webnovel

Parang Isang Biro

Redakteur: LiberReverieGroup

"Sumusumpa ako, tutulungan kitang alisin sa likuran mo ang Xi Empire," buong kumpiyansang pangako ni Xinghe.

Napakalma na si Ye Shen. "Sige, pero kailangan mong makipagtulungan sa akin. Dahil ayokong mamatay dito kung dumating na ang katapusan ng mundo."

"Kung mabubuhay ka hanggang doon, sige, ayos lamang sa akin na makipagtulungan sa iyo. Pero siyempre, iyon ay kung hindi ka nagsisinungaling sa akin."

Sa ibang kadahilanan, tinanggap ni Ye Shen ang lahat ng sinabi niya kahit na walang ebidensiya. Pero ano pa nga ba ang pagpipilian niya? Umaasa lamang siya sa awa nito. Kailangan niya ang tulong nito na makalabas dito para sa darating na katapusan sa dadating na labinglimang taon. Maaaring pulubi pa siya kapag lumabas siya, pero mabuti na iyon kaysa mabulok sa loob ng bilangguan.

Bukod pa doon…

May sarili siyang plano.

Matapos makuha ni Ye Shen ang berbal na pangako ni Xinghe, nakipagtulungan ito at isiniwalat ang lahat ng alam niya.

"Ang itim na kahita na iyon ay isang enerhiyang kristal," pagtatama nito sa kanya.

Halatang nagulat si Xinghe. "Ano'ng kristal na enerhiya?"

Napangiti si Ye Shen sapagkat nagawa niyang malusutan ang mga depensa nito. "Ang enerhiyang kristal na ito ay ginagamit para mapagana ang spaceship. Kapag wala ito, hindi tayo makakatakas mula sa Earth."

Naningkit ang mga mata ni Xinghe sa kanya. "Ano ang kinalaman nito sa Project Galaxy?"

"Mabilis kang makaunawa, agad mong nai-konekta ito," nanghihinang bumuntung-hininga si Ye Shen. Matapos na magsalita ng matagal, nakakaramdam na siya ng sobrang pagod. "Hindi ko alam kung ano ang mga eksaktong plano pero base sa pangalan nito, ang pusta ko ay ang layunin ng proyektong ito ay ang makaalis sa Earth at makahanap ng ibang planeta para tirahan, sang-ayon ka ba dito?"

Tahimik na nag-iisip si Xinghe. Ito ba talaga ang punto ng Project Galaxy?

"Ano ang kinalaman nito sa mga magulang natin?"

Umismid si Ye Shen sneered sa kanya. "Kakapuri ko pa lamang sa katalinuhan mo at ngayon ay nagtatanong ka ng estupidong tanong. Dahil nahulaan na nila ang katapusan ng mundo, siyempre, kailangan nilang maghanda para dito. Ang Project Galaxy ay isang planong ginawa ng mga taong gustong makatakas sa Earth."

"Ganoon ba? Kung gayon nasaan na ang mga taong iyon?" ganti ni Xinghe.

"Pumunta na sa kalawakan, halata naman! Matagal ng nasimulan ang Project Galaxy kaya naman siguro ay nakaalis na sila. Sa ibang kadahilanan, hindi nila tayo isinama sa kanila kaya iniwanan nila sa kanilang mga anak ang mga enerhiyang kristal na ito. Gamit ang mga kristal na ito, magagawa nating makatakas kapag dumating na ang katapusan ng mundo."

"Nasaan naman ang spaceship? Paanong posible na makakatakas tayo ng gamit lamang ang mga enerhiyang kristal na ito at hindi ang spaceship?"

"Wala akong ideya kung nasaan ito ngayon, pero sigurado ako na may nakakaalam ng impormasyon tungkol sa spaceship, at doon ka papasok." Ito ang plano ni Ye Shen.

Masuyong ngumiti siya kay Xinghe. "Xia Meng, ang responsibilidad para makuha ang iba pang enerhiyang kristal at ang spaceship ay maiiwan sa iyong mga kamay. Siyempre kung hindi ako napipiit dito at wala ka namang ibang gagawin, baka sakaling matulungan kita sa problemang ito."

Isa itong malaking pahiwatig. Kung gusto niya ang tulong nito, kailangang palayain niya ito.

"Ano pa ang alam mo?" tanong ni Xinghe.

"Iyan lang," sabi ni Ye Shen. Tumawa ito. "Ayos lang kung hindi ka maniniwala sa akin, ikunsidera mo na biro na lang ang lahat ng sinabi ko."

"Para ngang isang malaking biro lang ang lahat!"

Propesiya ng pagkasira ng mundo? Spaceship? Isa itong kalokohan!

"Tama ka, biro lang ito." Tumawa si Ye Shen. Dahil hindi naman niya inaasahan na maniwala ito sa kanya sa simula pa lamang. Saka isa lamang kaso ng statistics ito, ang mas maraming taong maniniwala sa kanya, mas maliit ang pagkakataon para sa kanya na makasakay sa spaceship.

Tumayo si Xinghe at hinamon siya, "Ye Shen, hindi mo ba naikunsidera ang mga plot holes tulad ng grupo ng mga tao mula sa nakaraang henerasyon na hindi lamang nahulaan ng tama ang pagkagunaw ng mundo ngunit nakagawa din ng dalawang spaceships, isa para sa kanila at isa para sa gagamitin ng mga anak nila ilang dekada ang lumipas?"

Nächstes Kapitel