35 Chapter 34 Don't mess around Him

>Dr. Eriez>>>>>>

" Ano pa ang tinutunganga niyo dyan. Sundan niyo siya!"

At nagsitakbuhan ang mga tauhan ko.

" Natatakot na ako para kay Master Zhio." Si Sya.

"...ngayon ko lang nakita magkagano'n siya. Hindi kaya natetension na siya ng husto sa mga pinagsasabi natin?"

" Dr. Eriez... Wag na siguro muna natin pilitin ng husto na mag-asawa na siya. Alam naman natin na di magagawa yun ni Zhio... Hagat... Ayaw niya. Ngunit naalala mo pa ba ang tungkol kay "Her"."

Napalingon ako kay Atty. Wenziel.

" Nakalimutan ko na rin ang tungkol riyan. Ang tanong sino ba ang babaeng yun."

"Siya at si Deo lang ang nakakaalam."

" ... Parang special ang babaeng 'to kay Zhio..."

Bigla kaming napangisi...

" Bakit hindi natin kilalanin ang babaeng yun. At isali siya sa gulo ng buhay ni Zhio."

" Just like his father."

" ... Parang hindi maganda ang binabalak ninyong dalawa."

" Mabuti pa Sya. Magpahinga ka na... Gabi na . Kami na ang bahala sa kanya."

>>>>>>>>>>>>

Una kong pinuntahan ang kapilya.

Ngunit tinignan ko lang... Saka pinatakbo ulit ang sasakyan. Hangang sa tumigil ako sa tapat ng isang bar.

Kahit saglit... Gusto ko muna magpakalasing...kalimutan ang problema...

Maingay nang makapasok ako. Parang nagwawala ang lahat ng tao na nasa dance floor. Hindi ko maaninag ang mga pagmumukha nila. At siguro naman wala din makakakilala sa akin.

Naupo ako sa isang stool malapit sa counter.

Tinignan ako ng Bartender...

" New face huh."

" One bottle of extra strong alcohol."

' Malaki ang problema natin siguro. "

" Tsk. Can you shut-up and give me what I want!"

" Chill pare."

"Tsk."

Tumalikod ang bartender at kinuha ang gusto ko. Di na umimik matapos ibaba sa akin ang alak.

Tss. Ayoko ng kausap.

Pinaikot-ikot ko ang alak sa loob ng baso.

Nang biglang...

" Alone."

Isang babaeng haliparot na naupo sa sunod na stool sa akin. Di ko pinansin... Diretso kong ininom ang alak.

Nang magulat ako ... Nang haplusin niya ang balikat ko. Inis kong inalis ang mga malalanding kalamay niya.

" bitter ka yata ngayon Mr."

Muli ako uminom ng alak.

" I think you need some comfort."

" Tsk."

Saka ko inubos ang alak.

" One more..." Senyas ko sa bartender.

" Galing ka pa lang siguro sa malamig na break-up... "

Saka namalayan ko malandi niyang hinahaplos ang braso ko. Inaalis ko ang mga kamay niya ... Kaya nga lang ayaw paawat... Kaya bigla ko siyang naitulak. Nahulig ito sa stool niya...at lahat ng tao na nakarinig ng kalabog niya napatitig sa amin.

Nang may sumuntok sa akin.

Hindi ako natinag sa suntok na yun.

Sa galit ko ...

Di ko nakontrol ang sarili ko na suntukin din ang sumuntok sa akin.

" Mga pare! Lumalaban ang baguhang ito dito!"

" tss."

May lumapit sa aking tatlong lalaki... Na parang mga pipichugi naman ang hitsura.

" Ang lakas ng loob mo para gumawa ng gulo dito. Hala ibigay niyo sa kanya ang hinahanap nito."

Saka nila ako pinagsusuntok.

Chance ko na rin siguro ibuhus ang galit ko sa mundong ito.

Wala akong pakialam kung sino man ang sinuduntok ko . Ang gusto ko lang , ipatikim sa kanila ang inis at galit... Lalo na ang pagkapoot ko. Halos di ko maramdaman ang suntok nila...

Pero namalayan ko na lang unti-unti na akong nanghihina.

avataravatar
Next chapter