webnovel

Mga Pagbabago!

Redakteur: LiberReverieGroup

Pero ngayon, tila ba hindi na sila nalalayo sa katotohanan. Natagpuan nila ang isang launch site, mahirap ba talagang tanggapin ang hypothesis?

Ang tanong na nananatili, ano ang ginagawa nila sa kalawakan?!

"Kumilos na tayo, kailangan kong magpunta sa observatory para makita kung ano ang nangyayari doon sa itaas," biglang sambit ni Xinghe.

Sinuportahan ni Mubai ang ideya niya na may kabaliwan. "Okay, pumunta na tayo ngayon."

Nagulat si Ee Chen. "Kayong dalawa, iniisip ba talaga ninyo na may mga tao doon?"

"Sigurado na mayroon," buong tiwalang sambit ni Xinghe. Ang balangkas ay patungo na sa landas na ito at wala nang makakapigil dito pero…

"Ang mga enerhiyang kristal na ito ay sapat bang talaga para maipadala ang mga tao sa kalawakan?" Tanong ni Ee Chen ng hindi makapaniwala.

:Malalaman natin pagkatapos natin pumunta at tingnan." Binuksan ni Xinghe ang pinto at lumabas na. Hindi na niya gustong mag-aksaya ng oras sa usapan; isa siyang babae ng aksiyon. Tinulungan siya ni Mubai na kontakin si Chui Qian. Sinabihan niya ito ng kanilang ideya, at kahit na nabigla si Chui Qian, pinili nitong suportahan sila. Maaari naman kasi silang may makita doon.

Isa pa, may naisip din si CHui Qian. Sinabi niya kay Xinghe, na ilang dekada na ang nakakalipas, ang He Lan family ay nagkaroon ng isang henyo; ito ang tumulong sa disenyo ng satellite at naging dahilan kung bakit nagawa ng Country R na maipadala ang una nitong satellite sa kalawakan. Ang indibidwal na iyon ay nagsasagawa ng pananaliksik sa launch base mula noon, pero matapos ang ilang taon, nawala ito ng walang pasabi. May mga usapan na namatay ito.

Sigurado si Chui Qian na ang taong ito ay maraming kinalaman sa conspiracy ng He Lan family. Kaya naman, marahil, ay talagang may ginawa sila sa kalawakan.

Matapos na marinig ni XInghe si CHui Qian, may mabigat siyang naramdaman. Nagmamadali siyang pumunta sa observatory. Ang mga tao sa observatory ay nasabihan na ng kanilang pagdating at agad silang dinala sa space observatory pagkadating nila.

"Inoobserbahan namin ang kalawakan ng marami nang taon pero wala namang kakaiba. Ang mga kakaibang naitala namin ay natural na lahat. Kaya naman, kung may anumang isyu, dapat ay nadiskubre na namin ito," ang manager sa observatory ay sinabi ito sa grupo ni Xinghe. Tumingin si Xinghe sa magandang kalangitan ng gabi sa screen at hindi na tumugon.

Nagtanong si Mubai sa manager, "Wala bang mga kakaibang pangyayari sa mga nakaraang dekada?"

"Dapat ay wala, pero wala naman nakita sa sampung taon na nagtatrabaho ako dito."

"Kung ganoon ay ilang satellite na ang nailunsad ng Country R sa mga nakalipas na taon?" Tanong ni Mubai.

"Siguro ay may ilang daan na din."

"Itinatala ba ninyo ang bawat isa sa mga ito kapag inilulunsad?"

"Oo, pero tumigil na kaming sundan sila matapos na makapasok na sila sa orbit. Tulad ng pagkakaalam ninyo, napakaraming satellite sa kalangitan, mahirap para sa amin na tingnan ang lahat sa kanila."

"Ano naman ang tungkol sa sariling satellite ng He Lan family? Tinitingnan ba din ninyo ang mga ito paminsan-minsan?"

"Oo, at wala namang kakaiba sa kanila…"

Ipinagpatuloy ni Mubai ang sunud-sunod na mga tanong pero wala siyang nakita. Pinag-aaralan nina Xinghe at Ee Chen ang kalangitan ng maigi at wala din silang nakitang kakaiba. Ang ibig sabihin ba nito ay walang kaduda-duda tungkol sa mga launch sites?

Imposible dahil ang He Lan family ay siguradong may pinaplano. Kaya naman, ang mga satellite nila ay hindi lamang may dalang problema, iyon lang ay hindi lang nila malaman kung ano ito. Habang nag-iisip sila, biglang napagtanto ni Xinghe na may mga pagbabago sa mga satellite sa kalangitan!

Nächstes Kapitel