62 Chapter 61 She need to be True

<<< Claire>>>>>

Masakit... Yung huling pagkikita namin ni Zhio... Ibang klase talaga ang mga mayayaman kung humamak ng mga kagaya ko.

Palibhasa di nila naranasan ang dinadanas ko. Ayan... Patuloy parin ako sa pag-iyak.

Bakit kasi umiiyak ako ng ganto...

Bakit ko inaalala ang mga sinabi ni Zhio.

Bakit ako nasasaktan ....

Dahil ba ginagago ko lang si Derick.

Dahil ba sinagot ko siya kahit wala akong nararamdaman...

Saka alam naman ni Derick na wala akong nararamdaman sa kanya...

Kaya nga lang umaasa parin siya.

...kailangan ko na nga sigurong putulin ang koneksyon ko kay Derick...

Bahala na kung anong mangyari...

Inabot ko ang cellphone ko...

3missed calls...

Galing kay Deo at Derick...

Tatawagan ko na sana si Derick ng...

May kumatok...

Pinunas ko ang mga luha ko.

Saka ko binuksan ang pinto.

"Ate..." Si Amy.

At narinig ko...

" Pu*ng ina! Pinapasubo ninyo ng husto ang kapatid ko!"

Tinignan ko si Amy... Si kuya Dexter ang sumigaw.

Napababa ako...

Yun nagkakasagutan si Ate Nadine at Kuya Dexter.

" Layunin lang naman ng tarantadong Derick na yun ang paglaruan si Clarita."

" Kuya..."

" Oh, tignan mo tong kapatid mo Clarita. Bigla na lang sinuntok sa labas si Derick."

" Tss... Huwag ka ng sasama sa lalaking yun!"

" Para ano Dexter , bumalik tayo sa dati."

"Kahit bumalik pa tayo sa dati. "

" Umayos ka nga Dexter. Baka nakalimutan mo si Derick ang sumagot sa pagpapahospital mo."

" Yun nga eh. Hinayaan niyo na sana ako mamatay kaysa tinangap niyo ang tulong na yun. Sa ginagawa ninyo si Clarita ang pinambabayad niyo... Di'ba."

Halos manghina ang tuhod ko sa sagutan nila. Napaurong ako...

Tumakbo sa sarili kong silid...

Kailangan ko na nga tong tapusin...

Tinawagan ko si Derick...

Sinagot niya.

" Gusto kong magkita tayo."

"... Sure...di muna ako makakapunta riyan...pinagbantaan na kasi ako ng kapatid mo."

" Pupuntahan kita...nasaan ka?"

"... Heto pumunta ka sa labas ng Villa. Susunduin ka ng kaibigan ko..."

"Nakainom ka ba?"

" Hindi...susunduin ka na niya riyan."

"Si---sige."

Nang maibaba ko...

Nagpalit ako ng damit at lumabas ng bahay...nang...

" Clarita saan ka pupunta..."

" Aayusin ko lang ang lahat ng 'to... Kuya."

" Pupunta ka kay Derick."

Tumango ako...

" Tss... Siguraduhin mo lang di ka sasaktan ng hinayupak na yun... Kung hindi masasapak ko yun."

Tumango ako.

" Uuwi kaagad ako."

Naglakad na ako...

Parang nabubuhay na naman ang nararamdaman kong kaba...

Ngunit kailangan ko tong labanan para sa ikakabuti ng lahat.

Pagdating ko sa labas ng Villa.

May sasakyan na naghihintay...

Biglang kinawayan ako ng lalaki...

Lumapit ako...

Yung kaibigan ni Derick na kasama lagi niya sa Bar.

Ngumiti ito sa akin...

"Claire...sakay ka."

Binuksan niya yung pinto ng sasakyan...

Amoy alak siya.

Pumasok na ako.

Ngunit ng sarhan niya ang pinto...

Parang may tumutulak sa akin na lumabas at huwag sumama sa lalaking to... Na nagmula siguro sa sobrang kabang nadarama ko.

Palubog na ang araw ng makarating kami sa isang Casino?...

avataravatar
Next chapter