webnovel

Ang Pagbabalik!

Redakteur: LiberReverieGroup

Walang bagay ang permanente. Hindi na kailangan pang mainggit sa mga nasa ituktok dahil wala kang alam kung kailan sila babagsak. Isa pa, mas matayog sila, mas malakas ang kanilang paglagapak.

Ang ilan ay natutuwa sa kanilang paghihirap. Si Lolo Xi, na ginugol ang buong buhay niya sa pulitika, ay malinaw na nababasa ang kanilang mga iniisip.

"Dad, bakit hindi ka muna umuwi para magpahinga, kakayanin ko nang harapin ito ng nag-iisa," mahinang payo ni Jiangnan kay Lolo Xi dahil natatakot siya na baka mapano ito. Ang totoo, kahit siya ay nakikita na nakakatakot na ang nagiging sitwasyon. Nakakaramdam na siya ng sobrang panggigipit mula sa mga mayayabang na tingin ng mga taong ito. Lalo lamang itong lalala kapag nagsimula na ang paglilitis.

Nauunawaan ni Lolo Xi ang iniisip nito. Dumeretso siya ng tindig at ipinahayag na, "Tandaan ninyo ito, kahit na bumagsak ang Xi family, hindi dapat mawala ang ating dangal! Ito ay wala kung ikukumpara sa mga problemang kinaharap ko noong itinatatag ko pa ang pamilyang ito mula sa ibaba. Sa tingin mo ay matatalo ako ng dahil lamang dito?"

"Siyempre hindi. Naiintindihan ko na ngayon." Nahihiyang tumango si Jiangnian. Inaamin niyang ang kanyang EQ ay mas mahina kaysa sa kanyang ama. Isa itong malaking aral para sa kanya. Mula ngayon, walang takot na niyang kakaharapin ang lahat tulad ng ginagawa ng kanyang ama.

Ang mga salita ni Lolo Xi ay narinig ni Lin Yun at Saohuang na siyang naglalakad papunta sa kanila.

Hindi maiwasan ni Lin Yun ang tumawa. "Nakakahanga talaga si Lolo Xi. Nagagawa pa ninyong magkaroon ng positibong pananaw kahit na sa oras na ito. Sana lang, magbigay ito ng swerte sa Xi family."

Malamlam na dumilim ang mga mata ni Lolo Xi sa sandaling nakita sila nito. Mariin nitong sinabi, "Isang payong kaibigan para sa inyong dalawa, mag-iingat kayo sa tinatahak ninyong landas habang kayo ay bata pa dahil maaaring hindi ninyo kayanin ang magiging kalalabasan na naghihintay sa inyo sa dulo ng inyong landas!"

Sumagot si Lin Yun ng may sarkastikong ngiti, "Salamat, Lolo Xi, sa iyong kapaki-pakinabang na payo."

"Walang anuman. Isa pa, Elder Xi ang itawag mo sa akin dahil hindi ko magagawang malunok ang kahihiyan na magkaroon ng isang apo na tulad mo," ganti ni Lolo Xi bago ito naglakad palayo.

Agad na nalukot ang mukha ni Lin Yun sa galit. "Ang ulyaning matanda na iyon ay nangahas na insultuhin ako ng ganito?!"

Tinitigan ni Saohuang ang mga likuran nito bago malamig na sumagot, "Bakit ba iintindihin mo pa ang salita ng mga mamamatay na?"

Mabilis na kumalma si Lin Yun. "Tama ka, iyon nga ang mga salita nila na mamamatay na. Sisiguraduhin kong i-record ang kanilang mga mukha ng malinaw sa aking isip kapag ibinaba na ng hukom ang kanyang hatol mamaya." Mayabang na sinabi ni Lin Yun ito at pumasok na sa husgado. Hindi nagtagal at napuno na ang hukuman. Ang atmospera ay naging mataimtim dahil isa itong korte militar.

Matapos dumating ang hukom, hiniling niya na ang nasasakdal ay ipasok na. Si Munan, na nakasuot ng simple na berdeng kamiseta, ay dinala papasok ng dalawang guwardiya ng bilangguan. Kahit na ang sitwasyon niya ay hindi maganda, kalmado ito.

Mayroon itong bahagyang ngiti sa guwapo nitong mukha na tila ba hindi siya apektado sa hatol na babagsak sa kanya.

Habang nagsisimula ang paglilitis kay Munan, sa wakas ay narating na nina Xinghe at Mubai ang lumang mansiyon.

Ang katulong ay nagmamadaling nagtungo sa sala para ipahayag na, "Master, Madam, nakabalik na si Young Master!"

Agad na napatayo sina Ginoo at Ginang Xi mula sa pagkakaupo.

"Nasaan na?" Sabik na tanong ni Jiangsan.

Pumasok na sina Mubai at Xinghe ng sumunod na segundo.

Nang makita sila ng mga ito, nagsimulang maluha ang mga mata ni Ginang Xi at ang puso naman ni Jiangsan ay napuno ng samut-saring emosyon!

Nächstes Kapitel