49 Chapter 48 If she only knows

Parang mahihimatay ako...

Lalo na ng magtama ang mata naming dalawa...na agad kong ikinabawi.

Panaginip lang ito diba?...

Ibig ba nitong sabihin... Ang taong nakakausap ko ay walang iba... Kundi Si Zhio...

Napakagat-labi ako.

" Claire...ayos ka lang? Namumutla ka?"

Ibig lang nitong sabihin...

Alam ng Presidente ang ginagawa ng Vice President sa akin...

" Nagagalak kaming pinaunlakan mo ang inbetasyon namin."

Nagulat ako kasi nasa harapan ko na siya..

Nakikamay sa kanya yung ama ni Derick.

Kasunod ni Derick.

Si Deo... Hinila niya yung upuan na wala pang nakaupo kanina sa tabi ko...

Tinignan ako ni Deo...

Ngumiti lang siya...

" Sir..." Tawag niya kay Zhion...ay este Zhio...

Kung gano'n ... Boss ni Deo si Zhio...

Pinaglalaruan ba nila ako.?..

Tinignan ako ni Zhio...

Napayuko ako...

Hinigit ako ni Derick sa tabi niya...

" Nga pala... Fiancei ko."

Tinignan lalo ako niya... Bigla itong ngumisi... Ngunit nakatitig sa akin.

" I see ."

Saka siya naupo sa hinilang upuan ni Deo.

Bigla kong nahawakan ng mahigpit ang braso ni Derick... Kung hindi mahihimatay ako ng Dis-oras.

" Okey ka lang." Mahinang tanong sa akin ni Derick...

Nakaupo na sila... Pwera saming dalawa.

Napatango ako... Kahit hindi naman.

Inalalayan ako ni Derick maupo sa upuan ko...

Katabi ko si Zhio..

Bakit 'to nangyayari.

Ayoko ng ganito... Naiilang ng dahil sa mga taong nasa paligid ko... Lalo na si Zhio.

Tahimik lang Si Zhio habang ina-assist ng ilang waitres... Habang si Ako...nakayuko lang sa pagkain ko.

Ayun... Nagbusiness talk sila...

Hindi naman nagsasalita si Zhio...

Tumatango at yung abogadong sinabi ni Derick kanina ang nagsasalita para sa kanya.

Heto... Pinaglalaruan ko na lang ang pagkain ko.

Nang marandaman ko... May nakatitig sa akin... Kaya napalingon ako kay Zhio... Nakatitig siya sa akin at nagtama ang paningin namin... Binawi ko ang tingin kong yun.

Tuloy Lalo akong kinabahan...

Di napapansin ng tao na pinaglalaruan ako ng mga titig na yun ni Zhio.

Kaya naman...

" Excuse me." Tumayo ako.

Wow... Tama ba ang ginawa ko?Nakuha ko lang ang buo nilang Atensyon.

"What's wrong Darling?." Si Mrs. Brundon .

"... May pupuntahan lang po ako."

" Samahan na kita." Tumayo na rin si Derick .

Hinawakan niya yung kamay ko... At umalis na kami roon.

" May problema ba Claire."

" Wala naman."

" Pasensya kung gano'n ang pinag-uusapan namin."

" Ah , hindi Ok lang. Kailangan ko lang siguro magpahangin muna..."

" Bumalik ba yung kaba mo?"

" Di nga nawala eh... Ayus lang muna ako rito. Kailangan ka nila roon."

" Wala kang makakasama."

" Meron. May nakita akong kakilala ko rito..."

" Sino?."

" Basta. Magiging mas maayos ako dito. Balikan mo na sila."

" Kung yun ang gusto mo . Sige, babalikan na lang kita rito."

" Sige". At ngumiti ako bilang assurance niya na magiging ayos lang ako.

Nang bigla niya akong halikan sa noo.

...nagulat ako...

Ang sabi kapag hinahalikan ka ng lalaki sa noo... Mahal ka niya at labis na nirerespeto...

Talaga bang nahulog na ang damdamin ni Derick sa akin.

" Pasensya na kung dinala kita rito."

" Hm-mm okey lang."

" Hindi ka man lang nag-eenjoy."

" Birthday 'to ng Dad mo. Dapat siya ang mag-enjoy."

Bigla niya ako niyakap.

" Hm-mm.. Bakit?"

" Lalo pa kitang minamahal dahil magaling ka mang-unawa."

"..."

" higit sa lahat di nagbabago ang kabaitan mo."

" Mabait lang ako sa taong mabait din sa akin."

" Mahal mo rin ba ang taong minamahal ka."

" Oo."

Nanatili niya akong niyayakap.

" kapag sinaktan ka ng isang tao... Sasaktan mo rin ba siya?."

" Oo.."

Ngunit nagulat ako....ng bigla niya akong halikan sa labi...

Smuck kiss... ???

" Sinungaling ka. "

"Ha?"

"Alam mo bang ilang -ulit na kitang nasaktan dahil sa pagkabigo ko sa mga pangako ko sa'yo... But look... Patuloy mo akong pinapatawad. Ang ibig lang sabihin... Mahal kita...at Hinahayaan mong suklian din ako ng pagmamahal ko... Ngunit yang puso mo hindi pa niyan ako kayang tangapin bilang kapareha mo... Kundi isang kaibigan lang. Mabait ka sa lahat ng tao Claire. Kaya nga lang kinakawawa mo ang sarili mo... Sabihin mo nga Claire... May pag-asa ba talaga ako sa'yo?."

Sa sinabi ni Derick...

Nakaramdam ako ng lungkot...

Ayoko ng magkunwari pa...

Napapagod na ako...

Halos gusto ko ng umiyak...

"Ang totoo niyan..gusto kitang mahalin . Ngunit...hindi ko masisiguradong..."

Muli niya akong niyakap.

" ipatuloy mo lang makikinig ako."

" Di ko nasisiguradong matutunan ko ngang mahalin ka. Ayokong umasa ka sa wala at hintayin pa akong matututo..."

Lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

" No... Maghihintay ako Claire. Mahal na talaga kita eh... Di

Ko na kayang mawala ka sa akin."

Ba't ganito si Derick.

Marami pang babae na mas karapat-dapat sa kanya...

Binitiwan na ako ni Derick.

" Sige na. Baka hinahanap ka na nila doon."

" Sige. Bumalik ka na lang dun kapag okey ka na... At kapag tumagal ka pa rito baka babalikan kita."

Iniwan na niya ako...

Tinignan ko ang langit... Ang daming butuin... Halos nagnining-ning ang lahat.

avataravatar
Next chapter