26 Chapter 25 If I say No, If I say Yes

Yun ang sinasabi ko... Na halos nagpalakas sa kabang nararamdaman ko.

May naamoy na ako... Kung anong susunod dito. Parang mismo sa araw na ito... Gusto ng malaman ni Derick ang sagot ko...

" Seryoso ka ba talaga Derick" muli kong tanong sa kanya.

" ... Seryoso ako Claire... Bakit kinukutuban ka na ba?."

May mga petals ng bulaklak sa sahig.

At sa dulo ng nilalakaran naming red carpet...

May Mesa at dalawang upuan... Magkaharap...

Napakalaki ng swimming pool... Kung saan naroroon sa gitna ang mesang tinutukoy ko.

Ang ganda.

Magdadapit-hapon sa mga oras na yun.

" ... Bibigyan naman kita ng oras upang mag-isip."

" Hindi na ba kita mapipi--... Ahh ano..."

Biglang humigpit kasi ang hawak niya sa kamay ko.

" Claire... Are you doubting me.?."

" Ahh... Hindi.Pasensya na..."

" kinakabahan ka ba?."

" ... Siguro."

" Alam mo . Magiging maayos ang lahat. Tiwala lang Claire."

Napatango ako.

Nang makalapit kami sa mesa. Pinaupo niya ako.

Nagsidatingan yung mga waiter...at inilagay ang mga pagkain.

" ... Mauubos ba natin 'to?."

He smile a bit...

" ... Napansin ko kasing nangangayat ka na... Princess."

Wew... Parang masusuka ako.

" Princess? Sino sya?."

" Ikaw."

" Hehehe... Pangalan ko ba yun?."

" Masanay ka ng tawagin kita ng ganoon. Kain na tayo."

" okey... Prince!..."

" Hindi Prince ang pangalan ko." Balik sa akin na sinabi ko kanina.

" Opo. Prince Derick."

" Ang pangit. Prince na lang."

" Sige Prince at ako'y gutom na."

"Princess, hinay-hinay lang."

" Sure, prince."

At sabay kami natawa.

Si Derick... Tanga din yan eh... At bilang patunay... Nililigawan niya ang isang tulad ko.

"Parang tanga lang tayo, Prince."

" Ang princess ko lang."

Di man lang sumakay sa sinabi ko.

Pero bigla siyang tumawa ng mahina.

" Dumadrama ang Princess ko."

Buti pang diretsuhin ko na siya.

" ... Derick... Sigurado ka na ba sa nararamdaman mo sa akin."

Biglang nawala yung ngiti niya...

Pero ng sumagot... Masiglang bumalik yung ngiti.

" Napaka-direct ng Princess ko... But I have the answer... Hundred percent sure... This heart belong to you."

Matutuluyan na talaga ako masuka.

Wew... Ang Choosy ko.

May hitsura 'tong si Derick... At talagang habulin ng mga babae... Ang kaso sa part ko naman ayoko siyang lokohin sa tunay kong nararamdaman.

" Pa-paano mo naman nasisigurado?."

" I don't know... Basta isang araw,.. hinahanap hanap na kita. .. Di ko nga maintindihan ang sarili ko ngunit.. Alam ko kung ano yun... Mahal kita."

Nanlamig ako sa sinabi niya. Yun parang wala akong maisagot.

" ...minamahal kita ng ganito... Dahil ikaw ang pinaka-ibang klaseng babaeng kilala ko."

Tinignan ko siya.

" Madami na naging girlfriend mo... At sigurado yan ding mga salitang yan ang binitiwan mo."

He smile at me.

" ... Kung sabihin kong hindi ako ang gumawa ng effort kung bakit naging kami...ng mga Ex's ko maniniwala ka ba?"

" mgaEx's?... Ilan sila?"

" ... Sixteen..."

" Hala ... Playboy."

" Di pa kasi tayo nagkakatagpo."

"Gano'n. Ano yung nagustuhan mo sa akin na di mo sa kanila natagpuan?."

" ... This true feeling.. How to love truly."

Nosebleed ako... Tsk.

" how about you... May nararamdaman ka ba sa akin Claire."

Bigla kong pinaglaruan ng tinidor ang pagkain ko... Tinignan ko siya... Nakatitig sa akin ng husto...

Di ko kailangan magsinungaling sa kanya.

Mabait siyang tao...

" Ang totoo niyan... Pinagbibigyan ko ang sarili ko na... Pag-aralan kang mahalin."

Napatango siya.

" I know. Thank you for giving me a chance Princess. Andito lang ako para alalayan ka hangang sa mahalin mo ako. Maghihintay ako Claire."

" Uulitin ko... Seryoso na ba talaga ang nararamdaman mo sa akin?"

" Nasa tamang edad na ako upang malaman na totoo itong nararamdaman ko sayo."

"Sabagay."

Hindi ko ma-feel yung paligid... Siguro kung ibang babae ang nasa katayuan ko...ewan lang kanina pa silang nahimatay sa sobrang kilig sa sinasabi niya at ng lugar na'to.

"Derick..."

" Yes?"."

" Sorry kung ganito ako."

Ngumiti siya.

" Wala namang problema sa akin kung sino ka ...ang importante sa akin... Pinapakita mo yung tunay mong pagkatao.."

" Normal.lang naman ako Derick... At marami ding babae dyan na tulad ko rin..."

" Nope... Sa lahat ng babae dito sa mundo... Ikaw lang ang pinaka-unique na kilala ko... Ibang-iba ka sa kanila..."

" Seryoso.."

" Yah. So ... Claire..."

Inabot niya yung kamay ko... Tumayo siya... At lumuhod sa harap ko...

God.... Hindi ngayon Derick....

" Could you be my Girl?."

Tinignan ko siya. Nakatitig siya sa akin ng seryoso... Naghihintay ng sagot ko.

Si heart ko ang tagal magbigay ng result na ipapadala sa utak ko...kaya walang masabi si bibig ko.

Tama bang si utak si Isipan ko ang gumawa ng desisyon?

Marami na siyang naitulong sa akin. Pero sapat ba yun na maging basihan upang sagutin ko siya?...

Ngunit... Tama bang saktan ko ang isang tulad niya ... Nagmamahal lang siya...

Napabuntong hininga ako.

Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya.

" Alam mo Derick... Napakabuti mong tao... Sana nga  sigurado ka sa nararamdaman mo sa akin....Sana..."

Bigla na akong umiyak...

Napatayo siya...

" Claire... Bakit  ka umiiyak?."

Napayakap ako sa kanya.

At ang rumihistro sa isipan at puso ko...

Ayoko... Ayoko siyang paasahin...

Wala akong nararamdaman sa kanya...

Ngunit ang lumabas sa bibig ko...

" Oo... Derick... Oo..."

Na labis kong ikinaluha ng husto.

avataravatar
Next chapter