59 Chapter 58 Again, He Made Her Cry

Kumuha kasi siya...ng niluto ko.

" Bakit naman hindi. Don't tell me may nilagay kang lason o gayuma dito."

"... Adick!. Eh, sa hitsura pa lang di na masarap."

" Buti alam mo."

Tsk! Bigla kong inagaw yung bowl na pinagsisidlan ng niluto ko.

Ngunit...ayaw niya bitiwan.

" Hindi naman kita pinipilit na kainin yan! Bitiwan mo na!"

" Baliw. Bitiwan mo nga! Binigay mo na 'to sa akin kaya walang bawian!"

" Gago ka ba! Eh ayaw mo ngang kainin!"

" Tss... Sinong may sabi."

Napatitig ako sa kanya.

Kunting-kunti na lang lalabas na ang sungay niya.

Binitiwan ko na.

" Eh, hindi mo nga nagustuhan ang hitsura."

" Kahit pangit man ang hitsura nito...o kahit na ang lasa... Kakainin ko parin to sa harapan mo... Pinagpaguran mo kaya 'to."

Natigilan ako...

Oh bakit nagkaroon bigla ng " halo " si Zhio...

" Mabubusog ka ba sa kakatitig mo sa akin."

Ang hangin. Makakain na nga ulit.

Tahimik kaming kumain...

Yun kinain nga niya...

Walang ka-arte arte...

" Zhio... Bakit ba ako naririto?."

".... I told you kung ano ang reason di'ba... Kainin tong ginawa mo sa harap mo..."

" I mean... Saan pupunta ang eroplanong 'to."

" Tss... Naglilibot lang tayo... Gusto kong kumain dito... "

Napanganga ako...

Di'ba aalis siya... Saka kung kakain lang naman siya dito... Aba, abusado kay Mother Earth... Inaaksaya lang naman niya ang gas diba... Anong klaseng taong 'to si Zhio... Walang concern kay Mother Earth!

" ... Kala ko kung saan mo na ako dadalhin."

"Bakit hindi. Kung mag-iba ang ihip ng isipan ko."

Tss.. Okey siya na ang mayaman.

" Masarap ba.?"

"... Katulad mo... Simple lang ang lasa."

Bigla akong namula.

Simple...

Sabi nila kapag sinabihan ka ng isang lalaki na Simple... Ang dalawa lang ang ibig sabihin...

Maganda yung pagiging natural.

At Natural lang na boring...

Base na rin yan sa opinion ko.

"... Kahit may pag-alinlangan... Salamat naman nagustuhan mo...Zhion."

At ngumiti ako sa kanya.

" Baliw... Zhio ang pangalan ko."

" ...Gusto kong tawagin kitang Zhion, Mas komportable kasi ako sa taong yun."

Tinignan niya ako.

" Yung para bang walang mangyayaring masama sa'yo kapag kasama mo siya."

Sumubo ako.

"... Kay Derick..."

Napatitig ako sa kanya.

Bakit na naman yun naisali??.

" Magpapakasal ka na sa kanya Di'ba."

"... Sinakyan ko lang ang trip nu'n. Nga pala... Sorry kung natalikuran kita... Di ko kasi alam kung paano ka haharapin... Sa likod ng mga pinag-gagaw ko sa'yo..."

Ngumisi lang siya.

" May nararandaman ka ba kay Derick."

Tsss... Ano ba yan! Iniba ko na nga yung usapan... Please lang ayoko ng pag-usapan pa ang tungkol kay Derick.!! Haiysssst!

" Bakit mo naitanong." Walang gana kong tanong... Tanong nga ba?

" Natural lang Claire, Vice-president ng Crysastic Corporation. Gusto kong malaman para sa kompanya. Ayokong magkaroon ng iskandalo ang kompanya."

" Ha?..." Pero parang umiinit ang ulo ko...Parang may gusto siyang iparating.

" Baka kasi ginagamit mo lang si Derick para perahan."

...Hindi...

Nang marinig ko yun...

Parang sinampal ako ng ilang ulit.

Anong akala niya sa akin mukhang pera?...

" Sinagot mo siya , kahit wala ka namang nararamdaman sa kanya dahil tinutulungan niya kayo. Sinasakyan mo lang ang mga kagustuhan niya dahil ayaw mo siyang saktan.At kapag nasaktan si Derick...natatakot kang mawala ang lahat dahil babalik kayo sa dating pinangalingan niyo. Di'ba tama ako."

Binitawan ko ang kutsara't tinidor. Tinignan ko ng diretso si Zhio...

Parang isang kisapmata ko na lang... Lalabas na ang mga luha ko.

Totoo naman di'ba...

Pero hindi niya nauunawaan...

" Hindi ako gano'ng klaseng tao Zhio!"

"... Madaling sabihin yan Claire."

" Madali ngang magsalita Zhio.! Pero kung maari... Isipin mo naman yung damdamin ng iba!... "

Tumulo na yung luha ko...

Bakit ngayon pa...

" Nakakapagsalita ka lang ng ganyan dahil di mo dinanas ang pinagdaanan ko. At di ko rin kasalanan kung bakit ako minahal ni Derick! Ayoko siyang saktan... Dahil wala siyang ginawa kundi tulungan ako"

" Pero kahit na Claire. Di mo dapat yun ginawa dahil hindi mo naman siya mahal !"

Napatayo ako.

"Gusto ko lang linawin. Hindi ako mukhang pera! Hindi ako kagaya mo na halos gustong kunin ang yaman ng boung mundo! Mas mabuti nga sigurong mahalin ko siya.".

Saka ako umalis.

Sinubukan ako pigilan ng tauhan niya nang...

" Palabasin na ang basurang yan."

Na halos ikinabingi ko...

Di ako makapaniwala...

Oo... Sino nga naman ako kumpara sa kanya...

Wala na lang akong nagawa...

Kundi ang patuloy ng pakpatak ng luha ko.

" Miss Claire..."

Si Deo...

" Ayoko na. Nagsisi akong makausap siya... Ayoko na Deo."

Ilang minuto lang lumapag na ang eroplano...

Ramdam na ramdam ko na... Nasasaktan ako ng sobra.

At ang oras na...

Nagsisi talaga ako ng husto na makilala si Zhio...

Kahit na si Zhion...

At pumatak na naman ang mga luha ko.

avataravatar
Next chapter