webnovel

Mamatay na Kayong Pareho

Redakteur: LiberReverieGroup

Palihim na tumawa si He Bin. Pwede siyang patayin ni He Lan Qi sapagkat hindi naman ito isang uri ng pagpatay sa kapatid, pero kung gusto niyang ibalik pabor, malupit na iyon?

Pagkaraan ay naunawaan na din ni He Bin, para sa kanyang ama, ang tanging kinikilala niyang anak ay si He Lan Qi.

Walang ekspresyong sinabi ni He Bin, "Father, anuman ang sabihin mo ngayon, wala na itong kwenta. Mayroon ka lamang dalawang pagpipilian, ang isa ay papatayin ko kayong dalawa at tiyakin ang aking sariling kaligtasan, o abandonahin mo si He Lan Qi at gawin mo akong nag-iisang anak mo. Bilisan mo ang pagdedesisyon, hindi ako maghihintay ng maghapon."

Nagalit si He Lan Chang. "Kinakailangan ba talagang bigyan mo ako ng ganyang uri ng pagpipilian? Pareho ko kayong anak, ako…"

"Mamili ka na!" mahigpit na paghingi ni He Bin ng sagot, ayaw na niyang makarinig ng mga walang kwentang bagay. "Kung hindi ka makagawa ng pagpapasya, papatayin na lang kita ngayon at tatapusin ko na lang ang paghihirap mo!"

Nagulat si He Lan Chang, nagbago ang kanyang mukha. Ito ay dahil nakita niya ang intensiyong pumatay sa mga mata ni He Bin. Hindi talaga siya binigo ng assassin na anak niyang ito; walang paraan na maaari kang umapila sa kanyang puso, ito ay dahil sa tinanggal na ito habang siya ay nagsasanay nitong mga nakalipas na taon.

Kung alam lang niya na darating ang araw na ito, sana ay sinakal na niya ito noong araw na ipinanganak ito!

Kung posible nga lang, hindi siyang mag-aatubili na patayin ito. Gayunpaman, iyon ay imposible nang mangyari, ito ay dahil sila na ngayon ang bihag nito.

Itinago ni He Lan Chang ang kasamaan sa kanyang mga mata at ipinikit ang kanyang mga mata upang bumuntong-hininga. "Hindi kita natrato ng mabuti nitong mga nakaraang taon, kaya hindi ko pwedeng hayaan ang aking sarili na gawin iyon muli. Anak, kung gusto mo talaga akong mamili, ikaw ang pipiliin ko, pero nagmamakaawa ako sa iyo na huwag mong patayin ang iyong kapatid. Pwede mo siyang paghigantihan hangga't gusto mo pero hayaan mo siyang mabuhay."

Ang talumpati ni He Lan Chang ay puno ng emosyon, nalulungkot, at walang magawa. Ito ay parang napakahirap nito para sa kanya at siya ay isang mapagmahal na ama na hindi kayang mawala ang kahit na isa sa kanyang mga anak.

Pero gagawin ba talaga ng isang totoong mapagmahal na ama ang kanyang naging pasya? Isasakripisyo ang kanyang sariling anak para iligtas ang kanyang sarili?

Mabuti na lamang, nakita na ni He Bin ang kawalang awa at kasuklam-suklam na ugali nito. Kung magpapatuloy siya sa paniniwala sa matatamis nitong salita, kung gayon siya na talaga ang pinakahangal na tao na nabubuhay.

Walang emosyon na tinanong ni He Bin at pinilit si He Lan Chang na sabihin ng malinaw ang kanyang desisyon, "Kung gayon ang pasya mo ay ang patayin ko si He Lan Qi?"

Nang marinig ni He Lan Chang na ipinapahayag ng malakas ang kanyang pasya, ang natatagong galit sa kanyang mga mata ay muli na namang nagpakita.

"… tama iyon dahil sa hindi ko pwedeng ipagpatuloy ang biguin ka pa," sabi ni He Lan Chang habang nagngingitngit, pero sa parehong pagkakataon, ipinapangako niya sa kanyang sarili na pagpipira-pirasuhin niya ang walang kwenta niyang anak na ito kapag nagkaroon siya ng pagkakataon!

Biglang tumawa si He Bin.

Iminulat ni He Lan Chang ang kanyang mga mata at gulat na tiningnan si He Bin. "Ano ang pinagtatawanan mo?"

Ang tawa ni He Bin ay unti-unting naglaho at naging malungkot na ngiti na lamang. Tinitigan niya si He Lan Chang na para bang ang kaharap niya ay isang hangal, "Ano ang pinagtatawanan ko? Tinatawanan kita! Ikaw ay lubha talagang walang puso, nakaya mong abandonahin ang pinaka-iingatan mong si He Lan Qi, sa palagay mo na ganoon na lamang ako kahangal para paniwalaan ang isang tao na tulad mo?"

"Ikaw…" nanginginig na sa galit si He Lan Chang. Pinaglalaruan lamang siya ng walang kwentang ito!

Ang katotohanan na nagpapanggap si He Lan Chang na mapagmahal na ama para sa kanilang kasiyahan ay lalong nakapasiklab ng kanyang galit! Nakaramdam siya kahihiyahan mula sa paglalaro sa kanya ni He Bin na para bang isa siyang ganap na hangal.

"He Bin, ano ba ang gusto mo? Ikaw ang pumilit sa akin na gumawa ng desisyon, hindi ba?" galit na sabi ni He Lan Chang na para bang binigo siya ni He Bin. Kahit na mga oras na tulad nito, ginagampanan pa rin niya ang kanyang papel.

Napagtanto na din sa wakas ni He Bin na wala na talaga siyang nararamdaman na anumang emosyon pagdating sa lalaking ito. Ayaw na niyang gugulin pa ang ilang segundo ng kanyang buhay na kasama ito; nasusuka siya sa pag-iisip nito.

"Sinusubok lamang kita para sa sarili kong kasiyahan. Sa totoo lang, wala naman talagang pagpipilian noong una pa lang dahil pareho kayong dalawa ni He Lan Qi na kinakailangang mamatay!" tiningnan ni He Bin ng masama ang mga mat ani He Lan Ching at sinabi ito sa isang matapang na paraan.

Nanlaki ang mga mata ni He Lan Chang—

Nächstes Kapitel