38 Chapter 37 He doesn't know that she is he want to treasured.

" Nauunawaan namin Zhio na hindi madali makapaghanap ng babaeng mamahalin. Kaya nga ganito kami ni Dr. Eriez. Ngunit ang iyong ama kahit paano umibig at hindi na pinakawalan pa ang iyong ina. Kaya nga naging matagumpay ang responsibilidad niya... At ang tagumpay na yun ay ikaw. Ngayon... Ikaw naman ang susubok kung magtatagumpaybka rin ba."

" Tss.. Magkaiba ang situation namin."

" Magkaiba? Oo, may oras na humahabol sa'yo . Ngunit alam naming may dumating na bagong babae sa buhay mo."

Na bigla kong ikinatingin sa dalawa kong ama-amahan.

Posible bang may nalalaman sila tungkol kay Claire. Tss... Possible.

" Sa tingin na yan Zhio. Meron nga."

" Meron. Ngunit huwag niyong idadamay sa gulong 'to ang babaeng yun. Magkaibigan lang kami at sa kasalukuyan may kasintahan na siya."

" Oh com'on boy. Magkaibigan lang kayo?. Nakakapanghinayang naman na malaman na magkaibigan lang kayo."

" Yun na yun. Wala siyang kinalaman sa problema ko."

" Paano kayo nagkakilala ng babae?"

" ...hindi yun importante para malaman niyo pa."

" Magdedetalye ka lang pinagdadamot mo pa.."

" Tsk. Walang katuturan ang pag-uusap na ito kung siya ang pag-uusapan natin. "

" Problema sa'yo sinasarili mo lang yang nararamdaman mo. Impossibleng walang special kang nararamdaman para sa kanya. Kilala ka namin Zhio. Hindi ka nakikipagkilala sa mga taong wala namang parte sa buhay mo."

" Alam mo Zhio. Kung lagi kang ganyan...ewan lang kung magkaroon ka ng pamilya at higit sa lahat magmamana ng kompanya ninyo."

Bigla kong inilayo ang paningin ko sa dalawa. Yun ang punto sa problemang to... Sino ang magmamana ng pinaghirapan namin... Kung wala nga akong magiging anak.

" Simple lang ang sulosyon diyan. Ang umampon ng bata."

Na hindi kaagad ikinareact ng dalawa...

" Tama ba ang narinig ko Zhio. Mag-aampon. Nayiyibang ka na ba! Gusto mong ipamigay na lang ang pinaghirapan niyo! Walang kwenta!"

" Dr. Eriez... " si Atty. Wenziel.

"... Ganito na lang Zhio habang may oras pa gumawa ka na ng hakbang. Ikaw na lang ang nag-iisang may taglay ng dugong Zel Cantheliz."

" Yun na ang pasya ko. Wala na kayong magagawa."

Pagkatapos no'n umalis na ako.

Nagkulong sa silid na walang kinakausap...

Saka ko natagpuan ang sarili ko na abala muli sa kompanya.

" Sir Zhio. Heto yung ducomento para sa constraction ng simbahan at kumbento na nais ninyong ipatayo. Kailangan ng pirma ninyo."

" Sige ilagay mo lang diyan. Nga pala Deo. "

"Sir...."

" may sinabi ka bang impormasyon tungkol kay Claire sa dalawa kong ama-amahan.?"

" Wala sir. Nanatiling lihim ang pagtulong ninyo sakanya."

Saka ko tinalikuran si Deo.

Pumunta ako sa pagpupulong ng Crysatic Board members. Maayos naman ang kinalabasan lalo na umayon sila.sa proyekto ko tungkol sa simbahan at kumbentong ipapatayo ko.

Palabas na ako ng kompanya ng... Hinabol ako ng isa sa mga secretarya.

" Master Zhio. Gusto po kayong makausap ni V-president Derick Brundon."

" kung gusto niya ako kausapin ipaabot niyo sa secretarya ko."

.... Pamilyang Brundon... Ang pamilyang may malaking Share sa kompanya ng Crysastic... Kaya nga pumapangalawa sa akin si Derick Brundon ... At kahit ayoko sa pamilyang yun... Wala parin akong magagawa dahil ang yumao ko pang ina ang tumalaga sa kanila.

avataravatar
Next chapter