55 Chapter 54 Ramble

<<< Claire>>>>>

Halatang nakakonsentrate si Deo sa pagmamaneho. Hindi siya nagsasalita...

At gumagawa ng paraan kapag natatraffic. Kahit saan-saan siya lumulusot upang maiwasan lang ang traffic na yun.

Ngunit higit sa lahat... Ang nais ko lang... Maabutan namin si Zhio...

Sana bago siya umalis... Makahingi ako ng tawad at maibalik ito sa kanya.

<<<<< Zhio>>>>>>>>>

" Zhio!" si Dr. Eriez na nasa kabilang linya habang nasa sasakyan ako papunta sa Airport.

" Sa tingin mo ba! Yan ang magandang sulosyon!...."

Sa inis ko bigla kong hinagis sa labas ng bintana ang cellphone ko...

Tss... Ang bibig no'n parang di bibig ng lalaki.

>>>>>>>>

" Deo... Bakit hindi mo siya tawagan."

" Sige."

Kinuha niya ang cellphone niya ng...

" Uncoverage Area."

Na lalong ikinatulin ng pagpatakbo ni Deo ng sasakyan.

Malapit na kami sa Airport... Kunti na lang...

Nang maipark ni Deo... Agad akong bumaba...

Nang matigilan ako...

Ayun... Kakarating palang nina Zhio.

Kaya nga lang agad na pinagkaguluhan si Zhio ng mga tao... Kaya naging mahigpit ang bodyguard nito.

Namalayan ko na lang tumakbo si Deo...

Kaya napatakbo na rin ako...

<<< Zhio>>>>>>>

Dahil hindi si Zhio ang nag ayos sa pag-alis ko... Tsk... Heto ang daming taong nakabantay sa akin.

Pinipigilan ng mga tauhan ko ang mga taong gusto sa akin makalapit.

Hangang sa makapasok ako sa loob ng Airport.

" Sir Zhio!"

Paakyat na ako sa hagdan. Hindi na ako lumingon kung sino man yun.

<<<< Claire>>>>>

Ampupo... Nadapa ako.

Pero tumayo ako para sundan si Deo.

Ayun nakita ko na si Zhio ...

Kahit anong tawag ni Deo... Di ito lumilingon sa kanya. Kinuha ko ang Dollshoes ko...

Pinalipad ko yun...

Kaso ang tinamaan... Yung matabang security...

Hmp!

Kaya nakuha pa tuloy ang atensyon naming dalawa ni Deo.

Teka? Tauhan diba si Deo ni Zhio?...

Tinignan ko siya...

" Deo di'ba tauhan ka niya..."

"... Hindi na sa ngayon Miss Claire... Mahabang kwento.."

Huwhat!

Tumampad sa amin ang dalawang malaking security guard.

Ayun na si Zhio... Nakapasok na.

" Anong oras ang flight niya?"

" Private plane ang gagamitin niya Miss Claire... Sa oras na nakapasok na siya ng eroplano... Lilipad na yun."

!! Bakit ngayon mo pa lang sa akin sinabi.

Kinuha ko yung isa ko pang Dollshoes...

" Sikmurahan mo yung isa... At lilinlangin ko yung isa..." Bulong ko kay Deo...

Napatango siya...

" Mister ano yun!"

Yung oras na napalingon yung securiting mataba sa direksyon kong tinuro... Binatukan na rin ni Deo yung isa pa...

Kaya nakalusot ako... At tumakbo hangang sa makakaya ko. Tsss... Pasaway ang lalaking yun!

May humahabol sa akin si Deo...

At sa likuran niya...

Daming security...

Nakababa na ako ng hagdan...

Ayun Siya!

Papasok na ng sasakyan...

Tumatakbo ako sa may airway...

Tsk!...

May mga pasalubong pang mga guardia sa akin...

Blee... Di ako magpapahuli!

Infairness ang sakit na ng paa ko!

Ilang hakbang na lang...makakapasok na siya sa loob ng eroplano!

Nang mahawakan ako ng isang security..

" Ano ba!"

Hinila nila ako pabalik...

Wala na akong Choice...

Kundi gamitin ang

Ultra-mega Audiophone na bosess ko.

Sana lumingon ka naman kahit kunti!

" ZHIOOOON! ANO BA! ZHIO!."

avataravatar
Next chapter