861 Chapter 95 How Sweet

( Monina's POV )

Napa-akyat ako ng silid, dahil kanina nga nagsidatingan ang kapwa doctor ni Cedrick.

Di ko talaga alam na merong allergy si Cedrick.

Sana ayos lang siya. Kahit demonyo yun, dapat lang binibigyan ng pagkakataon na makabawi sa mundong ito.

Joke lang.

Kala mo naman may mali siyang ginawa. Sorry na Cedrick!!!

Wag mo naman akong gini-guilty ng ganito.

Nakita ko ang scrap book…

Yun, ginawa ko, at una ko ngang article sa kanya…

Natutuwa siya sa pillow fighting…

Saka, may allergy sa luya.

Dapat sa bawang. Doon takot ang mga kagaya niya diba?

Napabuntong hininga ako.

Umulan na naman ng malakas, kaya napasara ako sa bintanang nakabukas.

Di ako nag-alala sa mga kapatid ko, at kay tatay.

Bakit ang pag-alala ko ngayon kay Cedrick, ay pareho sa kanila.

Monina naman eh…

Relaxs lang. Naguguilty ka lang. magiging maayos si Cedrick.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter