webnovel

Happy birthday Steph!

"Honey, gising na..."

Naalimpungatan si Stephanie sa paggising sa kanya ng kanyang asawa na kagigising lang din sa tabi niya. Yinapos siya ni Jason sa mga braso niya at hinalikan siya sa nuo, sa ilong, sa magkabilaang pisngi at sa labi, sabay bulong "Honey, happy birthday, I love you".

Emotional namang napayakap ng mahigpit si Steph sa asawa, "Ohhh.. (maiyak iyak) thank you hon, paano yan 35 na ako, matanda na ako, baka ipagpalit mo ako sa mas bata at mas maganda sakin?"

Napabungisngis naman si Jason sa nasambit ng kanyang asawa sabay hampas sa pwet nito, "ito pa ba, ipagpapalit ko.. Eh ang sexy, sexy at ang ganda ganda, mahal kita honey."

Ika-tatlumpot limang kaarawan na ni Stephanie ngunit hindi mo makikitaan ng signs of aging sa kanyang mukha, maganda at maalaga sa pangangatawan. Kaya tuloy napagkakamalan siyang nasa edad 23-27 years old lang.

Napalingon si Steph sa wall clock na nakasabit sa kanilang ulunan, napabalikwas ito, kelangan na pala niyang bumangon para ipagluto ng breakfast ang asawa niya.

"Naku hon, bumangon ka na diyan, baka ma-late ka sa work." aniya nito.

Si Jason ay isang Area Manager sa isang kilalang Finance Lending Corporation, kahit nasa edad 38 na ay gwapo parin, malakas ang appeal na taglay, at maganda ang pangangatawan. Hindi maikukubling marami paring babae ang magkakagusto at mapapaibig dito kahit may asawa na.

Agad naring bumangon si Jason para maligo.

"Honey, hintayin mo ako mayang hapon, magcecelebrate tayo ng birthday mo, madi-date tayo tapos gawa tayo ng baby." nanunuksong bulong nito sa asawa.

"Sabi mo yan ha, agahan mo umuwi, hintayin kta." sagot nito

Nächstes Kapitel