91 Chapter 90 An Advise

Saka tuluyan niya akong tinalikuran.

Ramdam na ramdam ko ang pagdampi ng kamay niya sa pisngi ko.

Sa sampal na yun...parang gusto talaga niya iparating na di siya naniniwala sa sinasabi ko. Anong dapat ko gawin para maniwala siya.

Namalayan ko na lang palabas na ako.

"Susi."

"Master Zh-."

"Susi ng Sasakyan!"

"Heto po."

"Pssh. Huwag kayong susunod sa akin!"

Napa-atras ang mga tauhan ko.

Binuksan ko ang sasakyan.

At bago ko binuhay ang makina.

"Sabihin niyo kay Sya, manatili siyang bantayan ang mga kilos ni Claire."

"Masusunod."

Pinatakbo ko na ang sasakyan.

Gusto ko pumunta kung saan ako makakapag-isip ng mabuti kung ano ang nararapat gawin.

Mahal ko nga siya.

Bakit kasi nagpapakamanhid ang babaeng yun.

Pero napakalinaw na sa pagtangi niyang yun...wala siyang nararamdaman sa akin.

Masakit. At wala akong magagawa sa katutohanan na yun.

Masamang hakbang na naman ang ipilit ang kagustuhan ko sa kanya.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter