daang satellite na nasa kalawakan na nakapalibot sa Earth; isa itong proyekto ng isang baliw na ang layunin ay wasakin ang mundo.

Ang proyektong ito ay maraming nakaugnay na pwersa, at maraming trahedya ang nangyari dahil sa proyektong ito. Kaya naman, talagang nagulat si Xinghe nang malaman niya na ang pinakautak sa likod ng walang pusong proyektong ito ay ang sarili niyang ina. Paano ito naging posible?

Gayunpaman, kahit na paniwalaan siya ni Xinghe o Hindi, alam niyang hindi nagsisinungaling si He Lan Yuan sa kanya, wala itong dahilan para gawin ito. Nagsasabi ito ng totoo; ang proyekto ay disenyo ng kanyang ina kung hindi ay maraming bagay doon ang hindi maipapaliwanag.

Nagawa nitong makatakas at higit ang kakayahan para ibunyag at pigilan si He Lan Yuan, kaya bakit hindi nito iyon ginawa?

Isa pa, bakit siya pinangalanan nitong Xia Xinghe. Alam niya ang tungkol sa Project Galaxy at ginamit ito bilang kapangalan ni Xinghe, hindi ba masyado naman siyang halata dito?

Hindi rin malilimutan ang katotohanan na hindi ito nagsalita ng anuman tungkol sa tunay nitong pangalan at katauhan. Mula sa lahat ng ebidensiyang ito, malinaw na marami itong itinatagong impormasyon mula sa kanila. Ang proyektong ito ay kagagawan lamang nito. Tanging siya ang makakaisip ng proyekto at gawin ito ng totohanan… pero hindi maintindihan ni Xinghe kung bakit.

Ang mga spaceship sa base ay may mga advance na disenyo. Kahit na naglalakbay sila sa kalawakan, wala silang nararamdamang pag-uga o pagliko. Ang gravity sa loob ng spaceship ay maaaring pakialaman gamit ang system sa spaceship ayon sa sitwasyon ng kanilang paglipad. Kaya naman, habang nakatayo doon, pakiramdam ni Xinghe at ng iba pa na sila ay naglalakbay sa isang mabilis at maayos na tren.

Habang nakatayo sa tabi ng bintana, nakatitig sa malawak na kalawakan si Xinghe, pero ang lawak ay hindi masasalamin sa kalooban niya. Ang pagyayabang at weirdong mukha ni He Lan Yuan nang sabihin nito ang pangungusap na iyon ay patuloy na gumugulo sa kanyang isipan. Malaki ang dala nitong gulo sa kanyang isip kahit na wala siyang ideya kung bakit.

Dahil ba sa alam niyang ang kanyang ina ang nagdisenyo ng Project Galaxy?

Ito ang nagdisenyo ng Project Galaxy at nagpunta siya para sirain ito… ano ang punto ng lahat ng ito?

Ito ba ay dahil sa nagsisisi ito na naisip ang proyekto at ninais nitong pigilan ito?

Kahit na labing tatlong taon na ang nakalipas mula nang makita ni Xinghe ang kanyang ina, ang alaala niya dito ay tila sariwa pa. Naaalala pa niya ang impresyon na iniwan sa kanya ng kanyang ina na tila kahapon lamang ito nangyari.

Nächstes Kapitel