webnovel

Patas na Talumpati

Redakteur: LiberReverieGroup

"Walang kasiyahan, tulad ng sinasabi mo, sa pagitan namin ni Mubai. Kilala na namin ang isa't isa simula ng bata pa kami, ang interes namin sa isa't isa ay matagal ng nandoon. Ikaw ang sumira sa relasyon namin! Hindi ka minahal ni Mubai, ang taong dapat na nasa kanyang tabi ay ako palagi. Huwag kang mainggit sa pagmamahalan namin kaya napagpasyahan mong siraan kami ng ganito!"

Galit na pinuna ni Tianxin si Xinghe. Ang kanyang mga luha ay dumaloy na parang sa isang talon.

Hinatak niya ang braso ni Mubai at umiyak nang nagdadalamhati. "Mubai, masyado na si Xinghe. Ayoko na siyang makita ngayon, bumalik na tayo sa loob bago pa may sabihin siyang masama."

Ang nakakaawang pag-arte ni Tianxin ay talaga namang karapat-dapat makatanggap ng Oscar.

Ang kanyang tungkulin bilang fiance niya ang dapat na magtulak kay Mubai na sundin ang hiling niya. Hindi ba niya nakikita na umiiyak na siya ng husto?

Kaya naman, tiwalang-tiwala si Tianxin, na sa pagkakataong ito ay kakampihan siya ni Mubai.

Walang sinabi na kahit ano si Xinghe, matiyaga siyang naghintay sa reaksyon ni Mubai.

Ang kanyang plano ay nakadepende ng husto sa reaksiyon nito.

Kung may pakialam talaga siya kay Tianxin, kahit na ano ang sabihin niya sa araw na iyon ay mawawalan ng halaga. Kakailanganin pa niyang makaisip ng iba pang paraan.

Kung hindi, pababagsakin niya si Chu Tianxin sa araw ding iyon!

Habang nakatayo ng nakatiyad si Tianxin na naghihintay ng reaksiyon ni Mubai, binuksan nito ang kanyang bibig at ang mga salita niya ay naka-target kay Xinghe. "Xia Xinghe, wala akong ibang kinasusuklaman sa mundo kung hindi ang mga taong hindi tinatapos ang kanilang sinasabi. Ipaliwanag mo ng maigi ang sarili mo, ano ang ibig mong sabihin na ako at si Tianxin ay nagkakasiyahan habang kasal pa tayo?! Hindi ka aalis sa lugar na ito hanggang hindi ako nasisiyahan sa paliwanag mo!"

"Mubai…" Napatangang tinitigan ni Tianxin ito, ang mukha ay namutla.

Masigasig na tumawa si Xinghe. Pinalis niya ang pagkakahawak ni Mubai at sinabi, "Sige, kung gusto mong ispelengin ko ito para sa iyo, gagawin ko!"

"…" Lalong namutla si Tianxin na inaakal ni Xinghe ay hindi na posible pa. Habang umakyat si Tianxin para pigilan si Xinghe sa pagsasalita, sumugod si Ginang Xi sa eksena na parang bolang nag-aapoy.

"Xia Xinghe, itikom mo iyang bibig mo!" Pinandilatan niya si Xinghe at binalaan ito, "Kapag naglakas-loob kang sirain ang pangalan ni Tianxin, hindi kita mapapatawad! Mubai, sumunod ka na sa akin sa bahay, huwag kang makinig sa kasinungalingan ng babaeng ito!"

"Mubai, huwag na nating galitin si Auntie, okay?" Nagmamadaling pahabol ni Tianxin.

Hindi naman tanga si Mubai. Muli't muli ay pinipigilan ng kanyang ina at ni Tianxin si Xinghe, na halata na may itinatago ang mga ito sa kanya.

O inakala ba nila na ganoon siya kadaling maloko?

"Tama na!" Dumagundong ang tinig ni Mubai, hindi kakikitaan ng init ang kanyang tingin. "Bibigyan ko si Xinghe ng pagkakataon na ipaliwanag ang sarili niya. Kung wala kayong ginawang masama, bakit natatakot kayo sa sasabihin niya?"

"Mubai, hindi mo naiintindihan…" nagsimula na namang umiyak si Tianxin.

Kahit si Ginang Xi ay nasaktan. "Mubai, bakit ganyan ka na lang makipag-usap sa nanay mo ng ganyan? Mas pinipili mo bang paniwalaan ang isang tagalabas kaysa sa ina mo?"

"Magdedesisyon ako pagkatapos sabihin ng lahat ang sasabihin nila! Pero bago iyon, pakikinggan ko muna ang sasabihin ni Xinghe!" Sagot ni Mubai, hindi siya natinag sa mga pakiusap ng mga ito.

Nanginig ang tingin ni Ginang Xi. Kilala niya ang kanyang anak. Sa oras na natakda na ang isip nito sa isang bagay, wala ng makakapagpabago pa nito.

Kahit na ang kanyang mga magulang ay hindi magawang baguhin ang isip niya.

Wala ng iba pang pagpipilian si Ginang Xi kung hindi pandilatan si Xinghe, at balaan ito sa isang masungit na tono, "Fine, Xia Xinghe sabihin mo na ang sasabihin mo. Gusto kong makita kung paano mo tratuhin ang mga nakatatanda sa iyo!"

Akala ni Ginang Xi ay pipigilan ni Xinghe ang kanyang sarili bilang paggalang sa tanda niya rito pero…

Hindi tumigil si Xinghe!

Nächstes Kapitel