1 CHAPTER 1

~VON~

~Rnnnnggggg~ nagising ako dahil sa king inang alarm clock.

So ayun bumangon na ako hindi para mag almusal, bumangon ako para itapon ang bwisit na alarm clock saka natulog ulit.

Makalipas ang limang minuto ay ginising na ako ni manang.

'Itapon ko na rin kaya si manang'.

Uminat ako at walang ganang nagsalita "manang naman angsarap ng tulog ko eh".

Nahimasmasan ako sa sinabi ni manang "kanina pa naghihintay si Mr. Reyes sa baba ija". Nataranta ako at patakbong bababa na sana pero pinigilan ako ni manang, hinawakan niya ako sa braso "bababa ka ba ng ganyan von?"

Napasimangot ako dahil naka under wear lang pala ako "manang mauna ka na sa baba at magbibihis lang ako". Pagkababa ni manang ay dali-dali akong nag bihis syempre excited ako. Ngayon ko kasi makukuha ang pamana ng mga magulang ko.

Bago ako bumababa ay pinunasan ko muna ang luha sa aking mga mata dahil naalala ko sina mama't papa. Nandito si Mr. Reyes para sabihin ang mga kondisyon para mamana ko ang kayamanan ng mga magulang ko. Ayaw kung mapunta sa iba ang pinaghirapan ng mga magulang ko.

Pagkababa ko ay nakita kong may hawak-hawak si Mr.Reyes na maleta.

Nang nasa harap na ako ni Mr.Reyes ay tumayo siya para batiin ako "good morning ma'am vanna" tumango ako at ibinalik ang bati niya "good morning attorney please have a sit".

Inilabas ni Mr.Reyes ang ang mga dokumento at nagsimulang magbasa.

"Isa lang po ang kondisyon na nakalagay dito" nang marinig ko yon ay napangiti ako, pero nawala ang ngiting yun nang marinig ko ang kondisyon dahil kailangan kong magpakasal.

Para daw di ako mag-iisa at kung di ko to magagawa ng isang taon pagkatapos mamatay ng mga magulang ko ay paghahatian namin ng mga kamag anak ko ang kayamanan nila mama't papa. 'P*ta naman oh saan ako hahanap ng asawa niyan?'.

avataravatar
Next chapter