56 Chapter 55 She is Pathetic

<<<< Zhio>>>>>>>>

Kapag nakapasok na ako sa... Pintong yan.

Isa lang ang ibig sabihin...

Gusto ko ng talikuran ang nararamdaman ko.

Oo... May nararamdaman nga ako sa kanya... Ngunit ayokong maging lumala pa ang situation.

Mamimiss ko ang babaeng yun...

Lalo na kapag tinatawag niya ako sa pangalan na...

" ZHIOOOON! ANO BA! ZHIO!."

Zhion. Bigla akong natigilan...may tumatawag ba sa akin?

Sa pangalan na iyon?

Napalingon ako.

" May problema ba Master Zhio?"

Napabuntong-hininga ako.

Guni-guni ko lang siguro...

" Wa..."

" Zhionn!"

At nahagip ng paningin ko ang ilang security na may hinihilang babae palayo...

" Claire..." Ang tangi kong nasambit habang nasa kalagitnaan ng pag-iisip ko...

" Ano ba! Bitiwan niyo ako sabi!" Sigaw nito...

Si Claire nga.

" Master Zhio."

" Tigilan niyo sila."

Nagsibaba ang mga tauhan ko...

Bumaba rin ako...at lumapit sa kanya...

<<< Claire>>>>>

Di sa inyo na ang pasaway na lalaking yun!..

Tss..nasasaktan na ako!

Bigla nila akong binitiwan ... Kaya napaupo ako sa sahig...

Aray...

" Sabi ng bitiwan niyo na ako eh!... Tsk! Magsama-sama kayong lahat!"

Tumayo ako... Pinagpagan ang pwet ko ng...

" Ayan na sa inyo na ang pasaway na lalaking yun!" Dinuro ko yung lalaking papalapita sa amin... Sino pa ba si Zhio!

" Magsama-sama kayo ! Asar!"

Saka tumalikod na ako...

Naglakad ...

Tsk!... Sino ba siya... diyos ba siya para magkandarapa akong habulin siya. Tsk!

Oo na siya na ang mayaman. Tss...

Nang may humigit ng braso ko...

Hinarap niya ako...

" Tatalikuran mo na naman ako."

Biglang tiklop yung bibig ko... Ang kaharap ko ngayon ay si Zhio.... At si Zhio talaga hindi si Zhion!

" Narito ka para pigilan ako."

Oo!

Pero Hindi!...

Oo dahil gusto kong marinig yung gusto niyang sabihin sa akin kagabi...

Hindi! Dahil ang yabang niya! Tss...

" Huwag mong sabihin may gusto kang habulin sa akin."

Bigla kong pinakawalan ang ngising aso ko...

Tss ... Minsan lang yun makita ng iba.

Hinila ko ang braso ko sa kanya...

Aba ang kapal ng mukha niya...

" Oo. May hinabol ako para sa'yo. Heto oh..."

Saka hinagis ko sa mukha niya.

Masakit...

Yan ang makuha mo!

Walang nagawa yung tauhan niya sa ginawa ko.

" O ayan lang.Bye Zhio....

...At salamat kay Zhion..." Mahina kong sinabi...

...Sayang masaya sana ako na makilala siya. Mag-iingat na lang siya."

Saka tumalikod na ako at tumakbo...

Pumunta sa kinatatayuan ni Deo.

Ngunit ang di ko nagugustuhan...

Bakit ako umiiyak?

" Tara Deo, Uwi na tayo..." Habang pinupunasan ko ng mga kamay ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko.

" Miss Claire..."

" Umuwi na tayo... Sunod ka na lang..."

Naglakad na ako..na ikinasunod ng tahimik ni Deo.

avataravatar
Next chapter