webnovel

MY JOURNEY BEGINS

~LUX~

Pabalik na sana ako sa bahay ng bigla akong hinarang ng mga feeling gangster na mukang paa

"Look what we have here" maarteng sabi ni Kate.

Kasama niya si Paul at ang mga barkada niya. Kung su swertehen ka nga naman oh.

'Ang arte arte neto eh dati nga may gusto ka saakin'.

"Anong tinitingin tingin mo ha iskuwater" pasinghal na sabi ni Paul.

'Aba'y gago pala to eh kayo ang humarang harang tapos ngayun ako pa ang may kasalan?!!! tadjakan kaya kita sa muka'.

"Ayaw ko ng gulo Paul" seryosong sabi ko

Pero tumawa lang sila "wala kaming mapag tripan eh sakto nakasalubong ka namin" maangas na sabi ni Paul.

'T*ng inang to kung wala kayung magandang magawa sa buhay niyo ay magpakamatay na kayo!!!! wag kayung mang damay ng iba!!! mga hinayupak nato'

Ayaw nilang makinig sakin kaya tinadjakan ko si Paul at pinagsusuntok ang mga barkada niya.

Todo awat naman si Kate, nagmamakaawang tigilan ko na sila pero hindi ako tumigil at tinuloy lang ang pangbubogbog sa mga mukong.

Pagkatapos ng sampung minuto ay tumigil na kami, tumayo ako at pinunasan ang duguan kung muka.

Nang malayo layo na sila ay bahagya silang huminto sabay sigaw ni Paul ng "siguro naman ay magtatanda ka na ngayon iskuwater, layuan mo ang syota ko" napaka angas ng boses niya at makikita mo sa muka niya ang magmamalaki

'Eh sira ulo pala tong hayop na'to eh, ang syota mo ang lapit ng lapit saakin'.

Sa utak ko lang nangyari ang pangbubugbug ko kina Paul at mga barkada niya.

Syempre alangan namang pumalag ako eh ang dami nila, malamang bogbog sarado ako.

Andudugas kasi maglaro ng mga tukmol kapag isa-isa lang ang labanan baka basag basag mga muka ng mga king ina.

Pinilit kong tumayo at kinaladkad ang napakabigat na katawan ko nang biglang may dumakma sakin at pilit na isinakay sa isang van.

'Ok lang lord kahit kunin mo na ako sawa na akung mabuhay ng ganito'. Dahil sa labanan namin kanina ay wala na akong lakas para magpatuloy sa paglalakad at unti-unting nawalan ng malay. Oo labanan ang nang yari kanina kahit na di naman ako pumalag at nagpabogbog ng parang tanga, mayabang ako eh bakit ba?.

Next chapter