51 Chapter 50 Heartache

>>>> Zhio >>>>>>>>>>>>

Nang umalis si Claire kasama si Derick...

May mali akong naramdaman sa sarili ko...

Maya-maya lang...

Tumayo ako at umalis sa mesang yun.

Sinundan ako ng mga tauhan ko.

Tumigil ako sa.paglakad...

" Don' t follow me." Nang maglakad ako... Wala ng nagtangkang sumunod sa akin.

Nakita ako ni Deo.

" Sir, kakausapin niyo ba sila?".

" Nope. Gusto ko lang makausap si Claire."

" Kasama po ni Miss Claire si Mr. Derick..."

" Nasaan sila.."

" Dito sir..."

Sumunod ako kay Deo.

Ngunit di ko nagustuhan ang nadatnan ko...

Na halos kumilos ang mga binti ko na pag-hiwalayin sila...Nakayakap si Derick kay Claire.

Ang sumunod na nangyari ang ikinatalikod ko..biglang hinalikan ni Derick si Claire.

Tss... Parang nakaramdam ako ng ... Sakit bigla... Na halos di ako makahinga.

" Just call me , kapag tapos na sila."

" Ye-yes Sir."

Umalis ako na di ko alam kung saan pupunta.

Nang may tumawag sa akin.

Hindi ko nilingon ang malanding boses na yun... Nandidiri ako.

Pero patuloy niya ako sinusundan at tinatawag.

Natigilan ako....sa pag-iiskandalo ng babaeng to sa pangalan ko.

" Zhio , kausapin mo naman ako."

Marami na ang nakamasid...

Wala akong pakialam kung...

" Talk to my Hand!"

"..."

Natigilan siya.

At ngumisi ako...

"Tss... Don' t make yourself so annoying.."

Naglakad na ako .. Nang tangkang sundan pa niya ako... Nagsidatingan ang mga tauhan ko upang pigilan siya.

Pumunta ako sa isang terrace... Doon ako nagpahangin... Mag-isa.

Nakakarandam ako ng kakaibang pakiramdam na halos... Pumipigil sa paghinga ko.

Inis na inis ako...

Na ikinakabuntong hininga ko.

Napapikita ako...

Nang... F*ck! Bakit pati yun kailangan ko pang makita. Halos ... Parang... Biglang may gumuho sa pagkatao ko.

Ano ba talaga... Mahal ba niya si Derick O hindi!.

Bakit hinayaan niyang halikan siya ng gagong yun. Tsk.

Kailangan na talaga niya malaman ang totoo.

Para matapos na'to.

Bumalik ako...

At si Deo at Claire na lamang ang naabutan ko...

" ...Wala...halos wala tayong makita.At kung di dumating sa buhay namin si Derick... Siguro pati buhay ko naisanla na."

Ayoko na talaga ito , patagalin pa.

" Naisanla. .. Talaga namang nakasanla ka ngayon lalo na sa utang na loob mo kay Derick."

Ngunit parang wala siyang narinig.

Apektado nga siya sa mga natuklasan niya tungkol sa akin.

" ... Babalik na ako."

Naglakad siya at parang hangin akong dinaanan.

Isa lang ang ibig sabihin .

Hindi ko kailangan sabihin sa kanya ang totoo...

Bahala siyang mabulag sa kasinungalingan ni Derick.

" Tss...Mas mabuti ngang makulong ka sa kasinungalingan ng kasintahan mo . Sana maging masaya ka."

Natahimik ako ng husto ng umalis siya...

May di akong nagugustuhan na nararamdaman ... Parang nasasaktan ako.

" Sir..."

" Di na niya kailangan malaman ang totoo...Para saan pa Deo. Di ko siya kailangan."

Bumalik kami sa mesa.

Naroroon na siya.

" Well, may magandang sasabihin yata ang Vice-President ng Crysastic Corporation."

Tinignan ko si Derick. Nakangiti siya... Hawak -hawak niya ang kamay ni Claire.

Tss.. Inupakan ko na sana ' to ng lubusan.

Ang yabang.

" Soon, may tatawagin na kayong Mrs. Derick Brundon."

Bigla silang nagsipalakpakan.Tsk...

Ininom ko ang tubig sa baso...

Pilit na ngiti naman ang pinakawalan ni Claire... Di sa pagmamayabang kilala ko ang tunay na ngiti ng babaeng yun.

" Kung ganoon ikakasal ka na?". pag-interrupt bigla ni Dr. Eriez. .."... Kailan?..."

" Wala pang eksaktong araw ngunit sa loob ng susunod na buwan." At tinignan niya si Claire... Yan... Ngumiti ka lang ng ganyan... Tss...

" I think it would be an awaiting day for the company. Let's toss for the new couple."

Hindi na ako nakisabay sa kalokohan nila...

" Cheers..."

Tumayo na ako at tuluyan ng dumiretso sa labas. Walang kwenta.

Ngunit...

" Sir?."

" Maiwan ka muna rito at siguraduhin mong nakauwi ng maayos si Claire."

Inaalala ko parin ang kaligtasan niya...

Tsk. Ano na bang nangyayari sa akin...

Lalo na itong... Paninikip ng dibdib ko....

avataravatar
Next chapter