webnovel

Everybody Wants to Teach Him How to Chase Girls

Redakteur: LiberReverieGroup

Chapter 55: Lahat na lang gusto siyang turuang maghabol ng babae

Minsan na niyang natanong si Qin Mufeng kung anong pakiramdam ng magkagusto sa isang tao; ang sabi lang ni Qin MUfeng ay malalaman niya lang kapag nakilala na niya 'yung taong 'yun.

Akala niya noon, walang kwenta 'yung sagot na 'yun.

Nung nakilala niya si Ning Xi, na-realize niyang tama ang lahat.

"Congrats! Napakaraming asexual ang walang nakikilala para sa kanila sa buong buhay nila!" Buong pusong kinongratulate ni Qin Mufeng ang kaibigan.

Bukod sa heterosexuals at homosexuals, sa mundong 'to, meron ding mga asexual.

Hindi naman sakit ang asexuality at hindi rin ibig sabihin na malabo ang sexual orientation nila o takot sila sa intimacy; sa simpleng salita, "lack of interest in sex" ang meron.

Dahil sa kundisyong ito, naisip pa ng nanay nila na ipa-drug kay Lu Jingli ang sariling kapatid…

"Mukhang double blessing 'to ah. So kailan ang kasal?" Pang-aasar ni Qin Mufeng.

"I'm working on it." Ang dating 'di mabaha-bahalang Lu Tingxiao ay may bakas ng 'di kasiguraduhan ngayon.

Nagulat si Qin Mufeng. "'Di pa nangyayari? Akala ko by now nakuha na 'yun ni Big CEO Lu. Well, kung nakuha ng babaeng 'yun ang interes mo malamang she's quite something. So kaya mo ba ako pinapunta para turuan kita sa mga babae? Kahit wala akong laban kay Second Master pagdating sa practice, magaling ako sa theory!"

Bakit ba lahat na lang gusto siyang turuang maghabol ng babae?

Nandilim ang mukha ni Lu Tingxiao. "'Wag mo na 'yun isipin, gusto ko lang naman i-confirm 'yung epekto niya kay Little Treasure, yun lang."

Bumalik si Qin Mufeng sa tunay na issue matapos makipagbiruan. "Parang ganito kasi, may dalawang sides sa lahat ng bagay; pwedeng makabuti sa kanya pero sabi mo di ba halos wasakin niya 'yung bahay niyo para lang makita siya, so depende pa rin sa guidance mo.

Dala man ng selfishness mo or hindi, tama naman 'yung desisyon mo na pag-stayin siya sa bahay niyo. I would suggest na ang susunod na gawin niyo ay subukan niyong ilabas nang mas madalas si Little Treasure, kung kaya dalhin din siya sa school para pagdating ng tamang panahon, makapag-adjust siya sa normal life. Baka magawa niya rin kung ano 'yung 'di ko magawa-gawa pagkatapos ng dalawang taon…"

"I understand, susubukan ko."

Sa studio backlot.

Natapos ang mga bulungan pagkarating ni Ning Xi sa set; lahat ng tao sa paligid nakatingin sa kanya.

Malamang, kumalat na ang chismis.

Sa isang sulok, may nagsalita, "Sino ba siya sa akala niya, baguhan na nalelate; 'di niya ba nakikita na maagang dumarating si Teacher Ning?"

Sa totoo lang 'di naman late si Ning Xi, sadyang maaga lang si Ning Xueleuo.

"Teacher Ning, pareho po kayo ng company ni Ning Xi 'di ba, totoo po ba 'yung balita?"

"Sabi ng mga tao, kung kani-kanino daw siya pumatol sa production team para makuha 'tong role!"

"Nakakahiya! Wala bang pakialam ang Starlight Entertainment sa ganyang klase ng unfair competition?"

…  

Sa harap ng mga tanong ng crew, nagsuot ng walang kamala-malay na mukha si Ning Xueluo at napabuntong-hininga. "Kanya kanya ng paraan ang mga tao, wala namang sinasabi ang company…"

Pagkatapos sabihin 'yun, nagmukhang bigla niyang napagtanto na may sinabi siyang mali, at mabilis niya itinuloy ang sinasabi, "'Di ko sinasabing ginawa ni Junior Sister 'yun ah, 'di naman kasi credible ang online gossip!"

Dahil pinagmukha niyang may pinagtatakpan siya, naisip ng crew na baka nga totoo.

Saka lang natigil ang chismisan nang dumating si Director Guo at pinagmadali ang lahat na bumalik sa trabaho.

Nawala rin ang mapagpanggap na mukha ni Ning Xueluo at mahinang tinawag ang assistant niya, "Ano na'ng nangyari?"

"'Wag kayong mag-alala Sister Xueluo, naka-set na po! Sabi mo allergic siya sa metallic na mga bagay 'di ba? Nilagyan ko ng metallic powder 'yung kit ng makeup artist habang walang nakatingin. 'Pag nilagay niya 'yun, masisira 'yung mukha niya…"

Nächstes Kapitel