50 Chapter 49 The Stars

" Miss Claire. "

Isa lang ang taong tumatawag ng gano'n sa akin...si Deo... At ng lingunin ko... Si Deo nga.

"Juice..."

Umiling ako.

" ... Nag-iisa ka?."

Tumango ako.

" Deo.... Bakit di mo kaagad sa akin sinabi yung totoo."

Naupo siya sa may railings.

Pinaikot-ikot ang laman ng baso...

" Miss Claire... I'm sorry. Wala kasi ako sa posisyon na sabihin sa inyo ang totoo. Tanging si Sir Zhio lamang ang maaring makipagkilala kung sino siya. Sinakyan ko lang siya dahil trabaho ko yun. Boss ko siya ..."

"Tss... Mapanlinglang talaga ang mga mayayaman. Mahilig silang makipaglaro... Lalo na sa isang tulad ko. Basta wala akong kasalanan sa kanya. Malinaw na malinaw.Wala akong atraso sa kanya."

Ngumiti si Deo.

" Kahit kailan hindi kayo magkakaroon ng atraso sa kanya.Bakit Miss Claire, sa nalaman mo ba ngayon... Magbabago na ang paningin mo sa kanya.?"

"... Syempre... Ayoko ng magpakita pa sa kanya."

" Sa kabila ng pinagsamahan ninyo? Kaibigan ang turing na niya sa inyo Miss Claire."

" ... Mahirap makisama sa mga mayayaman. Hindi ako nababagay sa mga ganong klaseng tao..."

"..."

" Nasasakal ako sa kanila Deo."

" Tulad ni Mr. Brundon?"

Napatango ako. Hirap na hirap na talaga ako...

" Yang mga kumikislap na butuin na yan... Sila lang yung napapansin ng mga mata natin... Sila yung mga mayayaman. Habang yung mga batonh palutang-lutang dyan... Ni aninag ... Wala...halos wala tayong makita.At kung di dumating sa buhay namin si Derick... Siguro pati buhay ko naisanla na."

" Naisanla. .. Talaga namang nakasanla ka ngayon lalo na sa utang na loob mo kay Derick."

Kilala ko ang boses na yun na halos nagpalakas ng tibok ng puso ko.... Dahil sa sobra akong kinakabahan.

Hindi ako makapagsalita.

Biglang tumayo si Deo...

At bago pa umalis si Deo... Inunahan ko na siya.

" ... Babalik na ako."

Naglakad ako..at dinaanan ko lang si Zhio.

Nangangatog ang buo kong katawan ng lumampas ako sa kanya.

Ngunit... Nakahinga ako ...

" Tss...Mas mabuti ngang makulong ka sa kasinungalingan ng kasintahan mo . Sana maging masaya ka."

Yun...

Yun ang salitang lalong- ikinatakot ko.

Ang takot na nararadaman ko...ay ang takot na lalo pa siyang mapalayo sa akin.

Wala na.

Malayo na kami sa isa't-isa.

Salamat na lang ....

Zhio.

avataravatar
Next chapter