webnovel

Chapter 92 A Gentleman Promise

<<< Claire>>>>

Kanina pa kaming naglalaro ni Zhio ng Chess... Lagi naman siya ang panalo.

"Magpapatalo na nga kasi ako."

"Ayoko nga sabi! Gusto ko matalo talaga kita. Etoh kainin mo."

"Alin? Ng horse ko o bishop ko."

"Zhio naman eh, syempre yung matatalo ako."

Napakunot-noo siya.

Biglang natawa.

Pinitik niya yung ilong ko.

"Di mo pa ako kayang matalo okey. Magpahinga ka na muna."

"Blah-blah!. Matatalo at matatalo rin kita!"

"Pag hinayaan kita manalo."

Binato ko sa kanya yung king ko na nacheckmate na naman niya.

Sinalo niya yun bago pa man tumama sa mukha niya. Asar. Panalo na naman ang adnormal na 'to.

"Tara."

"Ayoko!"

Pinitik na naman niya ang ilong ko.

Masakit yun ah.

"Masakit yun!"

Namalayan ko na lang hawak na niya yung kamay ko... Hinila ako papunta sa higaan..

Huhuhu. Tumataba na ako oh.

" kailangan mo mag-ipon ng lakas. Bukas pupunta rito ang magiging personal na OB mo. At para maihanda ka ng mabuti sa pagbubuntis mo."

"Kailangan pa ba no'n?"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter