Halos tumakbo siya palabas para baliin ang leeg ni Ye Shen ng mabanggit nito na magkaroon ng mga anak kay Xinghe!
Kahit na nakadirekta ang mga salita nito kay Xia Meng, pakiramdam ni Mubai ay isa pa din itong kasalanang walang kapatawaran!
Bahagyang tumango si Xinghe, na nagpapakita ng kanyang pagsang-ayon. Humihiling ng kamatayan si Ye Shen. Kung hindi dahil sa katotohanan na kailangan pa niya ng impormasyon mula kay Ye Shen, siya mismo ang dumurog na dito. May pakinabang pa sila dito, kaya hinahayaan pa niya ito sa paligid niya ng ilang panahon.
"Ano ang plano mong gawin?" naupo si Mubai sa tapat niya at nagtanong.
"Ano pa nga ba ang gagawin ko? Siyempre pagbibigyan ko ang kahilingin niya," sabi ni Xinghe ng may pilyang ngiti.
Siyempre, hindi ganoon kainosente si Mubai para tanggapin agad ang sinasabi ni Xinghe.
Bahagya niyang itinaas ang kilay at nagbiro, "At ano ang eksaktong ibig mong sabihin doon?"
Ngumiti si Xinghe at sumagot, "Ibibigay ko ang gusto niya pero higit pa doon!"
…
Hindi agad pumayag si Xinghe sa mga kondisyon ni Ye Shen at pinatagal ito ng ilang araw. Naghintay siya hanggang sa puntahan siya ni Ye Shen dahil ang kumpanya nito ay malapit ng malugi.
Gayunpaman, hindi siya agad na pumayag.
"Ang limang daang milyon ay masyadong malaking halaga ng pera para hingin kahit na minsang tumulong ang aking ama sa Xi family. Ang tanging maibibigay nila sa akin ay tatlong daang milyon, payag ka ba o hindi," sabi ni Xinghe kay Ye Shen ng may seryosong hitsura.
Galit na si Ye Shen dahil ang limang daang milyon niya ay naging tatlo lamang, pero desperado na siya dahil nangangailangan na siya ng pera sa oras na iyon at ang tatlo ay higit pa din sa wala. Isa pa, ang bagay na talagang gusto niyang makuha ay ang bagay na nasa pag-aari ni Xia Meng, ang tatlong daang milyon ay karagdagang bonus lamang.
"Sige, ibigay mo sa akin ang lahat, ni hindi kulang ng isang sentimo!" sabi ni Ye Shen sa pagitan ng nagtatangis niyang mga ngipin, naiinis pa din dahil sa kulang ng dalawang daang milyon.
"Kung ganoon ay pirmahan mo ang mga ito ngayon!" Ibinaba ni Xinghe ang mga papeles sa diborsyo sa mesa. Nauna na niyang ibinigay ang mga dokumento sa tunay na Xia Meng para pirmahan ang mga dapat nitong pirmahan.
Ni hindi tiningnan ni Ye Shen ang mga papel. Tinitigan siya nito at tumawa ng pilyo. "Gagawin ko iyan pagkatapos mong ibigay ang pera at ang bagay na hinihingi ko."
Tumango si Xinghe. "Sige, pero may tanong ako para sa iyo. Kailangan mong sumagot ng buong katotohanan kundi ay wala akong ibibigay sa iyo. Ayos lang sa akin na abalahin ka hanggang nabubuhay ako! Dahil sa dami ng pera ay makakaya kong magtago sa kahit saang sulok ng mundo at bumili ng bagong katauhan para sa akin. Hindi mo na ako mahahawakan pang muli."
Nalukot ang mukha ni Ye Shen. Tama si Xinghe, siya ang nakakalamang sa palitan na ito. Hindi lamang niya inaasahan na magiging matalino ito para maunawaan iyon. Kung hindi dahil sa katotohanan na nahaharap sa pagkalugi ang kanyang kumpanya, hindi niya papayagan ang p*ta na ito na tratuhin siya ng ganito!
Gayunpaman, para hindi magalit ito, ngumiti siya at sinabi, "Magtanong ka na. Sasagutin kita hanggang sa makakaya ko."
Binigyan ni Xinghe ang malapit na bodyguard ng isang nonverbal na senyales at ang guwardiya ay lumapit para iabot sa kanya ang isang kahon.
Sa loob ng kahon ay isang itim na parihabang kahita. Ang mga mata ni Ye Shen ay kumikislap nang makita nito ang bagay na ito.
Binigyan siya ni Xinghe ng isang malamig na tingin at nagtanong, "Ano ang bagay na ito at bakit ganoon na lamang ang kagustuhan mo na makuha ito?"
Panandaliang iniiwas ni Ye Shen ang tingin bago sumagot ng may ngiti, "Hindi naman ito importante, isa lamang itong basura sa iyo. Pero, nagkataon lamang na may kaunting halaga ito sa akin."
"Bakit ito mahalaga sa iyo?"
"Wala na itong kinalaman sa iyo, tama?"
"Kung ganoon, guard, itago mo na ito at samahan siya palabas! Ye Shen, wala kang makukuha mula sa akin!" kalmadong utos ni Xinghe habang lumalapit ang guwardiya kay Ye Shen.
Alam ni Ye Shen na nasukol na siya.
I have to reveal something, he warned himself, but certainly not everything.
Kailangang may ibunyag ako, babala niya sa sarili, pero hindi ko aaminin ang lahat.