webnovel

Sirang mga Katawan

Redakteur: LiberReverieGroup

Sa madaling salita, kahit na ano pa ang resulta, ay puro pakinabang lamang ang mahihita ni Xinghe sa paglalakbay na kasama ang mga ito. At ganoon na lamang, sumakay na si Xinghe sa kotse ng mga ito. Habang naglalakbay sila, nagsimula na silang mag-usap. Nag-usisa sila tungkol sa katauhan ni Xinghe at nagbigay ang mga ito ng maraming tanong sa kanila, tulad ng kung saan siya nanggaling, bakit siya nandoon, at kung paano siya nahuli.

Sinagot ni Xinghe ang mga tanong na ito, pagkatapos ay siya naman ang nagtanong sa grupo na ito.

Ang madaldal na si Sam ang sumagot, "Ang grupong ito? Hindi kami terorista pero hindi din kami militar."

"Kung gayon, ano kayo?" Tanong ni Xinghe nang nakakunot ang noo.

Ngumiti si Ali. "Kami ay civilian mercenary group na pinapayagan ng bansa. Hindi sapat ang mga sundalo para pigilan ang mga riot kaya naman kailangan ng gobyerno ang tulong mula sa grupong tulad ng sa amin."

"Ang pangalan ng grupo ay SamWolf, mahuhulaan mo ba kung saan nagmula ang pangalan namin?" Tanong ni Sam ng may ngiti.

Tiningnan siya ni Xinghe at sumagot ng patanong, "Ang nagsimula ba ng grupong ito ay ikaw at si Wolf?"

Nagkunwaring nagulat si Sam. "Paano mo nalaman?"

"Hindi pa ba halata?" Pinaikot ni Ali ang kanyang mga mata. Ang tahimik at mahiyaing si Cairn ay tinitigan si Xinghe at nag-alok, "Miss Xia, kung hindi mo mamasamain, maaari kang sumali sa amin."

Si Wolf na nagmamaneho ay tumango. "Tama iyon, kailangan namin ng isang technical member at napakahusay mo doon."

"Siyempre, hindi ka namin pinipilit na sumali sa amin, saka pwede kang umalis anumang oras mo gustuhin," dagdag ni Sam, binibigyan ng kalayaan si Xinghe.

Si Ali na maganda ang impresyon kay Xinghe, ay inuudyukan ito, "Xinghe, sabihin mo na sasali ka sa amin. Kahit na hindi namin maipapangako sa iyo ang marangyang buhay, masisiguro naman namin ang kaligtasan mo sa ngayon!"

"Patuloy na lalaki ang grupong ito sa hinaharap at matapos noon, magkakaroon ka ng karangalan na ibilang ang sarili mo sa mga unang nagtaguyod ng grupo," dagdag ni Sam.

Tumango si Xinghe. "Pwede akong sumali bilang pansamantalang miyembro, pero kailangan ko ang tulong ninyo."

"Ano'ng klaseng tulong, sabihin mo sa amin," masayang sambit ni Ali.

"May kaibigan ako…" at ikinuwento na ni Xinghe ang lahat ng pangyayari doon sa eroplano. "Wala akong ideya kung buhay pa ba siya o patay na kaya kailangan ko ang tulong ninyo para malaman."

"Walang problema, tutulungan ka naming magtanong-tanong!" Pangako ni Sam na may hampas pa sa dibdib nito.

Mariing sinabi ni Xinghe na, "Sana ay magawa ito sa lalong madaling panahon dahil kailangan ko siyang mahanap agad. Siyempre hindi naman isyu ang salapi, ako na ang bahala doon."

Pinag-isipan ito ni Sam at sinabi, "Kailangan din talaga nito ng pera pero hindi ka namin lolokohin dahil ang karamihan sa pera ay gagamitin para langisan ang palad ng iba."

"Gaano kalaki ang kailangan?" Direktang tanong Xinghe.

"Hindi ko masabi, maaaring hindi masyadong mahalaga ang pera sa ngayon. Maaaring kailangan mong pumunta sa ibang lugar para ipalit ito ng gintong bareta muna."

"Kung gayon ay tayo na."

Nagmamadali na si Xinghe na mahanap si Mubai. Tulad ng mga lalaking may isang salita, nagsimulang tumawag ng tulong sina Sam at ang iba pa sa kotse, gayunpaman ang sagot na natanggap nila ay iisa. Ang eroplano ay talagang sumabog, alam ito ng lahat, at ang pinagbagsakan ay puno ng mga wasak na bagay.

Ang mga katawang natagpuan doon ay hindi na din makilala. Isa pa, ang bagay na ito ay madalas mangyari sa kanilang bansa kaya naman ginagawa ng gobyerno ang lahat para makilala ang mga katawan.

Nächstes Kapitel