80 Chapter 79 Denise

CLAIRE>>>>

Kinuha ni Zhio yung dyaryo.

Anong nasa dyaryo?.. Kayabangan niya na naging successful na naman ang project niya...

"Basahin mo..."

"Waiter, against Holdaper???."

"Tignan mo ang larawan."

Tinignan ko...

At halos hinablot ko sa kamay ni Zhio ang dyaryo...

Di ako halos makapaniwala...

Si Kuya Dexter.

".... Mabuti naman at nagamit na niya sa tama ang kakayahan niya."

"Ang sabihin mo... Mabuti at nagawang magbagong -buhay ng kapatid mo."

Hindi na ako nagsalita pa.

Huminga ako ng malalim...

At nagawa kong yakapin si Zhio...

Nagulat rin siya...

Pero hinayaan lang niya ako...

Ang totoo niyan napapaluha na ako.

Ewan, napaka-emosyonal ko ngayon...

Kanina lang ang saya... Ngayon masaya pero gusto ko maiyak.

Biglang inangat ni Zhio ang mukha ko.

"Ba't ka umiiyak?"

Bumitiw na ako sa kanya.

"Naiiyak lang ako."

Pinunasan niya ng kanyang daliri ang luhang gusto sana tumulo...

" Namumutla ka."

" Ga-gano'n ba. Nagulat yata ako ng husto sa balita."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter