29 Chapter 28 He need a Companion and she is the Only One he needed

Isang lugar lang ang nais kong puntahan...

Ang lumang kapilya.

Pagdating na pagdating ko... Bumaba kaagad ako.

Walang tao sa loob ng kapilya.

Wala.rin ang babaeng yun.

Nag-uumapaw ang init ng ulo ko.

Parang nasakal ako ng husto sa mga nabasa ko tungkol sa situation ko.

Ngayon, araw na mismo ang humahabol sa akin upang gawin ang responsibilidad na yun. Bakit nagkakaganito... Ayoko ng ganito.

" Parang semana santa ang mukha natin ngayon ah."

Hindi ko nilingon ...kung kanino mang boses nangaling yun.

"May problema?"

Nang makalapit siya sa akin at naupo sa tabi ko.

" Mabuti at muli kang napadalaw dito... Zhion."

May dala siyang puting rosas...

Iniwan ang bag sa tabi ko... At inilagay sa Vase ang ilang tangkay ng bulakalak.

Nang bumalik...

Ngumiti siya sa akin.

" ... Malaki yata ang problema mo kung bakit ka napasugod dito ng dis-oras. Tara dasal tayo."

Nauna siyang pumikit at yumuko...

Nagdasal... At di ko namalayan ang sarili ko nakatitig lang ako sa kanya habang nagdadasal.

Nang inimulat niya ang kanyang mata.

" tapos na ako. Parang wala yata si Sister Ema. Teka..." Tinignan niya ako.

" kanina ka pang hindi kumikibo dyan. Di mo ba ako maalala?"

" ... Kailangan ko ng kausap. " saka ako napabuntong hininga.

"Pareho lang pala tayo naghahanap ng makakausap. Bakit hindi na lang natin sabihin sa isa't -isa.?"

Ewan . Bigla kong hinablot ang kamay niya ... At hinila palabas ng kapilya.

" te-teka. Ayan ka na naman nanghihila eh. Saan tayo pupunta? Pwede naman natin pagusapan yun sa loob."

" tss.. Bigla ko kasing nakita yung ulo ng pari... Baka matakot ka... Pasok."

" Ha?. "

" Pasok."

" Baka may balak kang magpakamatay... Idamay mo pa ako."

" Wala..."

Nang pumasok siya.

Agad naman ako sumunod.

Halatang di siya mapakali... Pilit na ibinababa ang mukha sa bintana...

" Walang makakakita dyan sayo."

" Ha?...eh."

" Halatang may pinagtataguan ka."

" Ha-halata mong may pinagtataguan ako?"

" Halata ko lang. Bakit may pinagtataguan ka ba?"

" Hindi naman sa may pinagtataguan ... Natatakot lang ako na may makakita sa akin na hindi yung boyfriend ko ang kasama ko kundi ibang lalaki."

" Boyfriend?".

" Yep. Napasagot ako ng dis-oras sa manliligaw ko at ngayon... Boyfriend ko na siya."

" at yan ang problema mo ngayon?"

Marahan siyang tumango at wala na akong narinig sa kanya. Tumahimik lang ang byahe namin.

" May alam ka bang Drive tru dito."

" hmm... Oo pakaliwa ka..."

Pakaliwa... At meron nga.

" Anong gusto mo".

" Libre mo?"

Ngumisi na lang ako.

" Burger...at maraming french fries."

" Sure.."

Nang makuha namin ang order namin... Agad kaming umalis.

" Tataba ako nito sa dami ng french fries at burger na binili mo."

" ...hati tayo dyan."

" alam mo bang... Itong french fries na 'to ang favorite kong kainin kapag stress ako masyado. Kaya sa tingin ko makakatulong din ito sa'yo."

"... Siguro nga."

" Pupunta ba tayo... Dun sa pinuntahan mo na nakatulog ako?."

Tumango ako.

" Papalayo na kasi tayo sa lungsod."

" Di ka ba hahanapin ng boyfriend mo."

" ...sana hindi. Ikaw... Nagkaroon ka na ba ng girlfriend?"

" Hindi pa."

" Sigurado ka."

" Woman hater ako."

Di ko pagdalawang isip na aminin sa kanya.

" Wehhh ... Babae kaya ako."

" Para sa akin hindi.!"

Nagulat ako ng bigla niya akong pingutin sa tenga...

" Babaeng - baBae kaya ako!"

" Aw... "

" Tssk."

" Pikon ka kaagad. Dalawa lang kayong babae sa buhay ko... Ang aking ina at ikaw...at tatlo lang ang kinikilala kong babae sa buhay ko....si Sya."

"Ex's mo si Sya?"

Bigla akong natawa.

" Eh..."

" Si Sya ang nagpalaki sa akin ng pumanaw ang aking ina."

" Ahh... Matanda na siya."

" Fifties... Yah."

"Pareho pala tayo... Wala na rin yung nanay ko... At andyan ang Stepmom ko."

" ... Ang mahalaga.. Masaya kayo Claire. Kamusta na pala kayo ngayon."

Tinignan niya ako.

Parang bigla siyang kinutuban.

" I mean ... Kamusta ang Stepmom mo?"

"Ok lang."

" Siguro andito na tayo."

avataravatar
Next chapter