40 Chapter 39 Damn Claire

No'ng makita ko siya. Nagulat ako...

Hindi ako makapaniwala na magsusuot siya ng gano'n. Napakaikli ng sout niya.

Napailing ako...na halos gusto ko na siya lapitan at ilabas sa lugar na ito...

Ngunit naupo na lamang ako sa isang sulok at nagmamasid sa kanila.

Lasing na ang mga kasamahan niya lalo na si Derick.

Halatang umiiwas si Claire at pilit niyang tinatangihan ang alak.

Halos bakas na sa mukha niya ang kaba at takot. Tss...

" Kanina pa kitang nahahalata pare na tinititigan mo ang babaeng yun."

Na biglang ikinaupo ng lalaki sa harap ko.

" Bawal bang bantayan ang kapatid ko."

NA ikinagulat ng lalaki.

" ... Kung ganoon pakigabayan mo ng maayos ang kapatid mo... Halatang pinaka inocenteng tao dito."

" Wala akong tiwala sa lalaking nangyaya sa kanya dito."

" Haha. Lahat ng tao dito hindi makakapag-tiwalaan . Ngayon ka lang dito napadalaw... Sayang no'ng isang araw ... Nagwala ang lalaking yun... Ng nalamang nilayasan ng kapatid mo siya. Umalis siguro nabastos at di kinayanan."

" kailan siya simula nagpupunta dito."

Habang nakatitig ako sa pwesto nina Claire. Pinagpipilitan ni Derick sa kanya ang munting baso na ang laman nakakasiguro ako na alak.

Lasing na ang lahat nitong kasama pwera kau Claire. Halatang naasar na si Derick sa pagtangi ni Claire.

" Mag-iisang linggo."

At bigla akong napatayo ng ibato ni Derick ang baso sa sahig na ikinagulat ng ilan. Lalong bumakas ang takot niya ..

" Hindi ka ba iinom!"

Saka nagtawanan ang mga kasamahan nito. Sa inis ni Derick bigla nitong itinumba ang mesa upang magsanhi ng ingay.

Bago pa man makalapit si Derick, kay Claire..

Sumalubong na sa kanya ang kamao ko .

Agad kong hinila si Claire palabas ng lugar na yun.

Umiiyak siya. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan.

" Pasok."

Tinignan niya ako, saka siya pumasok.

Hinubad ko ang aking Coat ..

At inihagis ko sa kanya .

" Isuot mo yan."

Saka ako pumasok ng Sasakyan.

At nakita ko Sa side mirror ang paglabas ni Derick sa bar at tauhan niya.

Mabilis kong minaneho ang sasakyan.

May sumusunod sa amin.

Kaya naman para maligaw ko ang mga sumusunod sa amin... Kahit saan-saan ko pinasuot ang sasakyan ni Deo... Hangang sa makompirma ko na nailigaw ko na sila.

" Claire , hindi ko yan binigay sa'yo upang pamunas ng luha mo. Pinapasuot ko yan sa'yo."

Hindi siya kumilos.

Inihinto ko ang sasakyan... Na halos di ko alam kung nasaang kalsada na ba kami.

Kinuha ko yung coat at ako mismo ang naglagay sa magkabilang balikat niya.

"... " Patuloy siya sa pag-iyak.

Sinong lalaki ang di makakaramdam ng sympatya kapag umiiyak ang isang babae.

Ewan, bigla ko na lang siya niyakap.

Nang yakapin ko siya... Hinayaan lang niya ako. Pero lalong lumala ang paghikbi niya.

" ... Ligtas ka na Claire."

Sa mga yakap kong yun... Alam ko kahit paano maiibsan ang kabang nararamdaman ng babaeng 'to. Alam ko sa mga oras na yun ang takot na naramdaman niya ... Ay labis na nagpapalamig sa kanya ng husto.

Tinapik ko ang likuran niya ... Habang nakalugmok ang mukha niya sa aking dibdib... Na halos binabasa na niya ng kanyang luha ...

Kapag nasa ganitong situation ang mga babae... Wala silang magawa kundi umiyak.

Nakalipas ang kalahating oras... Wala na akong narinig ... Kundi ang hikbi niyang mahina... Napabuntong hininga ako... Parang tulog na siya... Malalim na rin ang gabi.

Dahan-dahan ko siyang inayos sa pagkaupo-higa. Minaneho ko na ang sasakyan... Hangang sa... Di ko talaga makilala ang kalyeng ito.

Napatanaw ako sa labas...

Hotel.

Dahil may byahe pa ako bukas... Kailangan ko din magpahinga. Ipinark ko ang sasakyan sa parking area ng hotel. Inayos ko muna si Claire bago ako lumabas.

" Heto po ang susi Sir. Second floor. Room17."

Pinuntahan ko muna ang silid...binuksan ang pinto.

Saka ko binalikan si Claire.

Nadatnan kong nagigising na siya.

Pagkamulat niya.

" Pss... Huwag ka na mumang magsalita diyan. Bumaba ka na muna."

Inaabot ko sa kanya ang kamay ko.

Inabot rin niya at lumabas.

" A-asan tayo."

" Sa hotel."

Bigla naman may rumihistro sa mukha niya.

" Tss... May gana ka pang mag-isip ng ganyan. Di ko kilala ang lugar na'to...at pagod na din ako kaya dito na muna tayo magpalipas ng gabi."

Tinignan niya ako... Kaya hinila ko na siya.

" Te-teka lang."

Kaya naman pala ang hirap hilain ng babaeng 'to dahil sa suot niyang heels.

Kaya ... Ipinahubad ko sa kanya ang heels at itinapon ko yun.

" Zhi- Zhion." Ngayon nakapaa na siya.

" wala ng marami pang Sat-sat.. Tara na."

Hindi siya kumilos.

At talagang ngayon pa siya nag-inarte.

" Ayaw mo maglakad."

Di siya sumagot. Kaya binuhat ko siya ...

"... Ano ba ibaba mo ako. Kaya ko maglakad ."

Tsk. Ibinaba ko siya.

" Sumunod ka sa akin."

Sumunod siya sa akin. Tinignan siya ng mga tao sa loob... Tsk! Ang iksi kasi ng suot...

" Sa susunod wag na wag ka ng magsusuot ng ganyan. "

Bukas ang pinto ng silid . Pumasok ako...

Dumiretso ako ng banyo... At naghilamos...

Paglabas ko... Nasa labas parin siya.

" Tss... Ayaw mo bang pumasok? Ha."

" Eh..."

Sinarhan ko siya ng pinto.

Ngunit binuksan ko ulit.

" Pasok. "

Saka ko itinumba ang sarili ko sa kama.

" Matulog ka na lang... Mauna na ako."

Pagod na ako... At kapag gano'n ang situation ko ...agad akong nakakatulog.

avataravatar
Next chapter