((( Monina POV's )))
Nagulat ang dalawang chanak ng makita nga akong naka-apron at nagluluto na ng hapunan.
"Ate Monina?! It's that you?" parang lintik na tanong ni Catriona.
Napataas ang kilay ko. Saka naman napadive ng yakap sa akin ang dalawa. Kala mo naman galing akong abroad.
"Pasalubong namin Ate!"
"Ate! Madaming mga keychain sa kasuloksulukan ng mga pinuntahan niyo. Wag mong sasabihin na wala ka man lang binili."
Nakalimutan kong mamulot ng shell sa dalampasigan ni Cedrick. Saka di naman ako nagtour. Sadyang pamatay nga ng trip yung Manyak at kaadnormalan niya.
Hangang ngayon gigil parin ako. Wag niyo akong sisihin.
Napabulong ako sa kanila.
"Si Caroline? Kailan siya uuwi?"
"Ay! kaya pala kami maagang umuwi ngayon dahil susunduin na—." Nagpakita si Tatay sa amin. Kaya nga natigilan si Carolina.
"Di manmlang kayo nagmamano sa akin." sabat ni Tatay.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com