53 Chapter 52 Hopefully

<<< Claire>>>>>>>>>>

Yung mga matang galit...

Gusto kong titigan yun... Dahil alam kong nasasaktan siya...

Lalong-lalo na ako...

Nakakaramdam ako ng sakit na di ko maintindihan kung bakit.

No'ng tumayo siya at umalis...

Halos may umiiyak sa loob ko...

Gusto ko siyang tawagin ..

Ngunit sino ako para tawagin siya...

Sino ba ako....

Wala....

Wala...

Halos gusto kong umiyak sa mga oras na yun...

" Deo... Sa tingin mo ba nagalit si ... Zhio sa pagtalikod ko sa kanya... Kanina."

Tinignan ako ni Deo habang nagmamaneho.

".. Sa tingin ko dapat kayo nag-usap sa mga oras nA yun Miss Claire."

" Ha?."

"... May mahalagang sasabihin sa mga oras na yun si Sir Zhio..."

"... Ano yun."

Umiling si Deo.

Ngunit ngumiti siya...

"... Pero parang kailangan niyo talaga mag-usap. How about tomorrow Miss Claire."

"... Kung yun hahayaan niyang kausapin ako sa ginawa kong pagtalikod sa kanya."

" ... Well , siguradong haharapin ka niya... Ako ang bahala. "

" Uhm... Oo... Kailangan ko rin pala ibalik yung mga coat na pinahiram niya sa akin. Saka bilang peace offering ipagluluto ko siya!" sabik kong sabi kay Deo.

"SURe!... Maganda nga yun. Basta ang mahalaga kailangan niyo mag-usap... Tatawagan kita bukas."

Tumango ako.

Itinigil sa tapat ng gate ni Deo ang sasakyan niya... Na sinakyan namin ni Zhio... No'ng si Zhion pa ang pagkakilala ko sa kanya.

" Salamat Deo sa paghatid." Ng lumabas ako.

" Utos ni Sir Zhio na siguraduhing ligtas kang nakauwi...Goodnight Miss Claire."

" Ha?!"

Pero sinarhan na ni Deo... At pinatakbo na ang sasakyan...

Utos ni Zhio?...

" Parang hindi ang magaling mong boyfriend ang naghatid sa'yo." si kuya Dexter.

Naka-cross arm.siya... Sa pinto mismo..

Hawew?!... Siya ba'to?..

" Ah eh... Busy siya sa mga bisita nila., kaya di na ako nagpahatid sa kanya... Sumabay na lang ako dun sa kaibigan niya."

Wew... Minus point kay Saint Peter...

" Binastos ka na naman ba ng gagong yun."

Pumasok na ako ng bahay... Pero nakasunod parin ang titig niya sa akin.

" Hindi ah. Uhm... Pormal na okasyon yun. 'To talaga. Bakit di ka pa natutulog?"

"... Ano pa nga ba hinintay ka umuwi. Tss... Umakyat ka na nga ..."

Napatango na lang ako...

Ano nakain ng isang yun?...

Infairness effective.

Umakyat na ako sa silid ko.

Pagkapasok ng pagkapasok ko...agad kong inalis ang heels ko... Saka binato yun sa tabi...

Namaga ang paa ko dun... Tss.

Kumuha na ako ng pambahay na damit... Hinila yung twalya... Pumasok ng banyo at naligo...

Nanipilyo ng...

Bigla kong maalala na hinalikan ako ni Derick.

Kaya naman paulit-ulit akong nanipilyo...

Huhuhu... First kiss ko yun...

Ay hindi... Hindi ako yung humalik mismo... Means di ko pa yun first kiss... Dapat ako yung humalik... Hehehe...

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin...

Nang maalala ko si Zhion...

Si Zhio... At Zhion ay iisa...

Tsk. Di pa rin ako makapaniwala...

Sayang eh...

Sayang? Huh?...

Ah ehhh... Ewan.

Yan para na akong baliw ano...

Lumabas na ako ng banyo...

May tumutunog...

Cellphone ko...

At ang caller...

Tss... Si Derick.

" Hello."

" Nasaan ka."

" Nakauwi na..."

" What?! .."

" Nakauwi na ako... "

" Claire ... Kala ko ba dito ka matutulog."

" ... ' ayoko nga. Nakakahiya saka kababae kong tao no?"

" Tsk. Sino ang naghatid sa'yo?."

" Eh..."

" Nakita ka ng security dito na sumakay ka ng sasakyan... Sasakyan ng secretarya ni President."

" Ah si Deo. "

"... At kilala mo siya."

" Ano, siya yung sinasabi ko sayo na kilala kong nakita ko. Kaibigan ko lang siya... Kaibigan. "

" Sigurado ka."

" Oo... Promise."

"... Sige, sinabi mo..."

" Goodnight... Derick."

" Goodnight princess, by the way tomorrow three o' clock... Susunduin kita sa inyo."

" Para saan?"

Susunduin na Naman!

" Secret. Ako na ang bahalang ipagpaalam ka. See yah tomorrow Princess. I love you so much."

"... Ok."

Press... End call.

Nagpagulong-gulong ako sa higaan ...

Nang tumapat ang paningin ko sa dalawang coat na nakahanger...

Yung Coat ni Zhion....

Na coat ni Zhio...

Tumayo ako at kinuha ko yun.

Bumalik sa higaan ko.

Kaya pala parang ang mamahal nito dahil... Ang totoo naman talaga ay Oo... Dahil ang may ari nito ay walang iba kundi ang Presidente ng Zel Cantheliz Corporation.

Napabuntong hininga ako...

Kung dati rati ang tingin ko sa kanya ay kasing taas ng twin tower...

Ngayon... Impossible ko ng makita sa sobra niyang taas...

Nagulat na lang ako ng bigla kong amuyin ang telang yun.

Mabango... Eh di nga naalis ang amoy nito kahit ilang ulit ko ng nilabhan. Ibang klaseng perfume siguro ang ginamit niya...

Oo.. Ganito lagi ang Amoy niya... Mapa- Zhion man o Zhio...

Bukas kailangan ko na'tong isauli... At bahala na kung ano pa ang mangyaring kabiguan ko.

Namalayan ko na lang ang sarili ko... Unti-unti ng pumipikit...at nakatulog habang nakayakap sa damit na yun.

Ginawa ko lang na unan...

<<< Zhio>>>>>>

" Mas mabuting sa kabilang silid ka muna magpahinga Master Zhio." si Sya.

... Tumayo ako. At naglakad sa silid na yun.

Aaminin ko...

Di ko talaga nagugustuhan ang pakiramdam kong 'to. Ayoko ng ganito...

avataravatar
Next chapter