37 Chapter 36 All is a forced Act

Claire >>>>>>>>>>

Ilang linggo na ang nakalipas... Simula no'ng huli kami magkita ni Zhion...

Oo.. Aaminin ko na po na hinahanap-hanap ko ang strangherong yun...

Araw araw may bagong bulaklak na nakalagay sa Vase ng kapilya. Minsan inaabangan ko kung sino ang naglalagay dahil nagbabakasakali akong na siya na yun... Ngunit lagi naman akong nabibigo.

Bigla ko na lang kasi hinahanap-hanap ang malulungkot niyang tinig... Na parang may tumutulak sa akin na huwag ko siya iwan...

Heto umaasa parin ako na balang araw makikita ko ulit siya. Lalo na tungkol sa kasinungalingan na pinapatuklas niya sa akin.

" Claire."

Nang lumingon ako...

Di ko inaasahan na siya yun... Dahil hindi niya ako tinatawag ng gano'n.

" Sister Ema!' Napadalaw po kayo."

" Masaya ako na maabutan kita dito Iha. Napadalaw ako rito dahil sa susunod na.linggo sisimulan ng ayusin itong lumang kapilya at Ang bakanteng kumbento sa likuran. May donation kasing dumating sa simbahan at para yun dito... Saka nais tumulong ng Zel Cantheliz Corporation na ibalik ang kulay ng lugar nito."

" Sister.... Masaya po yun."

" Napakabuti ng Binatang Zel Cantheliz upang maisipan na itayo at buhayin muli ang lugar na ito."

" Sana magpatuloy po ang kabutihan niya."

" Claire..."

Boses ng lalaki na ikinalingon namin ni Sister Ema. Si Derick.

Nang makita ko siya... Nakaramdam.ako ng kaba.

" Magandang umaga po Sister."

" Sa'yo rin Iho. Magkakilala kayo ni Claire?"

" Opo. Ako po Si Derick kasintahan po niya ako."

Tinignan ako ni Sister Ema.

" Siya ba ang ikinikwento mo sa akin?"

" Ah. Opo."

Ngumiti si Sister Ema kay Derick.

" Napakabuti mo upang tulungan mo si Claire."

" Salamat po. Ah.. Maari ko bang makausap muna si Claire..."

" Oo ..Maiwan ko na muna kayo Claire."

Umalis na si Sister Ema. Naupo naman kami ni Derick.

" Umalis ka kaagad kagabi."

Napabuntong hininga ako. Sinasabi ko na nga ba... Ito ang ipinunta niya dito.

"Umalis ako Derick... Dahil...alam mo naman siguro na ayaw ko sa Bar."

Biglang ngumisi si Derick.

" Di ka man lang nagpaalam. Kung may nangyari sa'yo no'ng pag-uwi mo?. At higit sa lahat... Napahiya ako Claire sa mga kaibigan ko."

" Sorry na. Alam ko kasing magagalit ka lang kapag nagpaalam ako sa'yo."

" at sa tingin mo ba di ako magagalit sa ginawa mo."

Napakaseryoso niya.

" Sa simula pa lang kasi... Ayoko ng sumama eh."

" Ibig mong sabihin napilitan ka lang."

"Derick."

" Sabihin mo nga. Napilitan ka rin ba ng sagutin mo ako."

Malumanay ang boses niya ngunit halatang nagagalit na.

" Hindi naman sa gano'n ."

Napabuntong -hininga ako.

"... Promise sa susunod hindi na ako aalis sa tabi mo."

Ang pangakong ikinaliwanag ng mukha ni Derick.

" Maasahan ko sana ang pangakong yan . Dumaan lang ako para alamin na maayos kang nakauwi. By eight... Susunduin kita mamaya. Si Ate Nadine ang bahala sa isusuot mo."

" Sa-saan tayo pupunta."

" Nangako ka."

....wala akong nagawa kundi tumango.

At pagdating ko nga sa bahay, agad ako binigyan ng oras ni Ate Nadine.

" Ate... Napaka-iksi naman ng damit na 'to."

" Aba naman Clarita. Huwag ka na ngang mag-inarte ... Yan lang ang magagawa mo kay Derick sa likod ng pagtulong niya sa'yo"

...tss...

Sa totoo lang... Nabubwisit na ako..

Hindi niya ba tangap kung sino ako?.

" At alam mo ba ang tanging maipagmamalaki ni Derick sa'yo... Yang panlabas na anyo mo lang. Tss... Di ka nga kagandahan eh... Gusto mo pa magmukhang manang."

Napabuntong hininga ako. Oo sino naman ako para ikumpAra sa naging karelasyon ni Derick. Ang tanong hangang saan na lang ba ang kaya ko upang sundin sila... Lalo na si Derick. Nahihirapan na ako ng husto...

avataravatar
Next chapter