Chapter 352: Isang Engrandeng Proposal
Bago magsimula ang handaan, ang producer, director, at bidang mga artista ay tumaas sa entablado para ibigay ang kanilang mga talumpati. Pagkatapos ng lahat, ang emcee ay bumalik na sa entablado, " Ngayon, meron tayong isang ginoo, na hihiramin ang entablado para magsabi ng ilang salita, salubungin natin siya!" Ang lahat ay nagsaya nang malakas nang mapagtanto nila na oras na para sa proposal ni Su Yan. Lahat ng media partners ay mukhang handa na sa kanilang kagamitan, at ang lahat ay kumuha ng video sa kanilang mga telepono nang masaya. Si Ning Xi ay umupo sa kaliwang wing na malapit sa entablado. Nakaupo kasama ang mga grupo, si Ning Xueluo ay nanabik na tumingin sa lalaking mabagal na umaakyat sa entablado at umirap sa direksyon ni Ning Xi. Si Su Yan ay nakasuot ng puting amerikana ngayong gabi, na bagay sa putting mermaid cut na bistida ni Ning Xueluo. Bagay ang mga ito na parang dalawang peas sa parehong pod.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com