39 Chapter 38 He start to Acted

Zhio >>>>>>>>>>>>

Ipinakita ko ang mga larawan nang batang gusto kong kupkupin sa aking Ama-amahan. Na halos ikinahimatay ni Dr. Eriez. Senyales na hindi niya gusto ang desisyon ko.

" Yan na naman ba ang bunga ng boung linggo mo Zhio."

" Zhio! Hindi maganda ang ginagawa mo."

" Buo na ang Desisyon ko."

" Hindi kami umaasa na dito magtatapos ang dugong Zel Cantheliz. May Siyam ka pang araw... Sana habang may oras ka pa... Huwag na huwag mo na sana itong aksayahin sa walang kwentang ginagawa mo."

Saka sila umalis.

Napahaplos ako ng aking kamay sa mg mukha ko. Bakit pa sila umaasa.??!

"Deo."

"Sir."

"Si Claire. Kamusta siya."

" Nasa mabuting kalagayan na po ang pamilya niya."

" Si Claire ang tinatanong ko... At yung tungkol sa kasintahan niya."

" ... Sir gusto niyo po ba talagang malaman kung sino ang kasintahan niya?"

" Sino..."

" Ang Vice presedent ng Crysastic Corporation... "

" Si Derick Brundon!?."

" Opo..."

Bigla akong napatayo.

" Napaka-antipatiko talaga ng lalaking yan. Kaya naman palang tiwalang-tiwala si Claire na siya ang mismong tumutulong sa kanila."

" I'm sorry to hear it Sir. Kaya nga lang po... Kung concern po kayo sa kaligtasan ni Miss Claire... Nanganganib po siya ngayon... Balita sa akin kanina ng tauhan na pinapasubaybayan ko."

" anong ibig mong sabihin.!"

" Kasama po ni Vice presedent Brundon si Miss Claire sa pinaka-wild na bar dito sa lugar natin. At nasisiguro ko na hindi nababagay si Miss Claire sa lugar na yun."

" Deo... Sinabi mo bang wild masyado ang bar na yun.'

" Opo."

" Ibig sabihin wild din ang mga tao roon."

Napalingon ako.kay Deo.

" Pwera kay Claire."

Walang sandali...

" Deo. Susi."

"Sir. Mag-iingat po kayo."

Agad akong lumabas ng kompanya.

Nagmadali sa Bar na kinalalagyan ni Claire.

Pumasok ako. Maingay...magulo...ngunit isa lang ang gusto kong makita

....

Si Claire .

avataravatar
Next chapter