995 Chapter 229 I can't wait Monina. 

(Monina POV's)

Monina Catherine Alvarez…

Medyo napangiti ako. Kumpleto talaga yung pangalan ko oh. Tipong kinilala ako ng husto nang lalaking to. Ang kulit din. Puso ko tumatalbog na sa ginagawa niyang to. Di ko na kasalanan kung bakit magkakasakit ako sa puso nito. 

Pero nariyan ka naman ata Cedrick, para alagaan ako. Ngunit andito rin ako para alagaan ka. Di ibig sabihin na doctor ka, wala kang pagkakamali sa kalusugan mo. Tao ka parin Cedrick. 

Tao… na kayang magmahal ng totoo. 

There are no adequate words to express the joy welling up inside me. 

Kahit ako din naman Cedrick, di ko alam ang sasabihin ko sa ginagawa mong to ngayon. Di ko nga alam kung may mukha ba akong ihaharap sayo. Di naman kita ginayuma. Hala ka. 

Pero thank you, dahil ginawa mo to Cedrick. 

Sa totoo lang parang nahubad ko ng dis-oras ang alinlangan ko sa nararamdaman ko sayo. 

Handa mo na atang suklian ang pagmamahal ko sayo. 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter