57 Chapter 56 He is Secretary Deo

<<< Zhio>>>>>>>>

...Sayang masaya sana ako na makilala siya. Mag-iingat na lang siya."...

Sa mga oras na yun... Di ako makakilos...hindi dahil binato niya ako ng mga paper bag na dala niya...

Ngunit dahil sa... Luhang tumulo sa mata niya...

Gusto ko siya tawagin... Pigilan..

Pero para saan pa...

" Kunin ninyo yan."

Di ko na tinignan pa si Claire...

Dahil baka pigilan ko pa siya...

Bumalik ako sa eroplano, Naupo ako... Napabuntong hininga ng malalim.

Masaya siyang makilala si Zhion...

At Si Zhion at ako ay iisa... Tsk.

" Mastet Zhio..."

Inabot sa akin ang paperbag.

" Master Zhio...Aalis na po ba tayo?"

Di ko pinansin ang nagtanong sa akin.

Binuksan ko ang paperbag...

Ang laman yung dalawang coat...

At yung isa....

Mainit... Isang baunan...

" Tawagan niyo si Deo."

<<<< Deo>>>>>>

Napailing ako.... Ang drama ng buhay ng dalawa. Sinusundan ko si Claire umiiyak...

Yung paa nga niya... Parang nakasugat-sugat sa paktakbo niya...

Yung tuhod niya... May sugat din.

... Ito namang si Sir Zhio... DUWAG... Tsk. Kasalanan naman niya talaga kung bakit sila nagkakaganito...

Tumunog ying phone ko na nasa coat ko.

Caller... Tauhan ni Zhio...

" Hello..."

<<< Zhio>>>>>>>

" Ibalik mo rito si Claire."

<<< Deo>>>>>>

Ha?...

Boses yun ni Sir Zhio...na agad naman ako binabaan.

Malapit na kami sa sasakyan ni Claire...

" Miss Claire, Pinababalik kayo ni Zhio ro'n."

Umiling siya.

" Gusto ko ng umuwi!"

Yun parang batang nagkaroon ng trantrums si Miss Claire. Napakamot ako... Eh utos yun ni Sir Zhio.

" Pero Miss Claire..."

Umiling siya..

" Salamat sa pagdadrive mo sakin... Sige, sasakay na lang ako ng Taxi."

Saka siya pumara ng Taxi.

" Miss Claire!"

"...ayoko na siyang makita! ... Hindi ko gusto ang mga tulad niya!"

Ha?...

Yun sumakay na siya.

At di ko alam ang gagawin ko...

" Miss Claire!"

Ayun... Umandar na yung Taxi.

Tumunog yung phone ko ulit...

" Nasaan na kayo."

" Eh, Sir Zhio... Ayaw niyang bumalik... Hindi ko na po siya ngayon kasama. Sumakay na siya ng Taxi."

" Tss... Habulin mo! At bayaran yung Driver! At kung maari kaladkarin mo siya papunta rito!"

" Pero sir..."

" Kung hindi mga tauhan ko mismo ang gagawa niyan."

Inis na naman niya ako binabaan.

Sumakay ako ng sasakyan ko at hinabol ang taxi...

Sa may tulay... Nakita ko yung Taxi...

Ngunit... Wow... Di lang pala ako ang humahabol...

Pati mga tauhan ni Sir Zhio sakay ng mga itim na sasakyan.

Lagot ka ngayon Miss Claire.

<<<< Claire>>>>>>>

Bumalik?.. Pagkatapos niyang magsalita ng gano'n.. Tsk ! Sino ba siya!

Marahas kong pinunas ang mga luha ko.

At halos di ko namalayan... Wala palang saplot ang paa ko...

Halos mahapdi yung parang may mga gasgas... Kasalanan 'to ni Zhio eh!

Sana nilagyan ko na lang ng lason yung pagkain...

O di kaya sinabunutan ko ng todo...

Sana ngayon di ako umiiyak...

" Mam, parang hinahabol kayo ng Boyfriend niyo." Si Manong driver. Tinignan ko rin sa may rear mirror.

" Sa kaibigan ko lang po yang sasakyan... "

" Eh, Mam yung mga sasakyan na kulay itim kayo rin po ba ang habol?"

Nanlaki yung mata ko...

Hindi kaya.... Mga tauhan yun ni Zhio!

Bumisina si Deo.

A-anong ibig sabihin nito.

Tumigil si Manong sa pagmamaneho.

" Mam, kailangan siguro ninyo mag-usap ng boyfriend mo."

" Ma-manong!"

