webnovel

Ang Hirap Niya

Redakteur: LiberReverieGroup

Kahit na ang sitwasyon ay mapanganib at nakakataranta, ang atraksiyon niya tungo dito ay hindi nababawasan, kung anupaman, mas lalo nga itong tumitindi at lumalakas. Kung posible, handa siyang gugulin ang natitira pang labi ng buhay niya na nakatingin dito.

Si Xinghe, sa kanyang parte, ay hindi alam na patuloy na pinagmamasdan siya ni Mubai. Wala siyang alam na, habang natatagalan siya sa pagpopokus sa paglutas ng problema, tahimik na pinagmamasdan naman siya ni Mubai.

Matapos ang may katagalan, si Xinghe na nasa malalim na pag-iisip ay biglang napahiyaw sa pinipigil na kasiyahan, "Alam ko na!"

Lumingon siya para tumingin kay Mubai at hinablot ang braso nito sa sobrang kasabikan, "Nadiskubre ko na ang relasyon nila! Mubai, alam ko na!"

Ang maiitim na mata ng lalaki ay may kislap sa mga ito. Ang labi nito ay kumurba para magpakita ng bahagyang ngiti at sinabi, "Talaga? Alam kong magagaw mo ito."

"Oo, nalaman ko na ang kaugnayan nila. Alam mo ba kung ano ito? Sigurado akong masosorpresa ka. Kahit ako ay hindi ko naisip na ang relasyon nila ay katulad nito. Sila ay…"

Nanlaki ang mga mata ni Xinghe sa pagkagulat dahil ang mukha ng lalaki ay biglang nasa kanyang harapan. Hindi niya inaasahan ang biglaang halik. Para maging patas, hindi alam ni Mubai na gagawin niya ito, pero sa sandaling iyon, hindi na niya makontrol ang nararamdaman niya. Hindi na niya makontrol ang sarili at dahil sa udyok ng damdamin, humilig siya paabante para halikan ito.

Habang hinahaplos ang mukha ni Xinghe, marubdob siyang hinahalikan ni Mubai habang may kaunting pagpipigil sa parte nito. Habang nilalanghap ang kakaibang amoy nito, ang kaba sa puso niya ay lalong tumindi. Gayunpaman, naiintindihan niya na hindi ito ang oras para sumuko sa simbuyo ng kanyang damdamin.

Matapos ang marubdob na halik, napipilitan siyang pinakawalan ni Mubai. Ang mundo ni Xinghe ay umiikot mula sa biglaang halik. Nakahilig sila sa isa't isa nang magkadaiti ang kanilang mga noo. Pareho nilang tiningnan ang mga ng isa't isa at ang dalawa ay hindi nais na masira ang sandaling iyon.

Pinaglandas ni Mubai ang kanyang daliri sa baba nito at sinabi sa isang nakakaakit na ungol, "Pagkatapos ng lahat ng ito, papakasalan mo ba akong muli?'

Tumango si Xinghe ng may ngiti. "I will."

Wala naman na siyang isyu sa muling pagpapakasal. Rumesponde ng may ngiti si Mubai at nagpatuloy na hagkan siya. Sa sandaling ito, rumesponde si Xinghe sa pamamamagitan ng pagtugon ng halik nito. Dahil dito ay hinablot siya ni Mubai sa kanyang mga braso at hinila siya para yakapin. Tinapos nito ang halik. Ang ulo niya na nakahilig sa dibdib nito, napakurap sa kalituhan si Xinghe.

Ang walang-magawang tinig ng lalaki ay nagmula sa itaas ng kanyang ulo. "Tumigil na muna tayo dito kung hindi ay baka hindi na ako makapagpigil pa."

Gayunpaman, ang malalalim na hinga nito ay nagpatuloy at ang higpit ng yakap nito ay hindi nagbabago. Hindi na kailangan pang sabihin, pero alam ni Xinghe kung gaano kahirap na pinipigilan nito ang sarili. Hindi niya maiwasan kundi tumawa. Tinanong niya ito para maiba ang atensiyon, "Hindi mo ba gustong malaman ang sagot sa tanong na ibinigay ko sa iyo kanina?"

"Ano ba iyon?" Tanong ni Mubai.

Umalis si Xinghe sa pagkakayakap dito at direktang sinabi, "Kung hindi ako nagkakamali, ang defense system sa mga computer na ito ay disenyo ng aking ina."

Naiba nga ang atensiyon nito at napasinghap sa pagkagulat si Mubai. "Paano mo narating ang kongklusyon na iyan?"

"Dahil ang design theory ay katulad ng mga iniwan niya dito sa kanyang mga blueprint," ipinagpatuloy ni Xinghe ang kanyang pagsusuri. "Tingnan mo ang mga defense system na mga ito, nakatali sila pareho hindi ba?'

Tumango si Mubai. "Oo, parang ganoon na nga."

Ito ay dahil ang system ng mga supercomputer ay masyadong mahirap ang pagkakaugnay na kung saan ang isang pagkakamali ay magpapabagsak sa buong sistema kaya naman mahirap lutasin ang problemang ito. Pero ano naman ang kinalaman nito sa design theory ng human simulation robot?

Nächstes Kapitel