Ang Chui family ay nasabihan ng katotohanan na si Chui Ying ay kinalaban ang Shen family. Ang presidente ay personal na sinabihan sila nito at sa isang tono ng isang kaibigan, ay iminungkahi na sasamahan siya pauwi ng mga tauhan niya. Alam ng Chui family na isa itong dahilan para lamang ideport si Chui Ying. Wala silang isyu dito. Ayaw sana ni Chui Ying, pero wala siyang magagawa.
Ang dahilan sa pagpapabalik kay He Bin ay naisaayos na din. Ang opisyal na nakatala ay nadetena siya sa airport dahil sa kaduda-duda nitong pagkilos. Hindi din ito nakikipagtulungan habang nasa ilalim ng imbestigasyon, kaya naman wala silang magawa kundi ang ideport ito pabalik sa Country R. Walang nabanggit na koneksiyon niya sa He Lan family. Ito ay para bigyan ng impresyon si He Lan Chang na nasa kontrol pa din niya ito.
Na kay He Bin na ito kung magiging malinis siya sa kanyang pagbalik. Hindi natatakot si Xinghe na sasabihin nito kay He Lan Chang ang lahat, pero naniniwala siya na hindi nito ito gagawin, hindi agad-agad dahil personal niyang kinausap ito tungkol dito.
"Hindi natin ibubunyag ang katotohanan na nalantad ka na sa He Lan family, kaya maaari ka nang bumalik ng walang dapat ikatakot. Siyempre, kung gusto mong bumalik ng malinis kay He Lan Chang, ayos lang naman din sa amin dahil nagpaplano naman din kaming kalabanin sila. Gayunpaman, pinapayuhan kita na mag-isip ng maigi bago gawin iyon, dahil sino ang makakapagsabi, maaaring makipagtulungan ka sa amin sa hinaharap," sabi ni Xinghe sa kanya sa isang paraan na may kahulugan.
Ang bibig ni He Bin ay naging isang manipis na linya. Wala siyang sinabi na kahit na anong salita at ang mukha niya ay hindi mabasa.
Hindi na nagtagal pa si Xinghe para hintayin ang kanyang sagot. Pinaalalahanan niya ito bago siya umalis, "Isang bagay pa, kailangan mong maging maingat dahil sa pagtatago ng katotohanan sa kanila ay magdadala sa iyo sa panganib. Siguradong magdududa sa iyo si He Lan Chang sa dahilang agad kang nadeport. Kapag nagduda siya na tumalikod sa kanya at kumampi sa amin, ay hindi ka niya patatawarin. Siyempre, desisyon mo na iyon kung ano ang gagawin mo."
"Hindi ka ba natatakot nasasabihin ko sa kanila ang lahat sa sandaling bumalik ako?" Biglang tanong ni He Bin ng pabulong.
Bahagyang ngumiti si Xinghe. "Kahit na wala kang sabihin sa kanila, ay mahuhulaan na nila ito. Ngayon, ang away namin sa kanila ay nadala na sa labas. Siyempre, duda ako na hahabulin nila ako ng kaharap ang puliko, pero sa kabilang banda, sa tingin ko ay hindi nila iisipin na ipapatay nila ako."
Noon napagtanto ni He Bin kung ano'ng klase ng tauhan ang dala ni Xinghe. Bumibisita siya sa Country R bilang isang kapita-pitagang panauhin. Kapag may nangyari sa kanya sa Country R, magiging isa itong internasyonal na sakuna. Mas mahirap pa na saktan siya sa Hwa Xia. Kahit gaano pa kaimpluwensiya ang He Lan family, ang gumawa ng kahit ano sa Hwa Xia ay mahirap, lalo na kung ipapapatay siya.
Kaya naman pala ay hindi siya natatakot. Isa pa, ang babaeng ito ay kayang harapin ang He Lan family ng sarili niya; maingat siya, maabilidad, at matapang. Hindi siya natatakot kahit kaunti sa He Lan family. Sa ibang kadahilanan, biglang lumitaw sa isip ni He Bin na marahil ay kamalasan ng He Lan family na nakalaban nila ito.
"Hindi pa tayo dumadating sa Country R, kaya may oras ka pa para mag-isip. Nasa desisyon mo na kung pipiliin mong makipagtulungan sa amin o sumugal ng sarili mo. Pag-isipan mo ng maigi at bigyan mo ako ng sagot bago tayo lumapag." Iniwanan ni Xinghe mahalagang paalala na ito sa kanya.
Sa bandang huli, ang sagot ni He Bin ay hindi nabago. Tumanggi pa din itong makipagtulugan sa kanila. Dahil, si He Lan Chang ay ang kanyang ama. Hanggang hindi pa malinaw sa kanya ang lahat, hindi niya ito tatraydurin ng ganoon kadali. Gayunpaman, natimo siya ng kabutihang ipinakita ni Xinghe sa kanya. Hindi siya nito inilaglag sa He Lan family, at hindi man sadya, hindi din niya gustong gawin ito dito. Marahil, magsasagawa muna siya ng sarili niyang imbestigasyon…
Sa eroplano, maliban kay He Bin, nandoon din si Chui Ying.
Ang pagtrato sa pagitan ng dalawa ay magkaiba. Si Chui Ying ay maayos ang pagkakatrato na tila isa siyang prinsesa.