32 Chapter 31 Blind Date, What a Waste of Time

< Zhio>

Pagdating ko sa Opisina.

" Sir Zhio... Dahil wala po kayo kanina... Ipinakansela ng board members yung pagpupulong at maaring bukas nila ituloy."

"... May naghanap ba sa akin."

" Sa katunayan Sir marami. Sina Dr. Eriez at Atty. Wenziel ang humarap sa kanila... Nga pala sir ipinabibigay ni Dr. Eriez sa inyo."

May papel na inabot sa akin.

Nang kunin ko agad ko naman binitiwan sa mesa.

" Makaka-alis ka na. "

Palabas na sans si Deo ... Ng...

" Nga pala. Agad mong alamin kung sino ang kasintahan ni Claire."

" Masusunod po."

Inabot ko ang papel...

Jessica Mendez.

Tsk. Heto yata ang gustong ireto sa akin ni Dr. Eriez. Kahit sino pa sila... Tsk. Mababasura lamang ang aking oras.

... Pero wala namang mawawala kung pagbibigyan ko ang kalokohan ng matandang yun. Tignan natin kung sino ang di susuko...

Pagkatapos ko pirmahan ang ilang ducomento. Tumunog ang phone ko at si Dr. Eriez ang caller.

" Isang oras ka ng lAte sa dinner ng kablind-date mo."

"... Tss... Maghintay siya."

" Zhio! Hindi pinaghihintay ang babae."

" Who cares anyway."

" ... Alalahanin mo. Kinabukasan ng Zel Cantheliz ang nakasalalay dito."

" Yun lang ba ang dahilAn ng tawag mo. Tsk... Don't worry di naman kita ipapahiya sa babaeng yun."

Lumabas ako.

" Deo!"

"Sir.."

" After twenty mins. Tawagan mo ako.'"

Napatango na.lamang si Deo.

Paglabas ko ng building , agad na sumunod sa akin ang mga tauhan ko.

Sumakay ako sa nakahandang limosine at hinatid sa isang restaurant.

Hinayaan kong sumunod ang bodyguard ko upang maasar ang babaeng yun.

Tss.. Walang ibang tao sa restaurant na yun kundi ang babaeng biglang napatayo ng pumasok ako at ilang mga waiters.

Nakadress ng kulay pula yung babae hangang hita ang haba at kapareha ang napakataas na heels. Ngumiti siya sa akin.

Halatang Modelo ang babaeng yun.

Pero halatang tinutulak nga.nila ako sa kalokohan na ito.

" Mr. Zhio Zel Cantheliz... "

Hindi ko siya pinansin.

Hinila.ng isa sa mga tauhan ko ang upuan ko.

Naupo ako at sinenyasan ang waiter ..

Lumapit naman at ibinigay sa akin ang menu.

Naupo naman yung babae na parang isinawalang bahala ang mga ikinilos ko.

Nang biglang tumunog ang phone ko.

Sinunod lang ni Deo ang gusto kong mangyari.

Sinagot ko sa harapan ng babaeng yun.

" Sure , babalik kaagad ako."

Tumayo ako...

At naglakad palabas ng restaurant ng...

" Zhio!..."

Di ko siya nilingon at bilang respeto man ng kunti...

" Enjoy your meal." Na di ko man lang siya nilingon.

Pagdating ko sa kompanya.

Sinalubong ako ni Dr. Erirez...

" Kamusta ang hapunan Zhio."

Natigilan ako sa paglalakad.

" Makawalang gana..."

" binastos mo Si Ms. Mendez."

" Tss... Nababagay lang yan sa mga babaeng katulad niya. "

At diretso akong naglakad.

Dr. Eriez>>>>>>>>>

" ako na ang humihingi ng paunmanhin sa inasal niya Iha..."

Ayon... Umiiyak si Jessica.

Bakit nakayanan ni Zhio ibalewala ang isang Beauty Queen na kagaya ni Jessica.?.. Tss

Pagkatapos ko kausapin ang dalagita .. Sinalubong ko ang pagdating ni Zhio.

Pero ang nakuha ko lang ang mga walang kwentang pambabara niya.

Hindi na ako natutuwa sa ginagawa ni Zhio.

Kunti na lang talaga James... Makakatikim na sa akin ang anak mo.

avataravatar
Next chapter