Nakita kong lumabas na si Deo sa sasakyan niya. Binuksan niya ang pinto kung saan ako nakaupo.

" Miss Claire, Gusto kayong kausapin ni Sir Zhio."

" Pero Deo! Wala naman kaming dapat pag-usapan!"

Nagsitigil sa tapat ng taxi ang mga kulay itim na sasakyan at nagsilabasan ang mga tauhan ni Zhio.

" Miss Claire..." At umiling sa harapan ko si Deo.

" Excuse me. Mr. Suidie."

Yung tauhan ni Zhio.

" Please, ako na ang bahalang kumibinsi sa kanya."

" Deo... Anong ibig sabihin nito."

Lumabas si Manong...at ang pumasok... Isa sa mga tauhan ni Zhio.

" Deo!'"

Bumuntong hininga si Deo.

Inistart na ng lalaki yung Taxi...

" Mabuti na sigurong sumama na muna kayo sa kanila."

Saka niya sinarhan ang pinto. At umandar yung sasakyan.... Pabalik sa Airport.

May sakit yata sa ulo ang lalaking yun!

Makakatikim talaga siya sa akin!

Nang makabalik kami sa Airport.

" Ano 'to kidnaping!"

" Ms. Claire... " si Deo.

" Isa ka pa!"

Hinihila nila ako... Ng...tumigil ako. Naupo sa sahig.!

Anong magagawa nila!

Hinila nila ako...

" Ano ba! Bitiwan niyo ako! Mag-iiskandalo talaga ako rito!"

<< Deo>>>>>>

" Miss Claire... Kakausapin lang kayo ni Sir Zhio."

" Eh, ayoko nga! Bitiwan niyo na ako!"

Nakita kong nahihirapan na yung tauhan ni Zhio.

May nagbigay ng senyas sa isang kasamahan... May inilabas na panyo...

Lagot...

" Ano ba!"

" Ms. Claire..."

" Ahhh..."

Bigla ako napapikit ng sumigaw na si Claire...

Kaya wala nang nagawa yung tauhan ni Zhio ... Kundi gawin angas madaliang pagkuha kay Claire...

Tinakpan ng panyo ang bibig at ilong ni MissClaire...

Isang minuto lang...

Parang halaman siyang natuyo bigla at bumagsak sa bisig ng isang tauhan ni Zhio.

Kaya ko pinapakalma si Miss Claire...

Dahil ayokong mangyari yun sa kanya.

Napailing na lamang ako.

May bumuhat kay Claire...

Saka kami umakyat lahat sa eroplano.

<<< Zhio>>>>

" kayo... habulin niyo ang babaeng yun at dalhin rito. Huwag niyong hahayaan na gumawa siya ng iskandalo...Patahimikin muna ninyo siya kung maari. Ngunit huwag ninyo siyang sasaktan."

<<<< Deo>>>>>>>>

Heto na kami sa loob mismo ng eroplano.

Ipinasok na muna si Miss Claire sa isang silid. At si Ako naman... Heto kaharap si Zhio.

"... Bakit may dala nito si Claire..."

Isang baunan.

" Gusto talaga niya kayo makausap kaninang umaga. Di daw kasi niya sinasadyang talikuran kayo ng gabing yun. Siguro gulat na gulat pa siya... "

" Sinabi mo na ba ang totoo sa kanya."

" Hindi ho. ...wala pa siyang nalalalaman."

" At para saan 'to."

" Ginawa yan ni Miss Claire para sa inyo... Napadali nga siguro yung pagluto niya."

Binuksan ni Zhio...

Isang dishes na gawa sa Hipon.

" Kaya ko siya pinabalik para sabay namin 'to kainin . .. Mahirap na kapag may nilagay siyang lason dito. "

Napabuntong hininga ako...

Kaya pala...

??? ... Weh.. Di nga???.

" Anong oras siya magigising."tanong niya sa tauhan niyang nakatayo sa tabi niya.

" two to three hours, Master Zhio."

" Tsss.. Magugutom ako sa kanya."

"Master Zhio, Aalis na ba tayo?"

Biglang napaisip si Zhio...

At napangisi...

Anong binabalak nito?

" Sure.'"

At nagitla ako.

" Sir... Illegal po ang pagdala ng pasehero sa ibang bansa na walang tamang papelis."

May ibinigay na folder kay Zhio.

Inilapag yun sa mesa... Sa harap ko.

" Walang impossible sa akin Deo... Baka nakalimutan mo."

Nang buksan ko...

Mga ducomento ni Miss Claire..

" Ayusin mo ang passport niya."

avataravatar
Next chapter